
Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang bitbit na Istorya. May mga taong makikita mong masaya pero hindi mo alam na sila pa pala itong may mabibigat na pinag-daraanan. Tipong kaya nilang mag-bigay saya sa iba pero mismong mga sarili nila hindi nila kayang maging masaya. Hindi mo alam na yung mga taong maaari mong makasalumuha o makakasalubong sa daan ay mayroong mabibigat na Suliraning matagal na nilang gustong tuldukan.
Ikaw kumusta yang puso mo? Masaya ka ba ngayon? Okay ka na ba sa buhay na tinatamasa mo?
