"Ramona!" "Ramona!" napabalikwas ako ng bangon nang muling maalala ang huling sandali namin ni Ramona sa isla na iyon. Mas pinili niyang bumalik sa kamay ng lalaking iyon para hindi ako mapatay ni Conrad. Mas pinili niyang harapin muli ang impyernong buhay sa kamay ni Conrad. "Gideon," tawag ni Eli sa akin. Nilibot ng aking paningin ang kabuuan ng silid at napansing nasa hospital pala ako dahil na rin sa suwerong naka-kabit sa akin. "Eli, may balita na ba?" nagaalalang tanong ko rito. "Sa ngayon wala pa rin, magpagaling ka na muna Gideon dahil malalim ang natamo mong sugat sa pagbaril ni Conrad sa 'yo." Saad nito sa akin. "Pero hindi ako mapakali hanggat nasa kamay ni Conrad si Ramona, baka may masama na naman siyang ginawa sa kan'ya." Pagpupumilit ko rito. "Gideon let's trust the po

