Napahawak na lang ako sa aking ulo nang magising ako kinaumagahan. Medyo masakit ito at palagay ko dahil iyon sa ininom namin kagabi. "Gising ka na pala, bumangon ka na at may hinanda akong sopas sa baba para maibsan ang hang over mo." Saad ni Gideon nang sumilip ito sa akinh silid. "Hindi ka pumasok?" tanong ko rito. "Pupunta ako mamaya, nilutuan lang talaga kita ng sopas kasi sigurado akong may hang over ka ngayon." Nakangiti naman nitong sagot. Napakunot naman ang aking noo, hindi ko kasi maalala kung paano ako nakarating dito sa silod. Huling naalala ko kasi ay matutumba na ako dahil sa kalasingan ko kagabi. "Okay ka lang?" takang tanong nito. "Oo, naisip ko lang... Sino nagdala sa akin dito?" tanong ko rito. "Ako, kinarga na kita kasi nakatulog ka na sa kalasingan kagabi." Sago

