"Galit ka ba?" tanong ni Gideon nang mapansing tahimik ako habang nasa biyahe. "Hindi ko lang alam kung paniniwalaan pa ba kita o hindi," diretsong sagot ko rito. "Ramona mali ka ng pagkakaintindi, hindi kita ginawang pain para mahuli si Conrad. Nakuha niya kasi iyong cellphone ni Eli, lagi niya akong kinukulit na ibalik ka na sa kan'ya. Pero sino bang matinong tao ang magbabalik sa 'yo sa kan'ya na alam na mapapahamak ka sa kan'ya? Ramona you can trust me," seryosong saad nito. "Gideon nagulat lang ako kanina, bigla akong nawala sa aking isip nang mabasa ang mensahe ni Conrad kaya nagawa kong tumakas. Patawarin mo ako, muntik ka pang mapahamak dahil sa akin." Paghingi ko ng tawad dito. "Sa totoo lang para akong mababaliw kanina, sabi ko na nga ba at umalis ka dahil doon sa text. Ramon

