CHAPTER 8

487 Words
"Regina! Regina!" "bakit po Daddy?" "anong ibig sabihin nito?" report card yon para sa third grading namin. Dahil sa taas at lakas ng boses ng Daddy nya ay hindi sya agad nakasagot. "ano ba ang isasagot ko. Eh sa mahina talaga ako sa pag aaral.Bakit kasi nakita kita pa nito ang grades ko eh samantalang hindi naman sila interesado sa anumang nangyayari sa buhay ko. Tpos ngayon umaacting lang ba ito? O may plano naman ito sa buhay ko" Sa isip nya lang ito nasasabi hindi pwedeng sumagot sa Daddy nya pag gantong mainit ang ulo nya. "Regina! kinakausap kita! Kaya ba hindi mo ito maipakita sa amin at kung hindi pa ako naghalungkat jan sa may ref natin hindi ko pa makikita?Anong plano mo dito?" "eh Daddy kelan pa po ba kayo nagkaroon ng interes sa grades ko?dati rati naman wala kayong pakialam nong matataas ang grades ko tpos ngayon pag mababa may pkialam kayo?" Inaasahan na ni Regina ang malakas na sampal kaya ung mga kamay nya nakaharang na s mukha nya ngunit nagkamali sya hindi iyon nangyari. Pag alis nya ng kanyang mga kamay sa mukha nakita nyang nakapameywang ang daddy nya at nakakunot ang mga noo nito. "Regina...sinasabi ko sayo paano ka namin maisasama sa Europe kung ganyang mababa ang grades mo.! Ano bang nangyayari sa'yong bata ka!" Tahimik lang si Regina. "wala akong dapat ipaliwanag o sabihin sa knila. Nong bata pa ako hinayaan nila ako sa mga katulong tapos ngayong malaki na ako,,wala na akong pakialam sa plano nila sa akin." Ito ang mga gusto nyang sabihin ngunit paano naman nya ito masasabi kung masasaktan lang naman sya. Sa di kalayuan ay kanina pa pala nakikinig si Aling Nena ang katulong na nag aruga at nag alaga kay Regina. Nong mga panahon na nasa ibang bansa ang mga magulang ni Regina ito na ang nag aruga sa dalaga. Kaya't ngayong nakikita at naririnig nya ang usapan ng Daddy nya dinudurog ang puso nya. Hindi nya namalayan na tumutulo na ang kanyang mga luha. Dahil sa pagmamahal sa mga amo hindi na sya nakapag asawa lalo pa at iniwanan sya ng responsibilidad na ikinatuwa naman nya at hindi nya kailanman pinag sisisihan. Kaya't sobrang saya nya nong ipaubaya ng kanyang mga amo ang pagpapalaki kay Regina habang nasa mansyon. Mula ng umuwi ang mag asawa dito sa Pilipinas galing Europe, hinayaan nyang maging malapit ang dalaga sa kanyang mga magulang at iyon ay sinubukan talaga ni Regina ngunit sobrang istrikto at busy ng mga magulang nito. Naaalala pa nya nong mga panahong sya pa ang nag aalaga sa dalaga inaaway nya ang mga kapwa nya katulong kapag inaasar nila ito na ampon lang ng isang katulong. Nadudurog ang puso ni Aling Nena kapag naririnig nyang pinapagalitan ang kanyamg alaga. Wala naman syang magagawa hindi nya pwedeng pangunahan ang mga amo nya dahil unang una hindi sya ang tunay na ina at hindi sya ang numero unong pamilya nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD