"Handa na iyong alak!" anunsiyo ni Theo, dali-dali namang pinahid ni Ramona iyong luha niya at humarap sa amin. "Nagluto pa ako ng chicharong bulaklak kaya natagalan," saad naman ni Eli. "Bakit nakatayo ka lang diyan Gideon?" tanong ni Ivan kaya napalingon sa akin si Ramona. "Wala, napansin ko kasing nagmumuni-muni si Ramona kaya hinayaan ko na muna." Sagot ko naman. "Kanina ka pa pala?" tanong ni Ramona. "Oo pero okay lang," sagot ko naman sabay nginitian ito. Baka iniisip niya siguro na nakita ko iyong pag-iyak niya. "Heto na iyong yelo! Magsimula na tayo," saad ni Cody nang maka-akyat na rin ito. Umupo na kami roon sa table set na may anim na upuan. Mas pinili kong tumabi kay Ramona at sa kabila niya naman ay si Eli. "Ramona sigurado ka bang sasali ka sa amin?" tanong ni Eli rit

