Mabilis rin akong nakatulog nang gabing 'yon. Dahil na rin siguro sa pagod kaya nakatulog rin ako ng mabilis. Hindi na rin ako ginambala ni Zaimon nang gabing 'yon at hindi ko na rin inasahan dahil naiirita ako sa kaniya. Napakapakealmero!
"Last question, do you really want to sell our plantation?" Ate asked again when she called me early in the morning.
Alam kong nanghihinayang siya sa pagbebenta ko ng planta, kahit naman ako nanghihinayang. Wala lang talaga akong magagawa dahil ito na rin ang makakabawas ng utang namin. Lalong lalo na kay Mr. Chan. Sa manyakis na 'yon!
"Yes, ate. Attorney Reyes' helping me find a buyer so I won't have a hard time." Sambit ko habang kumakain ng breakfast ko sa kusina ng bahay kahit mag-isa lang.
"I will help you find a buyer, too. Baka may isa sa mga colleagues ko ang gustong bumili." Kumunot ang noo ko.
"A Filipino citizen?" I asked, out of curiosity.
"It depends, though. May kaibigan kami ni Felix na gustong magkaroon ng negosyo diyan sa Pilipinas. I will call her tomorrow so that you can talk to her or I can talk to her about the deal. Kahit ito nalang ang maitulong ko, Dane." Parang may mainit na kamay ang humaplos sa puso ko dahil sa sinabi ni Ate.
"Sure, ate. Call me when she agreed." Ngumiti ako kahit hindi niya ako nakikita.
"Don't mention it. What sisters are for?" She chuckled.
"Oh siya, sige na, ate. Baka inaantok ka na. Matulog ka na diyan. Goodnight. Ba-bye, I love you." Sambit ko dahil alam kong madaling araw na sa lugar nila.
"Okay. Ba-bye. I love you, too. Take care, okay? Eat your breakfast." Aniya na ikinatawa ko.
"Yes. I am eating my breakfast now." Hindi na rin nagtagal at pinatay na niya ang tawag kaya nagpatuloy na ako sa pagkain ng breakfast ko.
Nang matapos ay nag-toothbrush ulit ako at umalis na sa bahay. Dumaan muna ako sa planta para magtanong kung kailan ulit ang harvest. Dahil hindi ko na rin sigurado kung kailan. Masyado akong naging abala noong mga nakaraan kaya nakakalimutan ko na minsan.
"Ah, sa susunod na linggo na po, Ma'am. Tatawagan ka nalang po namin kapag harvest na." Ani Mang Waldo habang nagpupunas ng kamay.
"Sige po. Basta po ihanda niyo nalang po 'yung para sa mga order sa shop dahil kailangan po 'yon. Pupunta nalang po ako dito sa araw ng harvest."
"Sige po, Ma'am." Ngumiti siya sa akin at tumingin sa bandang likod ko kaya napatingin din ako doon.
Saktong paglingon ko ay nagtama ang paningin namin ni Zaimon.
What the heck is he doing here?! In this hour?! It's still 9 AM! Bakit nandito siya ng ganito kaaga?
"Ano pong ginagawa niya dito?" Tanong ko kay Mang Waldo habang tinatago ang iritasyon. Hindi ko puwedeng ibaling sa kaniya ang iritasyon ko kay Zaimon.
Napakamot siya sa ulo niya at nahihiyang tumawa, "uh… dati naman po siyang trabahador dito, Ma'am, hindi ba? Saka… dati rin ho kayong magkaibigan. Kaya no'ng nakita ko siya kanina sa labas ng gate ng planta, inanyayahan ko siyang pumasok. Namiss niya rin daw ho dito. Kaya pinapasok na ko na rin." Alanganin niyang paliwanag sa akin.
Hindi ako makangiti, kahit hilaw o kaplastikan man lang. Dahila ayokong magsinungaling na gusto kong nandito si Zaimon. Sa planta.
Bumaling ulit ako kay Zaimon na nakalapit na pala. Isa o dalawang metro lamang ang layo sa akin.
"Bakit ka nandito?" Mataray kong tanong sa kaniya.
Naramdaman kong umalis si Mang Waldo sa likod ko at paniguradong mas lalo 'yong nahiya.
"I'm just visiting an old place that helds memories to me." He shrugged. "I used to work here before." Matamam niyang sambit sa akin.
"Wala akong pakialam. Hindi ka na dapat pumunta dito." Malamig kong sambit sa kaniya.
Tumikhim siya, "I heard that… you're selling this plantation." Tiningnan niya ako ng matiim kaya nag-iwas ako ng tingin.
Dahil sa bawat tingin niya sa akin, nahihipnotismo ako. Sa bawat tingin niya sa akin, nakakalimutan ko ang lahat. Nakakalimutan ko… pati ang nakaraan namin.
"I can… buy this one, if you want." Doon na ako napatingin sa kaniya.
Iniinsulto niya ba ako?
Binili na niya ang isa sa mga mansyon namin. Ngayon, pati itong planta gusto niya ring bilhin? Ano bang problema niya? Gusto niyang ipamukha sa akin na… kaya na niyang bilhin lahat? Na hindi na siya gaya ng dati na kayang hamakin ng lahat? Na hindi na siya magpapatalo sa kung sino? Na hindi na siya ang Zaimon na nakilala ko noon.
"No, thanks. Nakahanap na si Ate ng bibili ng planta. Kaibigan niya." Mataray kong sambit.
"Sigurado ba kayo na hindi magiging malupit ang bibili ng planta? Ayoko lang na magkaroon ng hindi magandang karanasan ang mga trabahador dito. Matagal na silang naninilbihan plantasyon niyo. Alam ko na rin ang pamamalakad dito kaya hindi ka na mag-aalala sa kung anong kalalabasan. Pangakong hindi ko pababayaan 'to. Aalagaan ko 'to dahil dito rin naman ako nagtrabaho noon, dito ako nabuhay, dito ako lumaki. Kaya sana, sa akin mo nalang ibenta. Kaysa sa ibang tao. Mas mapapangalagaan ko 'to." He said sincerely.
Alam ko 'yon. Pero siguro dahil nalang sa pride ko, ayokong siya ang makabili. Dahil na rin siguro sa nakaraan namin kaya may pumipigil sa aking h'wag siyang pagbigyan sa gusto niya. Pero alam ko, sa isang banda, na tama siya dahil nagtrabaho rin siya dito dati. Alam na niya ang magiging pamamalakad dito. Alam na niya kung paano mapapangalagaan ang planta. Alam na niya ang magiging kailangan ng planta.
I'm still torn between selling this to him and not. Because of this f-cking pride of mine! Urgh!
"I don't know! Pag-iisipan ko." Mataman kong sambit at umirap sa kaniya.
"Sana pag-isipan mo ng mabuti para hindi mo 'to pagsisihan bandang huli." Kumunot ang noo ko sa huling sinabi niya.
"Tss." I hissed and turned around.
Huminga ako ng malalim at naglibot muna sa planta. Habang naglilibot ako at tinitingnan ang mga naggagandahang mga bulaklak ay biglang tumunog ang cellphone ko para isang mensahe.
Kinuha ko 'yon at tiningnan. Si Theo pala. Kumunot ang noo ko nang may sumunod na mensahe, galing naman kay Zaimon. Umirap ako nang mabasa ang pangalan ni Zaimon doon.
From: Theo
I can't go to your café today. Tino-toyo na naman kasi Krista. Alam mo naman' yon kapag tino-toyo kailangan kong gawin lahat ng iuutos no'n.
Pakiramdam ko ay stress na stress si Theo ngayon kay Krista. She's his fiancé. Matagal na silang engaged pero hanggang ngayon ay hindi nagpapakasal. They were just arranged by their parents. At tutol si Krista doon kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin sila naikakasal na dalawa. Dalawang taon na, pero hanggang ngayon ay hindi pa sila kasal.
I thought, at first, that their wedding was off but Theo clarifies it. They just postponed it and did not cancelled it.
To: Theo
It's fine. I hope you make it up with Krista.
Hindi ko na hinintay ang reply niya at tumingin nalang sa paligid. Hindi ko alam kung bakit ayaw ko pang pumunta sa coffee shop ko at parang gusto ko pang manatili rito. Siguro dahil nandito pa siya.
I inhaled furstratedly. Nakakainis! I am such a fool here. Bakit ayaw kong umalis? Bakit hinihintay ko pang umalis muna siya bago ako umalis dito?
Tiningnan ko ang cellphone ko nang mag-vibrate 'yon dahil sa mensahe. It's now from Zaimon. Umirap ako at binuksan ang mensahe niya.
From: Zaimon
Where are you? Aalis na 'ko dahil kailangan ako sa site.
Oh? Bakit kailangan niyang magpaalam?
From: Zaimon
You said you'll give the title and the deed of sale as soon as possible?
Damn him. Agad akong nagtipa ng reply sa kaniya.
To: Zaimon
Can't you wait? Atat na atat? Don't worry after my visit here, I will go straight to my attorney's office.
Umirap ako nang mag-send ang reply ko. Tumingin muli ako sa harap kong punong puno ng iba't ibang kulay at klase ng mga bulaklak. Mabilis din siyang nag-reply kaya naman binasa ko na 'yon.
From: Zaimon
Not really. Kaya ko pa naman tumira sa apartment na inuupahan ko.
Kumunot ang noo ko. Saka ko lang naalala na wala na nga pala silang bahay dito sa San Jose. Ipinagbili na 'yon ng tatay at nanay niya dalawang taon nang makaalis ako dito noon. 'Yon ang nabalitaan ko kay Vea nang nasa ibang bansa ako at nag-aaral sa kolehiyo.
To: Zaimon
Then wait for the process. Hindi pa naman nag-iisang linggo at paniguradong inaasikaso naman 'yon ng abogado ko.
From: Zaimon
Okay. Sabi mo, e.
From: Zaimon
I'll go now. Kailangan ako sa site ngayong araw. You should eat your lunch in the right time or I will bug you later.
From: Zaimon
Or you want me to eat you, instead?
Inis kong in-ignora ang mensahe niya pagkatapos kong mabasa 'yon. How dare he be bold like that?! He's a vile! He's so manipulative man! Damn him!
Abot-abot ang tahip ng puso ko dahil sa mensahe niya. What the f-ck was that? Why did he said that?! I don't know what to reply and I don't want to reply. I don't want to give him an idea that I like him to keep texting me so casually.
Sa huli, hinanap ko nalang si Mang Waldo at kinausap tungkol sa harvest sa susunod na linggo. Nang matapos rin sa pakikipag-usap ay tinawagan ko si Attorney Reyes at tinanong kung ayos na ba ang mga papeles.
"Oo, puwede mo nang kunin dito o ako nalang ang pupunta sa café mo para ibigay sa 'yo ng personal ito." Ani Attorney Reyes.
"Uh, hindi na po. Pupuntahan ko nalang po kayo sa opisina niyo para kunin diyan. Masyado na pong abala kung pupunta pa po kayo sa café ko." Nahihiya kong sambit habang binubuksan ang pintuan ng kotse ko.
"Oh sige, sige. Hihintayin nalang kita rito dahil may sasabihin din ako sa 'yo tungkol sa isa niyong mansyon na binebenta mo." Pinaandar ko ang sasakyan ko bago sumagot.
"Sige po, Attorney. Papunta na po ako." Saad ko at nagpaalam nang ibababa para makapag-maneho ng maayos.
Habang nasa daan ako ay naisip ko bigla ang sinabi ni Zaimon sa akin kanina tungkol sa planta. What if I lower down my pride and sell the plantation to him? Alam kong mapapangalagaan niya ng maayos ang planta dahil minsan na rin siya doon na nagtrabaho. Hindi na siya mahihirapan sa pamamahala dahil alam niya na siguro ang pamamalakad.
Magiging maayos ang takbo ng planta kung… siya ang bibili no'n. Hindi mawawalan ng trabaho ang mga trabahador sa planta kung siya ang bibili. Mapapanatag ang loob ko kung gano'n.
Suminghap ako at nag-focus nalang sa pagmamaneho. Sa ibang oras mo na isipin 'yan, Dane. Kailangan mong intindihin muna ang pagpunta sa munisipyo para kay Attorney Reyes nang makuha mo na ang papeles na kailangan ni Zaimon!
Nang dumating ako sa munisipyo ay agad akong nagtungo sa opisina ni Attorney Reyes. Iginiya rin ako ng kaniyang sekretarya papasok sa loob. Pero naghintay pa ako sa sofa dahil may kausap pa daw si Attorney na kliyente. Nang lumabas 'yon sa mismong opisina ni Attorney ay ako naman ang pumasok.
Ngumiti sa akin si Attorney Reyes at iminuwestra ang upuan sa harapan niya habang tumatayo at pumunta sa isang cabinet na gawa sa metal at binuksan 'yon. Kinuha niya ang isang brown envelope at inilipag sa lamesa niya.
"Ito 'yung papeles ng mansyon niyo sa kabilang bayan. Kumpleto na 'yan. Pirmahan mo nalang para maitransfer na kay Mr. Suarez as the buyer." Tumango ako at kinuha 'yon. Binasa ko muna bago pinirmahan.
Nang mapirmahan ko na 'yon ay saka ko ibinalik sa envelope pero hindi ko na ibinalik kay Attorney dahil ibibigay ko na 'yon kay Zaimon. Mamaya o bukas.
Pinag-usapan namin ang tungkol sa isa pang mansyon namin na ipinagbibili ko na. Nakahanap na ng buyer si Attorney at ipa-process na ang mga papeles para maibenta na ng tuluyan. Ibinigay na rin niya ang schedule ng meeting namin sa buyer para makausap ko ng personal.
"Mauna na 'ko, Attorney." Paalam ko matapos ang usapan naming dalawa.
"Sige, Ms. Balaba. Mag-ingat ka." Aniya at ngumiti sa akin ng palakaibigan.
"Opo. Marami pong salamat!" Masiglang sambit ko at kumaway bago lumabas ng opisina niya.
Naging close ko na rin si Attorney dahil madalas siya sa mansyon namin noon dahil palaging may transaction sina daddy tungkol sa trabaho. At lalo na noong namatay sina mommy at daddy. Tinutulungan niya ako sa mga ginagawa ko lalo na ngayong ibinebenta ko ang mga properties namin pambayad sa mga pinagkaka-utangan nina mommy. Para na rin daw niya kasi akong anak o pamangkin kaya tinutulungan na rin niya ako. At naalala niya rin sa akin ang bunso niyang anak na nasa ibang bansa ngayon dahil doon na may trabaho at pamilya.
Nang makaalis ako sa munisipyo ay dumiretso na ako sa coffee shop. Saktong alas dose na ng tanghali kaya marami ring customer na kumakain. Tinanong ko kung kaya ba ng mga crew ang pagluluto, kaya naman daw kaya hindi na ako tumulong pa at pumasok nalang sa opisina ko.
Walang order sa araw na ito kaya hindi ako naging abala. Tutulong nalang ako mamaya sa kusina o sa counter.
Inilabas ko ang cellphone ko mula sa bag at hinanap ang numero ni Zaimon. Gusto ko siyang tawagan pero hindi ko ginawa at nag-text nalang sa kaniya.
To: Zaimon
The papers are here. Gusto mo bang kunin na ngayon o bukas nalang?
Naghintay ako ng ilang minuto sa reply niya habang tumitingin sa emails ko. Abala pa siguro siya sa trabaho niya kaya hindi agad nakapag-reply. Naiintindihan ko naman.
Naghihintay ako sa reply niya pero hindi ko inasahan na tutunog ang cellphone ko sa isang tawag at ang pangalang nakalagay sa caller ay Zaimon. Kumalabog ang dibdib ko sa nakita at huminga muna ng malalim bago sinagot ang tawag.
"Hello," I greet normally.
I bit my lower lip as I wait for him to talk.
"Hello…" he greet in a low voice that almost made me shudder.
"Uh… hindi ka nagreply sa text ko." s**t! Parang iba ang dating no'n, ah?! "I… I mean…"
"Sorry, I just got busy here in the site. Nag-supervise kasi ang may-ari kaya kailangan nandito ako. Kumain ka na ba?" Tumaas ang kilay ko sa sagot niya. Ang layo naman ng sagot niya sa tanong ko.
"Uh… 'yung mga papeles nandito na. Kinuha ko na kay Attorney. Kukunin mo ba sakin ngayon o bukas na?" Nag-aalangan kong tanong dahil alam kong busy siya. Hindi ko sinagot ang huli niyang tanong.
"Engineer Suarez, I need you here!" I heard a female voice that made my insides cold.
What the hell? Anong ginagawa ng babae sa site ng ginagawa ni Zaimon? Is that… his… girlfriend?
"Ahm… sorry, nakakaabala 'ata ako." Mapakla kong sambit.
"No…" he paused for a bit. "Tatapusin ko lang itong tawag, Architect." Saad niya sa kabilang linya, kausap ang babaeng nagsalita.
"Kung may gagawin ka pa, mamaya mo na ako kausapin. O kaya mag-text ka nalang para hindi na kita maabala." I said, feeling cold now.
"Uhm… okay. I will call or text you. Medyo busy lang ako ngayon, sorry." He said apologetically.
"It's fine. Sorry sa abala." I said coldly.
Mabilis kong binaba ang tawag at huminga ng malalim. Inis kong binalik sa bag ko ang cellphone at nag-scroll nalang sa email ko at pagkatapos kong mabigyan ng reply ang bawat email ay lumabas ako ng opisina para maalis ang inis ko.
"Miss! Lunch mo po?" Tanong ni Yshi na masigla pa rin kahit tanghali na.
"Uh… yes, please. Pero…" tumingin ako sa paligid at tiningnan kung may bakante pang lamesa. "Pakilagay nalang doon," sabay turo ko sa isang bakanteng lamesa sa gilid. "Salamat." Ngumiti ako sa kaniya.
"Sure po, Miss." Aniya at nilagay ang usual order ko sa counter.
Naglakad ako papunta sa upuang nakita ko at umupo doon habang inililibot ang tingin sa buong paligid na puno ng mga customer.
Napabuntong hininga ako napagpasyahang pagkatapos kong kumain ay tutulong ako sa kusina. Nang mailapag ang pagkain ko sa lamesa ay nagsimula na rin akong kumain para makatulong na ako pagkatapos ko kumain.
Kaya naman nang matapos nga ako ay dinala ko na rin ang tray sa loob ng kusina. Medyo nagulat pa ang iba sa pagpasok ko pero ngumiti lang ako sa kanila at dumiretso sa lagayan ng apron at nagsuot no'n.
"Uh… ako na dito," sambit ko sa isang kusinero na dalawa ang niluluto.
"Uh… sige po, Miss. Salamat po." Ngumiti ako at ako na ang pumalit sa kaniya sa pagluluto.
Alas tres na nang matapos ang hectic schedule ng café. Buti nalang talaga at tumulong na rin ako. Nagpasya rin kasi kami noon na maglagay ng pangtanghalian at pang-dinner dito aa café dahil marami rin no'ng naghanap noon. Maraming dumadaan dito na gustong kumain ng kanin at ulam kaya mabuti na rin at nagdesisyon akong maglagay no'n.
"Sa opisina na 'ko," paalam ko sa kanila habang nagpupunas ng kamay galing sa paghuhugas. Tinanggal ko na rin ang apron ko at bumaling sa kanila.
"Sige po, Miss. Maraming salamat!" Anila kaya ngumiti lang ako at lumabas ng kusina.
Bigla akong napatigil sa paglabas nang makita ko kung sino ang nasa labas noon at naghihintay. He stand there cooly and so proud and handsome. Napakurap kurap ako at hindi makapaniwala sa nakikita.
Bakit siya nandito? Hindi ba at may trabaho pa dapat siya ng ganitong oras?
"B-bakit ka nandito?" Napatingin siya sa akin at nagtaas ng kilay.
"Are you done?" Sa halip ay tanong niya at tumingin sa likod ko bago nagpamulsa.
"Uh… yes. But why are you here? I thought you're busy?" Bahagya akong na-conscious dahil sa amoy ko. Baka amoy kusina ako. Amoy usok o amoy pawis. Hindi naman ako dapat nag-aalala pero… ayoko lang na maamoy niya akong amoy ewan!
"Kanina ako busy, hindi na ngayon. Tapos na ako doon." Tapos na?
So, tapos na siyang makipaglandian doon sa site? Trabaho o landi?
"The woman voice you heard was Architect Quizon, she's the Architect on that project. May pinag-usapan lang kami." He said defensively.
Nagtaas ako ng kilay, "hindi naman ako nagtatanong." Umirap ako at naglakad na papunta sa opisina ko.
"Did you eat your lunch?" He asked casually.
"Oo." Sagot ko habang naglalakad.
"Okay. Can I have a dinner with you, then?" Napatigil ako sa paglalakad at napalingon sa kaniya. Konting lakad nalang ay opisina ko na nang sabihin niya 'yon.
Isang hanggang dalawang metro ang layo niya sa akin pero nakaka-intimidate pa rin kahit sakto lang ang layo niya sa akin. Napakurap kurap ako sa sinabi niya.
"What?" I said still in shock.
"Have dinner with me," ulit niya sa sinabi niya kanina kaya mas lalong bumilis ang pagtahip ng puso ko.
Why is he… asking me for a dinner?
"B-bakit?" Tanong ko sa nanginginig na boses.
Is this… a part of his revenge? Or what?
He shrugged, "I just want to have dinner with you." Sambit niya sa kaswal na tono.
"You're asking me to have dinner with you without any reason?"
"Kailangan ba may rason para ayain kang kumain ng hapunan?" Nagtataka niyang tanong na ikinainit ng ulo ko.
Oo nga naman, Dane? Why would he have a reason to ask you for a dinner. Dinner lang 'yon. Walang meaning. Wala nang ibang rason para ayain ka niya. Baka nakikipagkaibigan o hindi kaya ay parte ng paghihiganti niya sa ginawa ko noon sa buhay niya.
Umirap ako, "kaya kong kumain ng mag-isa, Mr. Suarez. At saka nandito ka na rin lang naman, ibibigay ko na sa 'yo ang papeles nang manahimik na 'yang kaluluwa mo." Umirap ulit ako at tumalikod na sa kaniya para pumasok sa opisina ko.
Kahit hindi ko siya inanyayahang pumasok ay pumasok pa rin siya. Ipinalibot niya ang paningin sa buong opisina ko. Napaka-simple lang naman ng interior ng opisina ko kaya wala namang interesting sa interior. Simpleng sofa set sa kaliwang bahagi, isang bookshelf, cabinet, lamesa at isang ref lang ang narito sa loob. May simpleng bintana at mga halaman. At wala nang iba. Kaya wala na siyang matitingnang iba. Napakaboring ng opisina ko. Nagbabalak naman akong ipaayos ito, pero sa susunod na. Kapag nakapagbayad na ako ng mga utang nina mommy.
"I want to have dinner with you, Dane." Inis akong bumaling sa kaniya at kinuha ang envelope sa loob ng cabinet ko.
I handed him the envelope, "ayoko. Kaya kong kumain mag-isa."
"I want to have a date with you. Is that enough reason to take you out for a dinner?" Napakurap kurap ako sa sinabi niya. He said that, straightforward.
Hindi ko inasahan 'yon. Hindi ko inasahang sasabihin niya 'yon nang harapan sa akin. Ba– bakit niya ako ide-date? Bakit… damn it! Nawawala na naman ako sa sarili kong pag-iisip!