Hindi ko mapigilang maluha habang tinatahak namin pabalik ang daan papunta sa bahay ni Conrad. "Ang daya mo! Sabi mo fair play? Pero hindi, akala ko ikaw lang maghahanap sa akin pero marami pala kayo. Madaya ka!" bulyaw ko ulit rito na nasa unahan at naglalakad.
Tumawa naman ito na para bang demonyo, "Huwag mo na ipilit Ramona dahil talo ka na at wala ka ng magagawa." Nakangisi nitong sagot. Nagpupumiglas ako para makaalis sa pagkakahawak sa akin pero malalakas ang mga ito. "Tumigil ka Ramona, tatamaan ka na talaga sa akin." Pagbabanta nito sa akin.
"Ano ba kasi talagang trip mo sa buhay Conrad? Pakawalan mo na ako! Promise kapag pinalaya mo ako hindi ako magsusumbong sa mga pulis, basta palayain mo lang ako." Pagkumbinsi ko rito.
"Hindi bata ang kausap mo Ramona, tsaka tanggapin mo na ang katotohanang dito ka na tatanda kasama ako." Nakangisi nitong sagot.
"Mas gugustuhin ko pa mamatay ng maaga kesa makasama kang tumanda!" mariin na saad ko rito. Natigilan naman ito sa paglalakad at hinarap ako, alam kong tatamaan na naman ako kaya hinanda ko na ang aking sarili.
Hindi nga ako nagkamali, isang napakalakas na sampal ang dumampi sa aking pisngi. "Balang araw kakainin mo rin 'yang sinasabi mo Ramona, tandaan mo 'yan!" mariin na saad nito.
Mas pinili ko na lang manahimik habang nasa daan kami, nang may mga ilaw na akong natatanaw doon ko na mas nakikita ang mga pasa at sugat na natamo ko kanina sa kaka-iwas at tago na makita nila. Pinagbuksan naman agad kami ng mga bantay na nasa gate. "Ibalik niyo iyan sa silid niya! Siguraduhin niyong naka-lock ang kadenang ikakabit sa kan'ya." Utos ni Conrad sa mga tauhan niya.
"Sir paano po 'yong tutulugan niya?" tanong noong isang lalaki.
"Hayaan mo siyang matulog sa sahig!" singhal ni Conrad dito.
"Sir baka nagugutom po siya, kailangan niya po muna kumain ng hapunan." Saad noong matandang babae na isa yata sa mga katulong niya.
"Hayaan mong magutom ang babaeng 'yan Manang, hindi niya deserved kumain!" matigas na utos nito. "Sige na, i-akyat niyo na 'yan." Saad nito sabay tumalikod na at nauna ng umakyat agad namang sinunod noong mga nakahawak sa akin. Sinuri ko muna kung may mga dala itong baril, nang mapansin kong wala na ring tao sa sala ay agad akong nagpumiglas at sabay nila akong nabitawan. Nawala sa balanse 'yong isa at ang isa naman ay agad kong tinuhod ang p*********i nito, dali-dali akong tumakbo pababa at nagmamadaling buksa ang malaking pintuan nang biglang humapdi ang aking pisngi at bumaon sa pintuan ang isang matalim na kutsilyo. Dumaplis ito sa aking pisngi dahilan para masugatan ako.
"Akala mo matatakasan mo ako?" agad naman akong napalingon nang makitang seryosong nakatitig sa akin mula sa taas ng hagdan si Conrad. "Marami akong alam gawin Ramona, huwag mo akong subukan. Magaling ako sa dart, kung gugustuhin ko puwede ko 'yong itama sa ulo mo pero mas pinili kong iiba ang direksiyon." Seryosong saad nito.
"Edi sana tinama mo na! Conrad ano ba talaga ang kailangan mo sa akin? Wala akong pera o kayamanan kay sinasabi ko na sa 'yo ngayon pa lang na wala kang mahihita sa akin." Nakakunot noong saad ko.
"Pera? Ramona marami akong pera, kayamanan? Marami ako noon. Alam mo kung ano talaga ang gusto ko? Ikaw. Unang beses pa lang kita nakita gusto na kita, kaya ginawa ko lahat para makuha ka." Nakangisi nitong saad.
"Nakakatawa ka at nakakaawa, ganoon ka ba talaga ka desperado? Sa pamamagitan ng pera kinuha mo ako? Sa tingin mo rin magugustuhan kita dahil sa ginawa mo? Hindi Conrad! Hindi ito gawain ng isang normal na tao." Mariin na saad ko.
"I am extraordinary, you better prepare yourself to the things that I can do. Kaya kung ako sa 'yo, sundin mo na lang ang mga sinabi ko para hindi ka masaktan. Paulit-ulit ko iyang sinasabi sa 'yo kanina pa pero hindi mo ginagawa, pasasaan ba at mapapagod ka rin. Alam ko susuko ka rin, pero masaya ako at hindi ako nagkamali sa pagkuha sa 'yo, hindi ka kasi boring." Nakangisi nitong saad.
"Napakawalang hiya mo! Demonyo!" sigaw ko rito.
"Call me anything honey, basta alam ko lang na akin ka. Ramona tandaan mo, kahit pa makatakas ka rito ay kayang-kaya kitang hanapin." May pagbabantang saad nito. Lumapit ito sa akin at marahas akong hinila, "Kung nakakaya mong patumbahin ang mga tauhan ko, puwes ako hindi." Ma-awtoridad na saad nito.
Nagpakawala na lang ako ng malalim na buntong hininga. Kailangan ko mag-ipon ng lakas, hindi ko sila kaya lahat, marami itong tauhan at wala akong panlaban man lang lalo na kung may mga baril sila. Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan nang ipasok niya ulit ako sa madilim na silid, ni wala man lang itong bintana o mga gamit. Tanging kadena lang ang nandoon at ang maliit na ilaw.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo sa akin Conrad? Dito mo talaga ako ilalagay sa lugar na 'to? Conrad hindi ako hayop! Tao ako, ganoon ka ba talaga ka walang puso?" naiinis na saad ko rito.
"Kapag siguro naging mabait ka na sa akin ay ililipat kita sa mas kumokrtableng kuwarto. Iyong may aircon, may malambot na kama at magandang banyo." Nakangisi nitong saad.
"Lahat na lang may kapalit? Ibang klase ka talaga!" bulyaw ko rito.
"Shut up!" sigaw nito sa akin habang ni-lo-lock ang kadena. Naikuyom ko na lang ang aking kamao nang tumayo na ito at nagpagpag.
"Good night sweetie," saad nito sabay lumapit sa akin pero umatras ako. Napapikit na lang ako nang marahas niya akong hilahin at namilog ang aking mata nang subukan niya akong halikan, dumampi ang labi nito sa labi ko pero tinutulak ko siya palayo sa akin. Napasigaw ako nang bigla niyang suntukin ang aking sikmura dahilan para mabuksan ang aking bibig at mas pinalalim niya pa ang halik. Sinandal niya ako sa pader at pinaghahalikan ang aking labi, pisngi tenga at pababa sa aking leeg.
"Bitawan mo ako! Please maawa ka, bitawan mo ako." Paulit-ulit na pagmamakaawa ko rito pero wala man lang itong narinig. Mas napasigaw ako nang bigla niyang punitin ang damit ko at pilit na inaalis ito, sinasangga ko naman ng braso ko ang kamay nito.
"Conrad please, maawa ka huwag!" umiiyak ng sigaw ko rito.
"Conrad! Conrad!" agad siyang natigilan sa ginagawa niya nang may kumakatok sa pintuan at tinatawag ang pangalan niya.
"Hindi pa ako tapos sa 'yo," may pagbabantang saad nito sa akin.
Napadausdos na lang ako sa pader at tuluyang napaupo sa sahig habang umiiyak, bigla akong nanliit sa sarili ko dahil sa ginawa ni Conrad. Punong-puno ng takot ang puso ko ngayon, alam kong kaya niya gawin lahat ng gusto niyang gawin sa akin. Napatingin naman ako sa pintuan at nakita kong dumungaw 'yong matandang babae, kahit madilim ay makikita sa mukha nito na parang naaawa ito sa akin. Kung ganoon, siya pala ang kumatok kanina. Agad niya namang sinara ang pintuan kaya muling binalot ng kadiliman ang loob ng silid, hindi ko mapigilang mapahagulgol. "Hindi ko 'to pinangarap, bakit nangyayari 'to sa akin?" tanong ko sa aking sarili. Pinililit kong ayusin ang damit na pinunit ni Conrad kanina para matakpan ang hinaharap ko, napayakap na lang ako sa aking sarili habang naaalala ang pansasamantala nito sa akin kanina.
"Ayaw ko na rito, ayaw ko na rito." Paulit-ulit na saad ko. Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako kakaiyak. Nagising naman ako nang maramdamang may humahaplos sa pisngi ko at agad na napabalikwas ng bangon nang mapansin na may tao roon. "Huwag! Please maawa ka sa akin, huwag mo 'yang gawin." Umiiyak at takot na takot kong saad.
"Iha shh, hindi kita sasaktan." Saad noong babae? Nang maaninag ko sa maliit na ilaw ay nakita kong siya iyong dumungaw kanina.
"Anong ginagawa niyo rito?" tanong ko sa kan'ya.
"Nakita kasi kita kanina na punit ang damit, kaya dinalhan kita ng pampalit. Alam ko rin na nangangati ka dahil galing ka sa gubat kanina kaya kailangan mo talaga magbihis." Sagot nito.
"Bakit niyo 'to ginagawa?" diretsong tanong ko sa kan'ya.
"Kasi may anak din akong kasing edad mo, masakit sa akin na nakikita ka sa ganitong kalagayan pero wala akong magagawa e." Naiiyak na sagot nito.
"Kung ganoon tulungan niyo po akong makatakas, kailangan ko po makaalis dito." Pagmamakaawa ko sa kan'ya.
"Iha pasensya ka na pero hindi ko iyon magagawa eh, alam ko ang kayang gawin ni Conrad at natatakot ako na ang pamilya ko ang babalingan niya kapag nalaman niyang pinatakas kita." Paghingi nito ng pasensya.
Tumango na lang ako rito, "Naiintindiham ko po, pasensya na." Sagot ko naman.
"Iha bilisan mo na, kumain ka rin muna oh. Nagdala ako ng makakain mo at tubig, alam ko nagugutom ka." Saad nito at agad akong napatingin sa pinggan na nasa harapan ko.
"Pero baka po mapagalitan ka ni Conrad," nagaalalang saad ko.
"Natutulog na siya kaya bilisan mo lang," sagot naman nito.
"Aong oras na po ba?" tanong ko sa kan'ya.
"Ala una na ng madaling araw, sige na kumain ka na at magbihis para madala ko sa baba 'yong damit mo." Saad nito.
Tumango naman ako at dali-daling nilantakan ang pagkain bago nagbihis, sa totoo lang nagugutom na rin ako kasi wala pa akong pananghalian. Nang matapos kumain ay nagbihis na rin ako, magpasalamat ako kay Manang at nagpaalam na itong bababa.
"Pasensya na ulit iha," saad nito na naaawa sa akin.
Hinawakan ko ang kamay nito, "Okay lang po at salamat ulit. Manang baka mahuli ka ni Conrad na ginagawa 'to, baka ika-pahamak mo." Nagaalalang saad ko rito.
"Hayaan mo, ako na bahala sa kan'ya. Matulog ka na riyan, baka bukas kapag nakahanap ako ng puwed ilatag sa sahig ay ibibigay ko agad sa 'yo para 'di lamigin ang likuran mo." Saad nito.
Hindi ko mapigilang maluha, naaalala ko sa kan'ya si Nanay. Kung puwede lang sana huwag na magising, mas gugustuhin ko na lang. Ayaw ko talaga rito.