"Dating with your friend, I see." He said bitterly.
What the f-ck did he mean by that?!
Is he seriously telling me that I'm dating with Theo? That I'm flirting with him? Ugh! The gut of this guy!
Umirap ako, "what are you doing here?" I seriously ask. Not minding the beats of my heart as I sit there with him in front of me.
"I had breakfast here, you see." He said sarcastically.
"Oh? Is that so? Then, I must leave you here alone for you to enjoy your breakfast and do my job first as well." Tumayo ako at handa nang umalis doon nang bigla niyang hawakan ang kamay ko para pigilan sa pag-alis.
Napakurap kurap ako ng mata bago bumaling sa kaniya, pababa sa kamay naming magkahawak. Kahit tiningnan ko na 'yon ay hindi niya pa rin binitawan. What is his freaking problem?
"Get off me, Mr. Suarez." I said in a monotone.
Bumuntong hininga siya bago binitawan ang kamay ko at ipinatong ang braso sa lamesa habang tinitingnan ako ng matiim.
"What do you want?"
He licked his lower lip before motioning the chair to me. Telling me that I should sit first.
Umupo ako pabalik na parang tutang sunod sunuran sa amo niya. s**t lang, Dane!
"Let's talk about the mansion I want to buy," he said calmly.
Humugot ako ng malalim na hininga bago tumingin sa mga mata niyang kasing lamig ng yelo ang ekspresyon bago ako nagsalita.
"I will contact my lawyer for the deed of sale and to transfer the title under your name, Mr. Suarez. Don't worry. Marami lang talagang ginagawa si Attorney, since hinahawakan niya ang mga property namin na ibebenta ko." I said in a business-like tone.
He sighed, "okay. You can contact me if the papers were done in the process. I will be… a bit busy for the next days." For sure busy siya sa babae niya. Ganiyan naman siya.
I arched a brow. "Okay." Sagot ko nalang para wala na kaming pagtalunan.
Inilahad niya ang kamay niya sa harapan ko na parang nanghihingi ng pera. Kumunot ang noo ko.
"What?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya.
"Give me your phone," mas lalong kumunot ang noo ko sa tinuran niya.
"Why would I do that?" Ekshaheradang tanong ko sa kaniya.
Bumuntong hininga siyang muli na parang nauubusan ng pasensya sa sinasabi ko.
"Paano mo 'ko mako-contact kung hindi ko ibibigay sa 'yo ang number ko? Sige nga." Napairap ako sa sinabi niyang 'yon. May punta siya, para nga lang gago dahil hindi naman niya sinabi agad na cellphone ko ang kailangan niya.
Kinuha ko ang cellphone ko sa sling bag kong dala at inilapag sa kamay niya. Mabilis niyang binuksan 'yon pero dahil may password, hindi niya agad magawa ang dapat na gagawin. Tumingin siya sa akin habang nakataas ang isang kilay. Umirap ulit ako at kinuha sa kaniyang kamay ang cellphone ko bago iyon binalik na nakabukas na.
Mabilis siyang nagtipa ng numero niya sa phonebook ko at siguro pati na rin ang pangalan niya. Kinuha niya ang cellphone niya at kinuha naman ang numero ko. Nang matapos siya sa paglalagay ng number niya ay binalik niya na 'yon sa akin habang seryoso ang mukha.
"'Yon lang ba ang pag-uusapan natin? Kung iyon lang, pupunta na ako sa opisina ko dahil marami akong gagawin." Tumango siya kaya tumayo na ako at nagpasyang umalis sa harapan niya. Hindi pa ako tuluyang nakakatayo nang magsalita siya ulit.
"Eat your lunch at time. H'wag kang magpapalipas ng gutom." Napalingon ako sa kaniya at tumayo ng maayos habang itinatagilid ang ulo ng bahagya.
"Kung magpalipas man ako ng gutom, wala ka na dapat pang pakialam doon." Kasabay ng pagtapos ko sa katagang 'yon ay biglang nagdilim ang mukha niya habang matiim akong tinititigan.
Hindi ko na 'yon pinansin at umalis nalang doon habang dinadama ang bilis ng t***k ng puso ko. Nang makapasok ako sa loob ng opisina ko ay napahawak ako sa dibdib ko at dinama ang bilis ng pagpintig no'n. Damn it. Bakit hindi pa rin nagbabago ang epekto niya sa akin? Samantalang parang nawala na ang epekto ko sa kaniya.
Life is really so unfair when in terms of love. It's sucks. Big time.
Naging abala ako sa pag-assist sa counter, maging sa kusina para sa mga order na kailangan sa araw na 'yon. Kapag naman nasa loob ng opisina ay emails ang inaatupag ko at sa mga nagtetext business number ko, nagsasabing oorder, nagpa follow up o nag-aavail ng order nila. Kaya nakalimutan ko ang mga nangyari kaninang umaga.
Nakalimutan ko na ang mga naramdaman kong kabog sa dibdib kanina.
Nang mag alas tres ay lumabas ako ng opisina ko para bisitahing muli ang kusina. Nag-uunat ako nang mapatingin ako sa gilid ko. Halos mapatalon ako sa nadatnan ko.
What the f-ck is he doing here again?!
Nanlamig ang katawan ko nang bumaling siya sa gawi ko at nagtaas ng kilay habang may malamig at madilim na ekspresyon sa mukha. Umayos siya ng tayo at nilagay ang dalawang kamay sa loob ng bulsa. Napakurap kurap ako sa kaniya. He's really here.
His stance is so attractive plus bis body built that can make every girl in the city drool and swoon over him. His massivity screams strength that no one would dare touch him.
"A-anong ginagawa mo dito?" s**t! Why did I stutter?!
Tinaasan niya ako ng kilay dahil sa tanong ko, "you didn't eat your lunch." He said in a very strong and manly voice.
I swallowed hard. Ngayon ko lang naalala na hindi pa nga pala ako nakakakain dahil naging abala ako buong araw. Tumingin ako sa wrist watch ko at nakitang alas kuwatro na ng hapon. Hindi ko rin naman naramdaman ang gutom kaya hindi ko naalalang kumain.
"Naging abala ako kanina kaya hindi ko na naalalang kumain," sagot ko sa kaniya kahit na hindi ko naman dapat kailangang magpaliwanag.
Mas lalong dumilim ang mukha niya sa sinabi ko. "Kahit na. You should make time for your lunch. For your snacks. For your meal. Don't skip your meal everyday. Nakikita mo ba ang sarili mo? Ang payat mo na." Kumunot ang noo ko at nainis sa tono niya.
Mabuti na lang at nasa hallway kami papunta opisina ko, malayo sa mismong kinalalagyan ng mga customer ko. Ugh! Nakakainis siya!
"Bakit ka ba nakikialam? Wala ka namang dapat na pakialam sa akin. Kahit hindi ako kumain, wala ka na dapat pang pakialam. Kung mamatay ako sa gutom, wala kang pakialam. Bakit para kang galit diyan, huh?!" Hindi ko inasahang tataas ang boses ko dahil sa iritasyon sa kaniya.
Bahagya siyang nagulat pero mabilis ring naka recover at tumikhim habang matiim na nakatingin sa mga mata ko.
"I'm just concern–"
"You don't have to be concern to me. I can take care of myself. I can stand on my own. I don't need your concern, Zaimon." Umigting ang panga niya sa sinabi ko. Halatang nagpipigil ng galit o ano man.
"Really? So, starving yourself is part of your taking care of yourself?" Nahimigin ko ang galit at iritasyon sa sinabi niya pero hindi ako nagpatinag do'n.
"Wala kang pakialam." Sambit ko sa matigas na tono.
Bumuntong hininga siya at dinilaan ang dila at umiwas ng tingin.
"I… I just… I just want to…" huminga siya ng malalim. Tila nahihirapan sabihin ang gustong iparating.
"Ano?" I urged him.
Hindi ako umaasang concern siya sa akin dahil may nararamdaman pa siya sa akin pero tang'nang puso 'to. Bakit sobrang bilis na naman ng t***k?!
"I just want to be friends with you." Tuminging muli siya sa akin habang ako'y may nanlalaking mga mata habang nakatingin sa kaniya. "Kahit 'yon nalang… muna…" hindi ko naintindihan ang huling salitang sinabi niya pero hindi ko na pinansin 'yon.
"Friends, huh?" I scoffed. "I don't want to be friends with you." Hindi dahil ayoko talagang may kaugnayan sa 'yo, kung hindi dahil ayokong… ayokong maging hanggang doon nalang tayo ngayon.
Mas mabuti nang hindi tayo maging magkaibigan, kaysa naman sa hindi kita makalimutan dahil magkaibigan na tayong dalawa. Ayoko no'n.
"Why?" He said a bit disappointed.
"Ayokong maging kaibigan ka. I don't like being friends with my ex boyfriend." Umiwas ako ng tingin at nilagpasan siya palabas ng hallway.
Ayokong maging kaibigan ka. Mas lalo lang akong hindi makakalimot at mas lalo lang akong masasaktan kapag naging magkaibigan tayo. Hindi ko matatanggap na susuportahan kita sa kahit ano… bilang kaibigan mo.
"Because you just like your friend to be your boyfriend now? You preferred him now?" Kumunot ang noo ko at huminto sa paglalakad.
"Wala ka nang pakialam do'n." Sagot ko at nagpatuloy na sa paglalakad habang pinapakalma ko ang sariling damdamin.
Nang makaalis ako doon ay huminga ako ng malalim bago bumaling sa counter at tiningnan ang log book. Habang tinitingnan ko 'yon ay may naramdaman akong presensya sa gilid ko kaya napaangat ang tingin ko doon. Hindi na ako nagulat nang makita ko si Zaimon na malamig ang titig sa akin.
"Eat your meal before doing anything else." He said in more serious tone now.
Umiwas ako ng tingin at hindi siya pinansin bago binalik ang log book sa kahera.
"Did they already delivered the orders?" I asked Yshi. One of the cashier here.
"Yes po, Miss. The last one po for Mrs Torres is on the way na po." Tumango ako at ngumiti. Nag-aalangang tumingin si Yshi sa lalaking nasa gilid ko kaya napatingin din ako doon.
"Ano pa bang kailangan mo?" Tanong ko habang nakataas ang isang kilay. "Oh, don't worry, I will contact Attorney Reyes later for the processed papers." Mataray kong sambit sa kaniya. "Then, you can already transfer the money in my account." Dagdag ko pa.
"Don't care about that now. I just want you to eat your meal. Mag-a alas singko na. Kumain ka na." Napairap ako sa kawalan at nakitang nahiya si Yshi sa komusyong ginagawa ni Zaimon.
Ginawa niyang abala ang sarili sa pagche-check ng mga cupcakes at binibilang 'yon ng pa-isa isa. Tumingin muli ako kay Zaimon at sinalubong ang malamig niyang mga mata gamit ang walang emosyon kong titig.
"Don't decide for me. I don't even need your concern. Puwede ka nang umalis." Pero hindi siya natinag sa sinabi ko at nagtaas ng kilay.
"Hindi ako aalis dito hangga't hindi kita nakikitang kumakain." Nag-init ang ulo ko sa sinabi niya.
"Ano bang trip mo sa buhay at nagsasayang ka ng oras dito sa paghihintay na makakain ako?" Nagpameywang ako sa harap niya at tinaasan siya ng kilay.
His jaw clenched as he look at me in disbelief, "just do what I've said. After you ate you meal, I will leave your coffee shop as soon as possible you want. Is it now okay? O gusto mong pilitin pa kitang kumain." Paghahamon niya na ikinagulat ko.
What the heck is his problem?! Bakit ba siya nangingialam sa buhay ko? Siya nga hindi ko pinapakialaman e.
"Fine. Kakain ako. Pero hindi ka uupo sa kung nasaan ako." Nagpapalit palit ang tingin niya sa mga mata ko at kalauna'y bumuntong hininga sa pagsuko.
"Okay. I will sit two tables away from you." Umirap ako sa sinabi niya at humarap kay Yshi.
"The usual meal for me. And add milk shake." Tumango siya at agad na tumalima. Bumaling ako kay Zaimon na nakatayo pa rin doon at hinihintay ako. "Happy?" Pinanlakihan ko siya ng mata at tumalikod para maghanap ng mauupuan.
He's true to his words though, because he really did sit two tables away from where I was sitted. Kahit para akong balisa dahil sa pagtitig niya sa akin habang naupo sa malayo ay hindi ko ipinakitang apektado ako. Umakto akong naiinis at walang pakialam sa pagtitig niya kahit na naghuhuramentado nang talaga ang puso ko.
"Here's your meal, Miss." Ani Yshi at ngumiti sa akin.
"Thank you." Kinuha ko na ang kutsara at tinidor at nagsimula nang kumain habang tumitingin sa labas ng café.
Pinagmamasdan ang mga taong naglalakad, nag-uusap, nagtatawanan. Kasabay ng pagdaan ng mabibilis na sasakyang nasa kalsada.
Tunay ngang ang buhay ay parang gulong. Minsan nasa taas ka, at minsan naman ay nasa ilalim ka. Suwerte kapag ang paghinto ng gulong ay nasa itaas ka, at malas kapag ang paghinto ng gulong ay nasa ibaba ka. And now… I am at the bottom now as my goes on every day.
Pasalamat nalang siguro ako ngayon dahil… hindi ako gaanong pinag-uusapan ng kung sino sino sa daan tungkol sa nakaraan ko. Tungkol sa mga kapalpakang ginawa ko noong bata pa ako. Tungkol sa mga kalupitang ginawa ng mga magulang ko noon. Tungkol sa naging utang ni mommy sa mga ka-business partner niya dahil sa pagsusugal.
At kapag nangyari pa 'yon… I think… my mental health will break down again as I go through my dark pathways.
Napabalik ako sa katinuan nang tumunog ang cellphone ko na nakalapag sa ibabaw ng lamesa. Tiningnan ko 'yon at nakitang nag-text si Zaimon sa akin.
From: Zaimon
Continue eating. Don't space out. Hindi mabubusog kakatingin sa labas.
Umirap ako at nainis sa tono ng text niya. Ano bang pakialam niya? Hindi ba dapat wala na siyang pakialam sa akin? Is this part of his revenge? To trapped me with this gentle gestures?
To: Zaimon
Shut up. Ikaw na nga lang nanonood sa aking kumain, ikaw pa itong nagrereklamo.
Iritado ko 'yong sinend sa kaniya at nagpatuloy na sa pagkain nang tumunog muli ang cellphone ko para sa panibagong mensahe.
From: Zaimon
I like watching you eat, though.
Kumunot ang noo ko at hindi nalang 'yon pinansin. Hindi ko na rin siya nireplyan dahil pakiramdam ko, kapag nireplyan ko siya ay hindi siya titigil sa panggugulo sa akin.
Nang malapir na akong matapos sa pagkain ay kinontak ko si Attorney Reyes para ifollow up ang papeles na kailangan ni Zaimon. Napakaatat kasi ng lalaking 'yon.
"Uh… magandang hapon, Attorney. Sorry for the disturbance." Saad ko nang sagutin niya ang tawag.
"No. It's fine, hija. Bakit ka pala napatawag?" He said in cheerful tone.
"Uhm, ifollow up ko lang po 'yung deed of sale saka 'yung sa pagtatransfer ng titulo sa pangalan ni Mr. Zaimon Suarez." I sipped on my milk shake while looking outside.
"Ah! Oo, naiayos ko na nga pala 'yon, Ms. Balaba. Ang kailangan ko nalang ay ang pirma mo." Napatango ako sa sinabi niya.
"Sige po. Pupunta ako diyan bukas para po mapirmahan ko na." Hindi na rin nagtagal ang usapan namin dahil iyon lang naman ang pinapamadali kong papeles. Wala naman kasing problema sa ibang buyer kung medyo matagalan ang proseso ng papeles. Hindi gaya ni Zaimon na atat na atat na sa pagkuha ng titulo.
Pagkababa ko ng tawag, saktong pumasok ang text ni Zaimon sa akin.
From: Zaimon
Who are you talking on your phone?
Napaka pakialamero!
To: Zaimon
What do you care?
From: Zaimon
Is that your friend? Theo, is it?
The audacity of this guy to act like a freakin' possessive boyfriend!
To: Zaimon
So? Don't meddle with my calls, Mr. Suarez.
Hindi na siya nagreply sa mensahe ko kaya hindi na rin ako nag-abala pang hintayin pa 'yon. Tinapos ko na ang milk shake ko at tumayo na. Kasabay ng pagtayo ko ay siya ring pagtayo ni Zaimon at paglapit sa akin.
"The papers will be sent tomorrow. I will just text you if I had it already."
He nodded but his gaze remained on mine that's why I urged to look at him.
"Anything else?"
"Nothing. You will… have your dinner in time?" Nag-aalinlangang tanong niya.
"It depends, though. Kapag nagutom ako agad, kakain ako agad. Pero kapag hindi, e 'di hindi." Siya naman ngayon ang napairap sa sinabi ko.
What's his problem, really.
"You should still eat. Kahit kaunti lang." Kumunot ang noo ko.
"Wala kang pakialam kung hindi ako kumain mamayang dinner." Iritadong saad ko at nilampasan siya.
Hindi ko na siya nilingon at pumasok nalang sa loob ng kusina para tingnan kung may ginagawa pa sila. As usual, mayroon. Pero hindi na gaya kanina na sobrang hectic. Ngayon ay nakakapagpahinga na sila at nakakapag-usap usap habang naghihintay o gumagawa ng niluluto nila.
"Is everything fine?" I asked.
"Yes, Miss Dane!" Sagot ng head chef s***h baker.
"That's good. Kapag wala nang gaanong customer ng mga, ipagpalagay nating 9pm, magsasara na tayo para makapagpahinga ng maaga since ang dami nating ginawa sa araw na 'to." Ngumiti ako sa kanila at parang mas lalo pa silang ginanahan sa sinabi ko.
Nakita ko kasing hindi gaanong marami ang kumakain at pumapasok sa café ngayon kaya naman naisip kong baka hindi dumami mamaya. Hindi rin kasi weekend ngayon. Walang mga gumagala na estudyanteng tumatambay da café.
Lumabas ulit ako at pumunta naman sa kahera. Tumulong saglit bago nagpasyang bumalik sa loob ng opisina ko. Ilang minuto palang ako doon na nakaupo nang biglang tumunog ang cellphone ko para sa isang tawag. Napatingin ako doon at nakitang tumatawag si Ate.
"Hello, ate?" Bungad ko habang nakatingin sa monitor ko.
"Are you really now determined that… you will sell the plantation?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
May halong inis at panghihinayang ang boses niya kaya parang naguilty ako sa gagawin kong pagbenta sa plantation. But I need to earn more money to pay our parent's debts.
"Uh… yes, ate. I'm sorry for this reckless decision of mine but… this will help to earn money to pay our parent's debts. This is my last card. After selling it… I will… leave San Jose to go to Manila and live there. I will find works there while the café's still working. Dito ko na lang kukunin ang mga pang-araw araw ko." Litanya ko para ipaliwanag sa kaniya.
She sighed heavily, "but… the plantation helds memories for us. Our parents… worked hard for it to be…" halos hindi na niya matapos tapos ang salita niya dahil nahihirapan. Kahit naman ako… nahihirapan. Pero wala naman akong magagawa.
Ang tanging magagawa ko nalang ay ang diguraduhing magiging mabuti at responsable ang bibili ng plantasyon.
"I know, ate. Pero… ginigipit na ako ng ibang pinagkakautangan ni Mommy. I should pay them as soon as possible." Napahilot ako sa sentido ko at ipinikit ng mariin ang mga mata.
"Is the mansions not enough?" She carefully asked.
"Still not, ate." Bumuntong hininga ako na parang dala dala ko lahat ng bigat ng mundo. "Mr. Chan sent an email to me yesterday, he said that he will let me not to pay the debt… but I know what's the consequences he wants. I don't want to be a payment for it." Hindi ko namalayang bumagsak na ang luha ko habang sinasabi 'yon. "I know he wants my service… my body… in return." Napapikit ako ng mariin at tinakpan ang bibig para pigilan ang paghikbi.
"Oh God, Dane… why… damn it! I want to be there with you. I want you to have me as you go through these problems…" I heard her sobbed. Kaya hindi ko na rin napigilan ang paghikbi ko sa narinig.
"I… I will do everything to pay him. But I will not use my body to pay our parent's debts to him." Umiling ako habang nakapikit ng mariin.
"Hinding hindi mo gagawin 'yon. I will sue him if he will insist about that thing. Kapag naging clear na ang schedule ko at ang schedule ng kuya Felix mo, uuwi kami diyan sa Pilipinas para bisitahin ka." Tumango ako habang pinupunasan ang luha sa pisngi ko.
"Salamat, ate." I said almost a whisper.
"Then…" she sighed heavily, "pumapayag na akong ibenta mo ang plantasyon. Basta't siguraduhin mong mabait at responsable ang bibili. Siguraduhin mong hindi mawawalan ng trabaho ang mga trabahador doon." I swallowed hard and thank her in silence.
"I will, ate. I will assure that everything will be fine."
"That's good to hear, then. What time is it there now?"
"Uh… 5pm."
"Go home early and rest. Okay? You should give yourself a rest. H'wag puro trabaho. Alam kong hindi ka naman talaga sobrang kailangan sa mga shop mo, so you should treat yourself a rest for a day. Say… have some day off. Theo chatted me yesterday that he'll be in San Jose, nagkita na ba kayo?" Hindi talaga nakaklimutan ni Theo na magsabi kay ate sa tuwing pupunta siya dito.
Alam ko na ang susunod na mangyayari. Magsusumbong siya kay ate kapag hindi ako sumusunod sa mga payo ni ate. At pagtutulungan nila ako sa pagsesermon. Gano'n kapag si Vea ang nandito.
"Yes, ate. We saw each other this morning. May pinuntahan siguro siya ngayong araw. Sabi niya babalik siya bukas dito."
"Okay. Take care of yourself, hmm? H'wag masyadong magpapagod." Aniya at nagpaalam nang ibababa na ang tawag dahil madaling araw palang sa Canada.
Bumalik na ako sa pagtatrabaho. At nang mag-alas otso ay nagpaalam na akong uuwi. Ibinilin ko sa manager ang pagsasara sa buong café kahit na alam kong alam na niya 'yon, I just want to remind her.
Umuwi na ako sa mansyong… napakalaki pero iisang tao lang ang nakatira. How lonely I am. I'm not used to be alone before… but when I live in New York to study there, I get used to eventually. Then I moved to Canada with my sister. I stayed there for a year after my parents died. Pero hindi pa rin ako masanay sanay sa nangyayari sa akin. Kahit halos magdadalawang taon nang wala sina mommy at daddy. At halos nabuhay akong mag-isa for the past eight years.
Kailan ba ako masasanay?
I don't feel home even I am here at our mansion where we used to be years ago. Back when I was still young… a naive teenager. A spoiled brat Danella Kim Balaba.
Bumaba ako ng kotse at huminga ng malalim bago binuksan ang gate at bumalik muli sa loob ng kotse. Ugh! Maghahire na nga ulit ako ng guard dito. Nakakapagod pabalik balik sa kotse.
Pagkapasok ko ay pinatay ko na ang makina ng kotse ko at bumaba na. Nang biglang tumunog ang cellphone ko para sa isang tawag. Kumunot ang noo ko nang makita ang pangalan ni Zaimon sa caller.
"Hello," bungad ko sa isang malamig na tono.
"Hey," he greet huskily or more like… a bedroom voice. "Are you home?" Umirap ako dahil sa tanong niya.
Nagpatuloy ako sa paglalakad habang nasa tenga pa rin ang cellphone ko. Binuksan ko ang pinto at kinapa ang switch ng ilaw bago ko sinagot ang tanong niya.
"I am. But still it's none of your business, Mr. Suarez." Mataray kong saad.
"Can you please drop the word Mister? I feel like so old with mister beside my name." Kumunot ang noo ko sa tono niya.
"Matanda ka naman na talaga. So no need to demand with that." Narinig ko ang marahas niyang pagsinghap.
"Wow. I'm still just 30 years old, Miss Danella. I am still definitely young." Umirap ako sa kahanginan niya.
"Whatever."
"Kumain ka na?" Aniya na nagpabago sa usapan.
"Paki mo?"
"I'm just concern, Dane." My heart skipped when he called me in my nickname. Damn it.
"Drop your concern and stop bugging me." Sambit ko at agad na pinatay ang tawag.
Mabilis na dumapo ang kamay ko sa dibdib ko kung nasaan ang puso ko. Why are you still reacting with his words?!