Kabanata 5: Who are you?

1493 Words
Nagising ako na para ba akong hinugot sa napakalalim dahil halos kapusin ako ng hininga, humihingal ako habang hawak-hawak ang aking dibdib. Napaatras naman ako nang mapansing may mga lalaking nakatingin sa akin walang mapaglagyan ang aking kaba, hindi sila pamilyar pero baka tauhan na naman ito ni Conrad. "Huwag please! Maawa kayo, huwag niyo ako saktan." Pagmamakaawa ko habang pilit na tinatago ang aking sarili sa gamit aking kamay at braso. Nagpupumiglas ako nang hawakan niya ang balikat ko, "Huwag! Huwag!" umiiyak na saad ko. "Miss kumalma ka, hindi ka namin sasaktan." Sagot nito. "Niloloko niyo langa ko, alam ko inutusan lang kayo ng amo niyo. Please, maawa kayo huwag niyo ako saktan." Paulit-ulit na saad ko habang yakap-yakap ang aking sarili at nakayuko. "Gideon lumabas muna kayo," saad noong babae. Agad namang lumabas iyong apat na lalaki, lumapit sa akin iyong babae sabay hinaplos ang aking kamay. "Hindi kami masamang tao, wala ka bang naalala?" tanong nito sa akin. Dahan-dahan kong inangat ang aking mukha at nilibot ang aking paningin sa kabuuan ng silid. Madilim iyong silid ko a, bakit biglang nagka-ilaw? "Sino kayo?" diretsong tanong ko sa kan'ya. "I am Eli Amador, nakita ka namin habang nagkakasiyahan kami sa tabi ng dagat. Akala nga namin patay ka na e, pero noong i-revive ka ni Gideon bumalik iyong pitik ng pulso mo kaya dali-dali ka naming sinugod sa hospital." Paliwanag nito. "Totoo ba iyan? Baka naman patibong lang 'to ni Conrad," hindi pa rin naniniwalang saad ko. "Conrad? Hindi ko kilala ang tinutukoy mo, actually mga investigator kami. Nagkataon lang na nasa beach kami kasi nag-c-celebrate ng successful operation namin." Sagot nito. "Wait, para maniwala ka I will present our I.D. Babalik ako, kukunin ko lang iyong sa kanila." Saad nito sabay tumayo at lumabas. Nasa hospital yata ako, may suwero kasing nakakabit sa akin at nagamot iyong mga sugat ko. Mayamaya pa ay bumalik ito na may hawak na limang I.D, pinakita niya iyon sa akin at isa-isa ko iyong tinignan. "Nagsasabi ka nga ng totoo," saad ko rito. "Ano bang nangyari sa 'yo? Ang dami mong sugat tapos, napag-alaman pa namin na pati internal organs mo na-apektuhan. Galing ka ba sa hazing?" tanong nito. Bigla akong natigilan sa tanong niya, "Hindi ko alam," sagot ko naman. "Sabihin mo sa amin para matulangan ka namin, alam kong hindi lang 'to wala. Ang daming na-damage sa 'yo, sino gumawa nito sa 'yo?" nagaalalang tanong niya. Napapikit ako at napayakap sa sarili ko, hindi ko pa kaya sabihin sa kung sino ang ginawa sa akin ng Conrad na 'yon. Lahat ng ginawa niya sa akin na. "Puwede bang malaman kung anong buwan na ngayon?" tanong ko rito. "November na," sagot nito na nagpaawang ng aking bibig. "Apat na buwan, sa loob ng apat na buwan puro pasakit ang natamo ko sa lalaking 'yon. Apat na buwan niya akong tinago sa impyernong iyon." Mahinang saad ko. Agad hinawakan ni Eli ang kamay ko, "You are safe now." Saad nito. Napailing ako, "I will never be safe Eli hanggang nabubuhay ang lalaking 'yon, alam ko kung gaano siya ka makapangyarihan. Kaya niya gawin lahat," mariin na sagot ko rito. "Connected kami sa mga police, puwede ka namin pabantayan hanggat hindi pa nahuhuli ang may gawa nito sa 'yo. Oo nga pala, anong pangalan mo?" tanong nito. "Ramona Lenore," maikling sagot ko. "Magpahinga ka na muna para makabawi ka," saad nito sa akin. "Ayaw ko! Baka kasi kapag pinikit ko iyong mata ko, pag-gising ko nasa poder na naman ako ni Conrad." Sagot ko rito. "Hindi, promise hindi ka namin iiwan dito. Huwag ka matakot sa kanila, hindi ka nila sasaktan." Pagpapagaan nito sa loob ko. "Eli hindi mo ako masisisi kung puno ako ng takot ngayon, sa lahat ng nangyari sa akin para na akong baliw kakaisip na paano kung makuha ulit ako ni Conrad? Eli takot na takot ako, ayaw ko na bumalik sa kan'ya." Umiiyak na saad ko. Lumapit ito sa akin sabay niyakap ako, "Huwag ka matakot nandito lang ako, Ramona gagawin namin lahat para maprotektahan ka namin." Saad nito habang hinahaplos ang aking buhok. "Hindi ko pa maipapangako na magtiwala sa inyo agad ha? Minsan na kasi akong niloko Eli, dahil doon nagdusa ako." Sagot ko naman. "Okay lang, basta ang tatandaan mo hindi ka namin sasaktan. Kapag kami ang kasama mo, ligtas ka." Paninigurado nito. "Magpahinga ka muna, kakausapin ko muna sila." Paalam nito. Tumango na lang ako at umayos na ng upo, kahit na gusto ko matulog ay hindi ko magawa kaya mas pinili ko na lang titigan ang kisame buong magdamag. "Oo nga pala, nakatakas nga pala ko..." Saad ko nang maalala ang nangyari sa akin noong tumatakas ako sa kamay nina Conrad at ng mga tauhan niya. "Pero hindi ako puwede maging kampante, alam ko gagawin niya ang lahat mabalik lang ako sa poder niya." Saad ko sa aking sarili. Mayamaya pa ay pumasok ang isang matangkad na lalaki na medyo may kalakihan ang katawan, sa palagay ko magkasing-tangkad sila ni Conrad pero mas disente ang mukha ng lalaking nasa harap ko ngayon. "Gideon Linus an investigator, puwede ba kita makausap?" tanong nito. "Para saan?" tanong ko. "Nasabi na sa amin ni Eli ang pangalan mo at parang konektado ang isang case namin sa pangalan mo kung hindi kami nagkakamali. Can I sit?" paalam nito nang makalapit na siya. Umayos ako ng upo sabay dumistansya sa kan'ya, ilag na ilag pa ako ngayon sa mga tao kasi wala akong ideya kung ano ang balak nila sa akin. "So iyon na nga, Ramona Lenore. Kami ang may hawak ng case ng pagkamatay niya, pero ewan kp ba kung bakit na-close agad ang case na iyon. Basta sabi na lang sa amin ay pinatigil na ang imbesitigasiyon dahil sabi ng Ama noong biktima sa sunog. Respeto raw sa namatay niyang anak," sunod-sunod na paliwanag nito. "So tell me, niloloko mo ba kami? Kasi sa pagkakaalam ko, patay na si Ramona." Ma-awtoridad na saad nito. "Sa tingin mo manloloko ako sa kalagayan kong 'to? For your information Mr., galit din ako sa mga manloloko." Mariin na sagot ko rito. "Are you related to Ramona Lenore na namatay sa sunog sa sasakyan?" diretsong tanong nito. "Nakakatawa man pakinggan para sa inyo at hindi kapani-paniwala pero sinet-up nila ako. Pinalabas nilang patay na ako para wala ng maghanap sa akin, iyong nakausap sa interview? Stepfather ko lang 'yon, binayaran siya ni Conrad para ipalabas na patay na ako, na namatay ako sa sunog para hindi makilala ang mukha noong babae na dinamay pa nila sa kabaliwan nila." Saad ko habang lumuluha. "Bakit ngayon ka lang lumitaw?" tanong nito. "Tinago nila ako, hindi ko alam at wala akong ideya kung saang lugar nila ako dinala. May kung ano silang kemikal na nilagay sa panyo at pilit na pina-amoy sa akin para mawalan ng malay, para hindi ko malaman ang daan papunta roon." Sagot ko naman. "Alam mo? Parang hindi kapani-paniwala ang kuwento mo, naka-drugs ka ba?" diretsong tanong nito. Biglang uminit ang aking ulo sa sinabi nito, "Sa tingin mo nagloloko lang ako? Umalis ka nga rito! Kung ayaw mo maniwala edi huwag ka magtanong!" naiinis na sagot ko rito. "Calm down, napaghahalataan kang guilty sa inaasta mo e." Sagot nito. Napahilamos na lang ako sa sarili kong kamay habang umiiling, may mga alaala na namang bumabalik sa isipan ko. "Huwag please, maawa kayo sa akin. Huwag!" umiiyak na saad ko. Mayamaya pa ay pumasok ang iba pang mga lalaki kasama si Eli. "Huwag kayo lumapit sa akin! Please, ayaw ko na." Humihikbing saad ko. "Gideon anong ginawa mo?" rinig kong tanong ni Eli rito. "Wala, nagulat na lang ako nagkaka-gan'yan na siya." Sagot naman nito. Lumapit sa akin si Eli sabay hinawakan ang aking kamay, "Ramona nandito ako," saad niya habang mahigpit na hawak-hawak ang aking kamay. "Gideon hindi mo ba nakikita? Nasa state of schock pa iyong tao, huwag mo muna pilitin na kausapin. Hindi natin alam kung anong nangyari sa kan'ya," pagtatanggol sa akin ni Eli. "Eli baka masamang tao iyan kaya maraming sugat," pagpupumilit ni Gideon. "Seriously Gideon? Tignan mo nga ang kalagayan niya, narinig mo rin ang sinabi ng Doctor na sobra siyang sinaktan 'di ba? Hindi lang kasi basta galos iyong nakuha niya Gideon, para itong tinorture!" mariin na saad ni Eli. "Lumabas na muna kayo, labas!" bulyaw ni Eli sa kanila. Mas lalo akong napahagulgol nang marinig ang sinabi nito, iyon din ang sinasabi ni Conrad sa tuwing may gagawin siyang masama sa akin. Pinapalabas niya si Manang o kaya kung sino ang nandoon sa silid. "Manang huwag mo ako iwan! Manang!" saad ko habang nakatakip ang aking tenga sa aking palad. "Manang huwag mo ako iwan dito!" "Manang natatakot ako," umiiyak na saad ko. Naramdaman ko na lang na may yumakap sa akin, "Ramona nandito lang ako." "Huwag mo 'ko iwan," saad ko sabay tinugon ang yakap nito. "Tutulungan kita, huwag ka na matakot."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD