Today is the day. Nakalabas na ng hospital si Gideon, dahan-dahan ng humihilom ang mga sugat namin. Bumabalik na rin iyong lakas niya pero hindi pa siya puwede pumasok sa trabaho. Nasa harap ako ngayon ng salamin, hindi ko alam pero grabeng kaba ang nararamdaman ko ngayon. Isang bestida na kulay itim ang suot ko ngayon na hanggang tuhod. Bigay ito sa akin ni Nanay noong nabubuhay pa siya. Noong nakaraang araw, nakatanggap kami ng email galing sa kampo nila Conrad, kinumpirma na nila na makakarating sila sa hearing na dadaluhan namin ngayon. Hindi ko alam pero sobrang kaba ang nararamdaman ko, babalikan ko kasi ulit iyong mga nangyari at ginawa sa akin ni Conrad noon. "Ramona?" Napalingon naman ako nang marinig si Eli, nagpakawala ako ng malalim na hininga nang ngitian niya ako. "Nandit

