13

1541 Words

MULA ng bumalik si Matt sa opisina niya at hindi roon naabutan si Thea, uminit kaagad ang ulo niya. Gusto niyang manuntok pero sino naman ang susuntukin niya? Ang sarili niya? wala namang ibang sisisihin kung hindi ang sarili niya. Nakasandal siya sa likod ng swivel chair na kinauupuan at nag-iisip ng paraan kung paano susuyuin si Thea ng marinig niyang may kumatok sa pinto ng opisina niya. Umayos siya ng upo. "Pasok." Bumukas ang pinto at pumasok doon si Josh, ang head ng Administrative department. Kumunot ang nuo niya. Ano naman ang kailangan nito? "Good morning, Sir." Bati nito sa kanya. Umasim ang mukha niya. "Good morning din sa'yo. Anong kailangan mo?" Lumapit ito sa mesa niya at may inilapag na isang puting papel sa ibabaw ng mesa. "Thea faxed this to me thirty minutes ago.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD