Chapter 2

391 Words
Sa hindi inaasahang pagkakataon biglang nagawi ang tingin ni Cassy banda sa mga maiingay nyang classmates na kinabibilangan nina Desiree. Isa sa kanila ang nahuli nyang nkatingin sa kanya at ngumiti kaya't ginantihan nya rin ito ng ngiti. Sii Jennifer. Isa sa humahabol sa ranking ni cassy bilang top 1 ng klase. Napapabarkada nga lang ito kayat hindi sya nito matalo talo. Nababasa nya sa katauhan ni Jennifer na hindi naman ito maldita kundi may magandang kalooban. Mali nga lang ang kanyang sinamahang barkada. "hi," "oh Jennifer" "ahhhhmmm pasensya na sa mga sinasabi ng barkada ko ah tungkol sayo." "naku wala yon, hindi ko sila kailangang problemahin. Eh ikaw siguradong aawayin ka nila kapag nalamang nakikipag usap ka sa akin." "naku Cassy kung alam mo lang matagal na akong gustong kumalas sa grupo nila. Ikaw pwede ba kitang maging kaibigan?" "Alam mo ba Jennifer kung ako lang ang tatanungin gusto rin kitang maging kaibigan. Pero ang iniisip ko baka kung anong gawin nila sayo kapag nakita nilang nakikipag kaibigan ka sa akin." "ako na bahala don, siguro naman wala silang gagawin na ikakatanggal nila dito sa eskwelahan. kaya wag ka ng mag alala. Oh pano magkaibigan na tayo mula ngayon?" "oo ba. sige friends?" nakangiting sabi ni Cassy kay Jennifer. Lagi na silang magkasama ni Jennifer mula noon. "anong pagkain mo cassy? tanong ni Jennifer sa bagong kaibigan. Magkasabay silang kumakain ng mga oras na iyon sa canteen. "pork adobo luto ng mama ko, eh ikaw?" " chicken cordon bleu" sagot ni Jennifer sa mahina at mapagpakumbabang boses. "bakit kailangan mong ibulong? eh pang mayaman nga yang ulam mo eh. Bakit sino bang nagluto nyan? Mommy mo?" " si yaya pero tinulungan ko sya." proud na sabi nito. "ahhhh tingnan nyo nga naman nandito ang taksil nating kaibigan.! si Desiree yon. nkalapit pala ito ng hindi napapansin nina Jennifer at Cassy. Abala sila sa pag kukwentuhan. "ahhh! at mukhang masaya naman sila." si Cristina naman ang sumegunda. "anyways,,tara na guys at baka mahawa pa tayo sa kabaitan kuno ng mga walang kwentang ito." patutya pang sabi ni Cristina bago sila tumalikod. Nang umalis ang barkada naiwang nakatingin sa isa't isa wala lang siguro dahil wala silang masabi tungkol sa mga sinabi nina Desiree patungkol sa kanilang dalawa. Mabuti nga yon at hindi na nila kailangan pang isipin na may matatapakan silang tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD