Dahil hindi pa rin naniniwala sa akin si Tito, tinawag niya na iyong Doctor para kausapin ako. "Hello Ramona, I am Dr. Zoey Hemeñez your doctor for almost five months. Simula noong dinala ka sa hospital na 'to, ako na ang laging tumitingin sa 'yo." Pagpapakilala nito. "Wala akong maalala na nakilala kita," sagot ko rito. "Kasi noong una kang dinala rito, nagka-comma ka dahil naubusan ng oxygen ang utak mo habang nalulunod ka. One month kang namalagi rito, minsan nagigising ka tapos natutulog na naman ulit ng hindi nagigising." Nakakunot pa rin ang aking noo habang pinapaliwanag iyon ni Dr. Zoey, pilit kong inaalala ang mga sinasabi niya pero ayaw talaga pumasok sa isipan ko. "Teka nga! Prank ba 'to? Kung oo man, hindi na ako natutuwa. Please sabihin niyo na lang kung nasan si Gideon,

