Kinabukasan maaga akong nagising at naghanda para sa lakad namin ni Gideon, medyo hindi na ganoon ka lakas ang snow kaya sigurado ako na mas okay mamasyal ngayon. Gaya ng sinabi ni Gideon kahapon, day off namin ngayon kaya susulitin namin ang araw namin ngayon. Ewan ko ba, dapat masaya ako ngayon e. Nagtataka nga ako at simula pa kanina pag-gising ko e ang bigat na ng pakiramdam ko, akala ko nilalagnat ako pero hindi naman. Hindi rin masakit ang ulo ko pero parang may mali talaga. "Ramona! Ano ba naman 'yang iniisip mo? Ang nega mo talaga!" saway ko sa aking sarili habang nakaharap sa salamin. "Sa sobrang excited ko siguro kanina kaya baka naalimpungatan lang ako." Mayamaya pa ay narinig ko ng may kumakatok kaya bago ako tumayo ay muli kong pinagmasdan ang aking sarili sa harap ng salam

