"You… are asking me… on a date?" Hindi pa rin makapaniwalang tanong ko sa kaniya.
He look at me in disbelief, "yeah? Hindi pa ba obvious?" He asked sarcastically.
"Why?" Para ba makaganti siya sa akin?
Kukunin na naman niya ang loob ko para mapalapit na naman sa akin at masaktan ako ng madalian. O may iba pa ba siyang rason kaya niya ako inaayang mag-date?
"Why do you need a reason why I want to have a dinner date with you? Is it necessary?" Napakamot siya sa batok niya at bumuntong hininga.
Pero ako, nakatingin lang sa kaniya ng nananantiya dahil gusto kong makasiguro kung totoo ba ang ipinapakita niya sa akin ngayon.
"Fine." Aniya sa sumusukong boses. "I… I want to court you." Bumuntong hininga siya at umiwas ng tingin kaya nagkaroon ako ng pagkakataong makita ang namumula niyanga tenga.
His ear is beet red as he look away and avoiding my gaze.
"You… want to court me?" Hindi makapaniwalang tanong ko at napa-iling nalang.
Bakit niya ako liligawan? Ulit? Bakit? Gusto niya pa rin ba ako? O… what the heck?! Why is my heaft beats erratically?!
"Yes. I want to court you. I want you to be my girlfriend again, Dane." He said, straightforward.
Hindi ko alam kung nababaliw na ba ako o ano. Nananaginip ba ako? Nagha-hallucinate na ba ako at naiisip ko ang bagay na ito?
"Bakit…" I can't believe him.
After all those years na hindi kami nagkita at nalayo sa isa't isa… gusto niya ulit akong maging girlfriend? Gusto niya ulit manligaw? Why on earth…
"I… I still have feelings for you…" feelings.
Hindi eksaktong love. Why would I believe him that he still have feelings for me? Until now? Isn't it faiding for years that we're not seeing each other? We're not communicating for years and still… he has… feelings for me.
Well, Dane, you still have feelings for him, have you? Oh s**t! My mind and my heart is not cooperating with each other. What the fudge!
"No… I don't believe you, Zaimon." Umiiling kong sambit at umiwas ng tingin sa kaniya.
Nakita kong kumunot ang noo niya, "bakit? Am I not worth your trust now?" He said a little desperate.
Paano ako makakasiguro na totoo ang mga sinasabi niya kung noong nakaraan lang ay halos ipagtulakan niya ako? Na ipinapamukha niya sa aking hindi na siya ang Zaimon na nakilala at nakasama ko noon. Noong bata pa ako, kami. Noong nakaraan lang ay halos ipamukha niya sa akin na ayaw na niya akong makita kahit pa nga binili niya ang mansyon namin sa kabilang bayan. I don't know what to believe now. I can't give my trust on him right now.
"If you're doubting my intention, I will prove to you that my intentions are pure. That I want you again, to be my girlfriend, Dane." Jerk.
You're such a jerk, Zaimon!
"Oh? Then where's your words that day? When we met at our old mansion? That you are not my man I used to have before. That you are not my slave anymore. That you are far enough from my man before. Where is it?" I said heating up. Masyado na akong nadadala sa emosyon ko. Bakit ngayon pa siya magpaparamdam ng ganyan ngayong marami akong pinoproblema?
"I'm … I'm sorry for that." Huminga siya ng malalim at tiningnan ako sa mga mata.
Halo halong emosyon ang nakita ko sa mga mata niya na bigla lang ring naglaho na parang isang guni-guni ko lang ang nakita ko doon.
"Wala na si Zaimon na nakilala ko noon. Wala na si Zaimon na minahal ko noon. Wala na si Zaimon na kayang gawin ang lahat… h'wag lang akong umiyak sa harapan niya. Wala na si Zaimon na nagparamdam at nagpamulat sa akin na hindi lahat ng bagay ay makukuha ng madalian. Si Zaimon ang nagturo sa akin na magtipid at h'wag gumastos ng sobra. Si Zaimon ang nagturo sa akin na pahalagahan ang isang bagay hindi lang dahil sa presyo nito o kalidad. Si Zaimon… si Zaimon ang nagturo sa akin… kung paano magmahal at magpahalaga ng tao sa paligid ko. Si Zaimon ang nagbago sa akin bilang ako noon. Ang isang bratenelang kagaya ko, nabago ni Zaimon. Pero hindi ko aakalain na pati si Zaimon magbabago, sa lahat bg aspeto." Madamdamin kong sambit habang nanunubig ang gilid ng mga mata.
Umiwas ako ng tingin sa kaniya nang lumalam ang tingin niya sa akin. His soft gaze can always make me melt in no time. And I hate it because it still affects me. Nasaan na 'yung ilang taon kong ginugol sa ibang bansa para makalimutan siya? Nasaan na 'yung ilang taon kong isinakripisyo para sa kalayaan niya? Nasaan na 'yon? Mawawala nalang ba 'yon ng parang bula? Mawawala nalang ba 'yon sa isang iglap dahil sa nakikita kong kalambutan sa ekspresyon niya?
Hindi.
Hindi ko hahayaan 'yon. Ayokong bumalik sa dati. Ayokong masaktan muli ako at malugmok na naman sa nakaraan.
"Wala na si Zaimon sa katauhan mo. Hindi na nga ikaw ang Zaimon na nakilala ko when I was seventeen years old." Dagdag ko pa kasabay ng pagtulo ng isang butil ng luha sa pisngi ko. Mabilis ko 'yong pinunasan at tumingin sa kaniya sa isang matigas na ekspresyon.
"No…" he shook his head in disapproval. "Hindi nawala si Zaimon na nakilala mo noon, Dane." He said with softness in his voice. "I may changed, but the Zaimon you knew is still here." Ako naman ang napa-iling sa sinabi niya.
I scoff, "you already said that Zaimon is no longer existing. Tapos ngayon, sasabihin mong hindi siya nawala? Na nagbago lang pero hindi nawala? Don't bullsh*t me, Zaimon." Sambit ko sa nagtatagis na bagang.
He clenched his jaw while shaking his head, "I just said that because I thought you changed. Because I thought you already forgotten about me for years that you're abroad. But I'm wrong. Seeing you left with heavy heart, with hurting emotion, with pain in your eyes… I lost it. Halos bugbugin ko ang sarili ko dahil sa nakita kong emosyong sa mga mata mo nang araw na 'yon. Hindi ko kayang nasasaktan ka, alam mo 'yan. That's why I am here… in front of you… asking if you could please… give me a chance to prove myself to you one more time."
Parang hindi ako makahinga habang pinagmamasdan ang mga mata niyang may halo halong emosyon na naman. Parang nasasakal ako habang pinagmamasdan siyang may nangungusap na mga mata. I can't stare at his eyes even just for a minute because it hurts. It's also hurting me seeing like this… it reminds me of what happened years ago.
"Yes, I changed. But not at all because my feelings is still intact in my heart. It still beats for you." Parang may kumurot sa puso ko dahil sa sinabi niya. "I want to earn your trust again, Dane."
Umiling ako sa sinabi niya, "marami pa akong dapat gawin. Marami pa akong problema na kinakaharap. Please lang… h'wag ka nang dumagdag pa, Zaimon." Marahas akong umiling para ipilig ang naiisip ko sa mga sinabi niya.
"I won't bother you too much if you want. But please, let me court you. Hindi ako dadagdag sa problemang kinakaharap mo. I will help you, too." Matiim niyang sambit habang nangungusap ang mga matang nakatingin sa akin.
Umiwas ako ng tingin at bumuntong hininga, "let me think, Zaimon. Pagod ako." Saad ko at tumalikod bago pumasok sa loob ng opisina ko.
Nanghihina akong napahawak sa gilid ng lamesa ko at napasapo sa noo habang patuloy na lumuluha. Nasasaktan pa rin ako. Pakiramdam ko kapag nagkalapit na naman kami… baka masira ko na naman siya. This is the why I can't even have any relationship with any other guy because I am afraid I might destroy them. I might ruin their dreams. And I don't want that. I don't want ro be a burden to others. That's why I am standing on my own even if it sucks being alone. Alone in a battle where I can't fight because I am not strong enough, not brave enough to win this battle.
Kaya hindi ko siya kayang bigyan ng pagkakataon na manligaw. Baka mangyari na naman ang nangyari sa nakaraan. Ayoko nang makasira ng tao. Hindi ko na kaya.
Tahimik akong lumuluha at napaupo sa swivel chair ko. Ilang minuto akong umiyak hanggang sa matigil ako at wala nang mailuha pa.
Hindi ko pa kayang makipagrelasyon, lalo na at magulo ang buhay ko ngayon. Marami pa akong problemang kinakaharap. Marami pa akong kailangan gawin sa buhay ko bago ako mag-settle down at magkaroon ng gusto kong pamilya. Hindi pa 'yon sa ngayon.
Ayoko pa dahil… naalala ko na naman ang nakaraan naming dalawa.
'Yung araw na ayaw ko pa sa kaniya dahil maputik siya, pawisan, at namumuhay lang sa pagsasaka at paggiging farmer sa planta namin. Kaya ayoko sa kaniya noon dahil… pakiramdam ko wala siyang mararating sa buhay.
"Alam mo, Dane, hindi naman lahat ng magsasaka ngayon walang nararating sa buhay. Hindi lahat ng batang tumutulong sa mga magulang nila sa planta ay walang mararating sa buhay, kadalasan, sila pa 'yung nagiging matagumpay sa buhay pagdating ng panahon. So don't judge to harshly and too soon dahil baka magsisi ka at makain mo 'yang mga salitang binibitawan mo." Si ate pagkatapos kong ikuwento sa kaniya ang nakita ko kanina sa daan papunta sa bayan.
"I just thought, ate. They're so dirty." Umirap ako habang tinitingnan ang cellphone ko.
"Dane, nasa probinsya tayo. Wala sa Maynila. It's natural to see farmers, even in a young age. At h'wag mo silang pandirihan dahil alalahanin mo, 'yang kinakain mong kanin, mga farmers ang nagsasaka niyan. At 'yung plantation natin, farmers din ang nagha-harvest sa mga bulaklak doon na pinagkukuhanan ng pangkabuhayan ng parents natin." Tumango ako sa sinabi niya at hindi na nagsalita.
I lived in Manila for almost 12 years that's why I am still not used to be here in province. Seeing farmers still new to me. Well, matututo rin naman ako at masasanay na manirahan dito.
"You're still 14 years old, Dane. Dito na tayo titira kaya masanay ka na sa paligid mo, okay?" Tumango ako.
"Okay, ate." Ngumiti siya sa akin at ginulo ang buhok ko.
Si ate halos araw araw na nagpapangaral sa akin dahil palaging abala sina mommy at daddy sa negosyo nila. We moved here two years ago because they started to have business here.
I don't know why, though. Maayos naman ang buhay namin sa Maynila, but they chose to have business here instead. Wala naman akong magagawa dahil sila pa rin ang masusunod. I left my friends in Manila and started a new one here. And luckily, I found two. It's Vea and Theo. They're my bestfriend for almost 2 years now.
"Kate, Dane, bumaba na kayo at kakain na." Napatingin kaming sabay ni Ate kay Manang Lusing sa pintuan ng kuwarto ko.
"Sige po, Manang." Si Ate at ngumiti kay Manang bago tumingin sa akin. "Baba na. H'wag puro cellphone." Tumango ulit ako at ibinaba ang cellphone ko sa kama bago bumaba doon at sumabay kay ate pababa.
"Nasaan sina mommy?" I asked while arching a brow.
"Nasa planta sila ngayon, Dane. Harvest ngayon kaya abala sila." Ani Manang Lusing.
"As always." I murmured and shook my head before started eating.
"Dane, para naman 'yon sa atin. H'wag ka nang nagtampo kina mommy." Hindi ako nagsalita at patuloy lang sa pagkain.
They're always busy na halos hindi na namin sila makasama dito sa mansyon. Sa laki ng bahay na 'to, wala na kaming oras para magkita kita. Ayos na sana kung maliit lang, at least kapag dumating sila, alam namin na nandiyan na sila at makikita namin agad. Pero dito, kung hindi pa kami sisilip sa labas o tatawagin ng mga kasambahay hindi pa namin sila makikita o makaka-usap man lang. Kaya nagtatampo na ako sa kanila dahil masyado nilang inaabala ang sarili nila sa negosyo na nakakalimutan na nila kaming kumustahin.
Kinabukasan ay lunes, kaya naman maaga akong gumising para pumasok. Gusto ko sanag h'wag muna, pero alam kong magagalit si Ate. Dagdag daw sa grades ang attendance kaya hindi niya ako pinapa-absent. Hindi ako matalino, oo, pero never pa naman akong nakakuha ng 75 na grado dahil name-maintain ko pa rin ang grades ko na h'wag bumagsak.
"Hi, Dane!" Napatingin agad ako sa sumigaw at nagtaas ng kilay. I don't know him.
"Good morning, Dane!" Bati ng mga ka-schoolmate ko.
I kinda famous here because my parents are well known businessman here. Lalo na sa plantation namin at sa malaki at engrandeng mansyon na mayroon kami. Kahit na dalawang taon palang nang tumira kami dito ay kilala na agad kami, lalo na ako dahil sabi nila napaka-spoiled ko daw sa mga magulang ko. Maganda rin ako kaya talagang pinagkakaguluhan, well that's my parents' genes.
Pinanglalaban ako sa mga pageants at kinukuhang muse sa basketball at sa classroom pero minsan tinatanggihan ko. Nakakasawa kaya. Nakakainis na magkakaroon ka ng admirer tapos guguluhin ka. Hindi nakakatuwang maging maganda.
"Good morning!" Bati ko pabalik at ngumiti.
"Pre, ngumiti siya sa akin!" Rinig kong sambit nung lalaki na kasabay ng mga bumati sa akin kanina.
Duh! I didn't smile just for him only!
"Dane," sinalubong ako ni Vea at nginitian. "Guess what!" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Huh? Ano?" Tanong ko na parang t*nga dahil hindi maintindihan ang sinasabi niya.
"Come with me!" Sambit niya at parang kinikiliti na ewan habang hinahatak ako papasok sa classroom.
Biglang naghiyawan ang mga kaklase ko dahil sa biglaang komusyon. Kahit ako ay nagulat nang biglang matabunan ng bulaklak ang paningin ko. Kumunot ang noo ko nang bahagyang bumaba ang bulaklak at tumambad ang mukha ng isa sa mga lalaking may gusto sa akin. Hindi sa assuming o pilingera ako, ah. Pero iyon ang totoo.
"Ano 'to?" Malamig kong tanong habang inililigid ang paningin sa buong classroom namin na maraming tao dahil sa komusyong ginagawa ng lalaking ito.
Napakamot ito sa batok, "uh… Dane, gusto ko sanang… manligaw at maging boyfriend mo." Nahihiya niyang sambit.
Guwapo siya, oo. But still, he's not my type. I don't like him. Ayokong makipag-commit sa hindi ko gusto. Pero kahit naman noon na may nanliligaw sa akin ay hindi ko pinapayagan o hindi ko sinasagot dahil alam kong bata pa ako para sa isang relasyon.
"Jake," tumikhim ako at nag-iwas ng tingin. "Ayokong magpaligaw." Saad ko at ibinalik ang tingin sa kaniya.
Nariniy ko ang pagsinghap ng mga kaklase ko at kaunting panghihinayang sa mga bulong nila dahil sa ginawa ko. I know he's kinda famous because he's handsome but my decision will remain like that.
Para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa dahil sa sinabi ko sa kaniya. Hindi niya ba tanggap? I'm still young for a relationship. And yes, I'm a spoiled brat but I still don't want to have any relationship with anyone because I think I'm still young for this. I still can't handle relationships.
"I'm sorry," nahihiyang sambit ko.
Tumango siya, "o-okay lang."
"Bata pa naman tayo kaya palagay ko… magbabago pa 'yan. I'm sorry, I still don't want to have relationship yet because I think I'm still young for that. We can be friends if you, that's all I can offer for now." Huminga siya ng malalim at tumingin sa akin.
"Hindi, ayos lang, Dane. Naiintindihan ko. Siguro, kapag matatanda na tayo, saka ko susubukan ulit kung may pag-asa ba talaga ako." Aniya na parang hindi pa rin sumusuko.
Napanguso ako at tumango ng marahan.
"Uh… puwedeng… tanggapin mo nalang itong bulaklak?" Saad niya na tinanguan ko lang kasabay ng pagtanggap ng bulaklak na hawak niya.
"Salamat." Saad ko at nag-aalangang ngumiti sa kaniya.
"Walang anuman. Balik na 'ko sa room." Tumango ako at ngitian siya ng nag-aalangan bago siya lumabas ng room namin.
Napatingin ako sa mga kaklase ko na may panghihinayang sa mga mata. Bumalik ang iba sa kani-kanilang upuan at ang iba naman ay nagbubulungan tungkol sa nangyari.
"Ano ba 'yan, Dane! Bakit mo binasted!" Reklamo ni Vea sa likod ko habang nakasimangot at nagmamaktol.
Napatigil kami nang may pumalakpak kaya napatingin kami doon. Si Theo pala na may nakakalokong ngisi sa mga labi habang naglalakad at pumapalakpak.
"Danella Kim Balaba, best in pangbabasted!" Anunsyo niya na sinimangutan ko.
Naglakad ako papunta sa upuan ko at nilagpasan siya. Naoapa-iling naman siyang sumunod sa upuan ko kasabay si Vea at umupo sa katabi kong upuan.
"Best in pangbabasted talaga! Pang-ilan mo nang basted 'yan? Kahit sikat, playboy, basketball player, socker player, baseball player, hindi sinasagot. Ano ba mga type mo nang mahanapan ka namin?" Umiling ako sa sinabi ni Vea.
"Hindi naman ako naghahanap. Bata pa ako, Vea. Saka hindi ko naman talaga sila gusto, so why would I settle with the person I don't even like?" Umirap ako sa kaniya.
"Alam mo, ang galing mo mag-english, pero bakit hindi ka nakakasama sa top student?" Kuryosong tanong ni Theo.
Nagsalubong ang mga kilay ko sa tanong niya.
"Hindi naman lahat magaling sa english o mag-english ay matalino. Maalam lang talaga. Hindi matalino." Umirap ako at inayos ang bag. Inilapag ko ang bulaklak sa harapan ko sa sahig bago nagpangalumbaba.
"Sa bagay, ako nga na nasa top 3 hindi naman sobrang galing sa math at english. Nahahatak lang talaga ng ibang subject." Sang-ayon ni Vea.
"Exactly." Saad ko habang nakatingin sa kawalan.
Hindi ako matalino, hindi rin ako bobo. Kaya sakto lang ang kaalaman ko. At least hindi bumabagsak. Hindi ko naman siguro kailangan ng top or honors na 'yan para maka-graduate. Hindi naman 'yon basehan sa pagiging mag-aaral mo.
"Pero mabalik tayo sa pangbabasted mo," umirap ako dahil ibinalik na naman ni Theo ang usaping 'yon.
"Theo, ang pangit ng trip mo. Chismosong playboy." Natawa siya sa tinuran ko dahilan ng pagtingin ng ibang kaklase namin sa likuran kung nasaan kami.
Natigil rin sila sa pang-uusisa dahil dumating ang first subject teacher namin kaya nakinig nalang kami sa discussion.
Tuloy tuloy lang 'yon hanggang sa mag-break time. Nasa canteen kami at nakatingin ako sa cellphone ko habang nagtitingin sa isang online shop ng mga branded na bag. Gusto ko bumili, papayagan naman ako nina mommy kaya hindi na problema ang pangungulit ko sa kanila. Ayaw nila ng kinukulit ko sila kaya papayag ang mga 'yon.
"I want this new bag," saad ko habang nakatingin pa rin aa cellphone ko at pinagmamasdan ang bagong labas na bag.
Naubo ng bahagya si Vea sa sinabi ko, "really, Dane? Bag na naman? Ilan na ba 'yang bag sa bahay niyo at parang hindi ka pa kuntento?" Natatawang tanong niya kaya tumingin ako sa kaniya sunod kay Theo na nakataas ang kilay at nakangisi.
"What?" Maang kong tanong at nagtaas ng kilay.
"Dane, kung hindi mo naman nagagamit 'yung mga binibili mo, dapat i-donate mo nalang." Suhestiyon ni Theo.
Marahas akong umiling, "no way!" Pahisteryang sambit ko. "Hindi ko ido-donate 'yon. You know how much I value those bags! I can't give it away that easily!"
"Pero hindi mo naman lagi nagagamit." Nagkatinginan si Vea at Theo.
"Or… you can sell it. Also your shoes! Your old dresses!" Mas lalo akong nanlamig sa sinabi niya.
No. Freaking. Way.
"No. I won't donate nor sell it. I… I love them all. I value those things I bought. Hindi ko ipagbibili 'yon o ido-donate." Napabuntong hininga silang dalawa ng sabay at sumuko na rin kalaunan.
Ayokong ipagbili ang mga 'yon. Iniingatan ko 'yon. I used to collect those branded bags, shoes, and clothes of mine. Kaya hindi ko basta basta bibitawan 'yon para ibenta o i-donate. Call me greedy or whatsoever but I won't donate nor sell my things.
I will never do that!
"Wala daw si Mrs. Toledo sa next subject," balita ni Vea habang naglalakad pabalik sa room. "Pero may substitute daw na grade 12." Napakunot ang noo ko.
Na naman? Sana hindi 'yung masungit na lalaking 'yon ang magturo sa amin ngayon.
"Sino daw sa grade 12?" Kuryosong tanong ko.
"Sina kuya Henry pa rin ata?" Hindi 'yung lalaki last time?
Yes!
"Pero baka iba na ngayon, baka 'yung nag-substitute na grade 12 last time 'yung STEM student. Si Zaimon."
Hindi niya kinu-kuya 'yon. Well, kahit naman ako. Hindi lang ako sanay. Ang awkward naman kung Kuya Zaimon, e hindi ko naman siya close.
"Ang sungit sungit no'n, e." Natatawang saad ni Theo habang mayabang na naglalakad.
"At least guwapo! Kaysa naman sa nagmama-sungit pero hindi naman guwapo, 'di ba. Saka gano'n talaga si Zaimon." Si Vea, na ikinataas ng kilay ko.
"Ayoko sa kaniya. Masyado siyang masungit, hindi naman siya kaguwapuhan." Nagkibit ako ng balikat nang suminghap si Vea sa sinabi ko.
"Totoo ba? Alam mo ba na pinagkakaguluhan 'yon, lalo na sa batch nila?" Umismid ako at hindi na 'yon pinagtuunan.
E, ano naman kung pinagkakaguluhan siya? Hindi pa rin no'n mababago na isa lang siyang farmer.
"Ang talino pa niya. Tapos balita ko, hindi daw marunong manligaw pero ayos lang daw sa mga nagiging girlfriend niya, at least daw naging boyfriend nila si Zaimon." Natawa ako sa sinabi niya.
"They're so cheap. But well, hindi naman na gaanong nanliligaw ang ibang lalaki sa panahon ngayon. Pero ang weird pa rin na hindi man lang nakadaan sa ligawan session, right." Umiiling-iling kong sambit.
"Tama ka diyan. Kaya ako talaga nagpapaligaw, e. Kaso, ayaw pa nina mommy na magka-boyfriend ako kaya naman hanggang M.U lang muna then, wala na." Tumawa siya ng nakakaloko sa huling sinabi.
"Sus. Ganiyan naman kayong mga babae, ang tataas ng pride niyo kahit gusto niyo 'yung lalaki. Pinapaasa niyo lang kami!" Singit ni Theo.
"E, 'di manligaw ka sa do'n sa mga easy to get na babae para easy heartbreak din." Si Vea na sinundan pa ng malakas niyang tawa.
Umiling nalang ako at pumasok na sa room namin. Kasunod no'n ay ang pag-ring ng bell, hudyat na tapos na ang recess. Inilibas ko ang cellphone ko at naglaro ng candy crush habang hinihintay ang substitute teacher namin.
"Narinig ko si kuya Zaimon daw ang substitute teacher ngayon." Halata ang kilig at galak sa boses ng kaklase kong babae nang sabihin niya 'yon.
Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalaro. Hanggang sa biglang manahimik ang buong room kaya napaangat ako ng tingin kasabay ng pagpasok ng lalaking napakaseryoso ng guwapong mukha. No. Hindi siya guwapo. Nadulas lang ako. Ang pangit niya.
Mabilis siyang naglalakad papunta sa teacher's table at inilapag ang hawak na libro bago tiningnan ang buong classroom.
"Nandito na ba ang lahat?" He asked in a low baritone voice that made me gasp.
"Yes, sir!" Sagot ng karamihan.
Tinago ko ang cellphone ko at tumingin nalang sa harapan, pero hindi sa kaniya. Hindi ko alam pero naiinis ako sa hitsura niya. Masyado siyang gwa– seryoso habang nakatayo sa harapan at nagsasalita. Hindi bagay sa kaniya dahil isa lang naman siyang farmer. I just find him dirty with that job.
"Miss Balaba, are you listening?" Napapitlag ako nang marinig kong tinawag niya ako kaya napatingin ako sa kaniya at sa paligid.
Shit!