That night was a blast. Nahuli pa kami nila Eli na naghahalikan kaya todo asar ang mga ito. Sa totoo lang, gusto ko na rin matapos ang involvement ni Conrad sa buhay namin. By nextweek, bibigyan na kami ng bagong kaso kapag natapos na ang pangalawang hearing at lumabas na ang resulta. Isang linggo na simula noong nag-inuman kami nila Eli, as usual bagsak na naman si Ramona at ako ang naghatid sa kan'ya sa silid niya noon. Balik trabaho na rin ako, may mga pulis na nagbabantay kay Ramona sa bahay dahil baka pagtangkaan na naman ni Conrad na kunin siya. Alas kuwatro na ng hapon, excited na akong umuwi para makita na si Ramona. Sa loob ng isang linggong iyon, doon ko nakita kung gaano ka masiyahing tao si Ramona. Kung titignan siya ay parang wala siyang mabigat na problema, doon ko siya una

