PAGDATING ni Thea sa bahay ng mga magulang ni Klint, agad siyang sinalubong ng yakap ng Tita Clarice niya, ang ina ni Klint. May malapad itong ngiti sa mga labi ng pakawalan siya nito. Parang galak na galak ito ng nakita siyang muli. Well, it's been two years since they last saw each other. Huli niyang nakita ang mga ito nuong umalis si Klint patungo sa ibang bansa para gawin ang matagal na nitong hilig, ang kumuha ng mga litrato sa iba't-ibang panig ng mundo. National Geographic Channel asked Klint to be their photographer and that's the reason why she haven't seen Klint for more than a year. "Oh my god, Thea Look at you!" Tita Clarice exclaimed. Hinagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. "Napakaganda mo na. Ang tagal din nating hindi nagkita. Naging busy kasi kami ng Tito Cl

