CHAPTER 3

414 Words
Gabi na ay hindi pa rin makatulog si Cassy. Hindi nya mawari ang kanyang pakiramdam. Parang init na init sya na ewan.Lumabas sya sa Veranda nila at may narinig syang kaluskos sa labas ng bahay nila. Out of curiousity nagtungo sya sa labas at tiningnan nya mga pusa lang pala na naglalaro. Akmang tatalikod na sya ng sa di kalayuan ay may napansin syang 4 na lalaki na sa tantya nya ay mga binatilyo. Ang iba ay halos kaedad nya lang. Naisip nyang bumalik na sa loob ngunit hindi lang pala lima ang kanyang nakita. Meron silang kasamang babae.Kung hindi sya nagkakamali ay bihag nila ito. Nakatali ang dalawang kamay at nakapiring. Nagtago sya ng maigi at baka makita pa sya. Nang makita nyang sumakay na lahat sa van ang mga ito naisip nyang safe na sya at noon din ay pumasok na sya sa loob. Nasa kwarto na sya ay hindi parin sya makatulog.Lalong naging gising na gising ang kanyang diwa. Hindi nya alam ang kanyang gagawin. Sasabihin ba nya ito sa nanay nya o ididiretso nya na sa mga pulis. Iyon ang huling nasa isip nya hanggang hindi nya na namalayan na nakatulog na sya. "Cassy? Cassy anak?" nang walang marinig na sagot si Aling Hilda mula sa loob ay minabuti na nyang pumasok tutal sigurado naman syang hindi ito naglalock ng pinto. "Cassandra! Cassandra!" malakas na ang tawag na iyon ngunit hindi pa rin nagigising si Cassy. Nag aalala na sya sa anak kaya't niyugyog nya na ito ng niyugyog at noon din ay nagising na ito. Niyakap ng ina si Cassy habang ang anak ay nagtataka bakit umiiyak ang kanyang ina. "ma? bakit ka po umiiyak?" "panong hindi iiyak eh hindi ka na magising dyan? ilang beses na kitang tinawag,,niyugyog tpos hindi ka pa rin magising! Ang kaisa isa kong anak mawawala dahil binangungot? Hindi ko alam ang dahilan?" "ahhh ma,,kalma ka lang po hindi po ako mawawala sa inyo,,at ska siguro po sobrang puyat lang ako kagabi. Hindi kz ako nkatulog agad kaya napuyat ako." "ganon lang ba talaga yon? pero anak pinag alala mo talaga ako." "ma please wag ka na mag alala eto ako oh buhay pa rin at maganda" sabay yakap sa ina ng mahigpit para matanggal ang pag aalala nito " sige na bumaba ka na don at nang makapag almusal sige na baba na. i love you anak super." " I love you too ma." Sapat na yon para hindi mag alala ang ina
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD