CHAPTER 9

686 Words
"knock! knock!" "Mom? come in po" " anong nangyari sa inyo ng Daddy mo?" "hindi mo po ba sya tinanong?" "kahit sabihin pa ng Daddy mo ang nangyari sa inyo knina, gusto ko rin sanang marinig ang side mo." " para ano pa po? wala ka naman pong ginagawa para ipagtanggol ako sa kanya. pakiramdam ko hanggang ngayon wala pa rin akong mga magulang. Si nanay Nena lang talaga ang nakakaintindi sa akin. At kayo puro kayo sarili nyo lang ang inyong iniisip." "anak hindi naman sa ganon,gusto lang naman namin na sumama ka na sa amin.at doon ka mangarap. Doon mo tuparin ang mga panagarap mo." "dito nga hindi nyo naaappreciate ang mga ginagawa ko eh. Doon pa kaya?! Alam mo ba Mom, noong unang dumating kayo dito sobrang excited ako dahil totoo palang hindi ako ampon ng katulong totoo palang mayaman ako. Pero anong nangyari parang lalo kong naramdaman na hindi normal ang buhay ko dahil sa taas lagi ng expectations nyo. Dapat ganito ka dapat ganon ka, Mommy ano po ba ang dapat asahan nyo sa akin eh hindi naman po ako lumaki sa inyo. Pero alam mo po kahit katulong lang natin ang nagpalaki at nag alaga sa akin ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ng isang ina." " Anak, pasensya ka n samin ng Daddy mo. Ngayon lang ako namulat sa katotohanan. Mahal na mahal ka namin ng Daddy mo. walang gabi at araw na hindi ka namin naalala" " kaya po pala tawag pra mangamusta eh wala po akong natanggap.! Tpos ngayon maghahanap kayo ng pang unawa galing sa akin? Palagay nyo po ba deserving kayo? Wala po akong maramdaman na pagmamahal at concerns galing sa inyo." gulong g**o ang isip nya sa mga nangyayari.Ngayon lang din naman sya sumagot ng ganon.Sobrang hagulgol talaga ang dalaga pati ang ina nya ay walang tigil sa pag iyak. Maawa man si Regina ay hindi yon dahil sa ina nya ito kundi dahil sa tao pa rin ito na may damdamin. "Mom, siguro po doon muna ako sa kaibigan ko. Uuwi ako kapag gusto ko na at kaya ko na kayong maging proud sa akin. Uuwi ako kapag kaya ko ng maabot ang expectations nyo sa akin." sabay kuha sa maleta nya. "anak,,ilang araw lang kmi dito ng Daddy mo at kailangan na naman naming bumalik sa Europe tpos pipiliin mo pa ang tumira sa kaibigan mo?" "Mom, buo na po ang pasya ko" "gusto ko man pigilan ka pero mukhang hindi ka na papipigil." " sige na po mommy,mag aayos pa po ako ng mga gamit ko" hindi man yon literal na pag tataboy ngunit ganon din ang pakiramdam ng mommy nya. kinabukasan nga ay umalis na si Regina.Nagpaalam ito sa Nanay Nena ngunit sa sariling mga magulang hindi nya ginawa. "Anak" haplos ni Aling Nena na nakaugalian na ring tawagin itong anak at sya naman ay nanay kung tawagin ni Regina. "'nay wag ka na pong umiyak ilang araw lang naman po ako doon sa kaibigan ko." "bakit hindi ka magpaalam ng pormal sa Daddy at mommy mo. Sigurado ako malulungkot sila. anak ka nila eh." "hindi ko na po siguro kailangan magpaalam pa sa kanila tutal naman po naiwan nila ako sa inyo ng ilang taon eh" nangingilid ang luha na sabi ng dalaga sa nanay nanayan nya. Nagyakap sila ng mahigpit na para bang huling pagkikita nila. "nanay wag na po kayong malungkot ilang araw lang naman ako doon sa kaibigan ko. Siguro kapag bumyahe na sila mommy at daddy patungong europe malay mo umuwi din ako agad." "Hindi mo sila kailangang pahirapan ng ganito lalo na ang mommy mo." "sige po nay aalis na ako buo na ang desisyon ko" Hindi matanggap ni Aling Nena na mawawalay sa kanya ito ng matagal. Mahal na mahal nya ito. Hindi nila alam na sa di kalayuan sa pwesto nila ay nandoon ang mga magulang ni Regina. Iyak ng iyak ang kanyang mommy ngunit ang Daddy nya ay nananatiling matigas. " Halika na sa loob tumahan ka na hindi yon makakatiis uuwi rin yon agad." sinusubukang pagaanin ang loob ng Ginang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD