Honestly, I am sad. I am so down but I saw Gideon and his friends, I remember how they stand still on my side sa mga panahong hirap at walang-wala ako. Kasi ramdam ko e, kahit wala pa iyong next hearing pakiramdam ko may mangyayari talaga. I just realized na kung patuloy akong magpapakain sa lungkot at panliliit sa sarili ko hinding-hindi ako makakapag-move forward. Kung hindi man makulong si Conrad? Gusto ko lang na layuan na niya ako at huwag na guluhin pa. Baka sa ganoon mapatawad ko siya sa mga nagawa niya sa akin. "Ramona! Nakatulala ka na naman diyan," tawag ni Eli sa atensiyon ko. Nakauwi na kami kanina pa, si Gideon ay nagpaalam muna dahil maliligo raw siya samantala sina Ivan naman ay umalis para bumili ng alak. Kami ni Eli ang na-atasan na magluto ng pulutan, dumaan na kami sa

