Hindi ko pa rin mapigilang mapahagulgol habang pinagmamasdan ang aking kamay na mahigpit na hawak-hawak ni Conrad. Hindi maalis sa isipan ko ang kalagayan ni Gideon. "Conrad balikan natin si Gideon please," pagmamakaawa ko rito habang umiiyak. "No," malamig na sagot nito. "Pero baka mamatay siya, Conrad." Pamimilit ko pa rin dito. "Bakit ba sobra ka kung magalala sa kan'ya? E halos isang buwan pa lang kayo magkakilala ah!" bulyaw nito sa akin. "Mabuti siyang tao Conrad, ang dami niya ng nagawa para sa akin." Humihikbing saad ko rito. "Mabuti? Sagutin mo nga ako Ramona, mahal mo na ba siya ha?" sigaw nito sa akin. Hindi ko mapigilang matakot nang makitang galit na galit ang reaksiyon nito. "Hindi — hindi ko alam," naguguluhang sagot ko rito. Nanlisik naman ang mata nito sabay mahigp

