Pagkatapos kong kumain ay inilabas ko na ang tray. Naabutan ko na naman siya na naroon at prente pa ring nakaupo doon.
Ano ba ang ginagawa niyan dito at parang walang trabahong dapat gawin?
Tumikhim ako at nagpatuloy sa paglalakad. Mula sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko siyang napaangat ang tingin sa gawi ko at hindi na inalis ang gingin sa akin hanggang sa lumiko ako papunta sa kusina.
Pinagpapawisan ako ng malagkit habang pinapakalma ang sarili dahil sa ginawa niya. Why the need to stare at me like that? What the heck?!
"Okay na ba?" I ask one of the baker.
"Yes, Miss. Nandoon na po lahat. Pati po 'yung mga pang-design." Ngumiti ako sa kaniya at dumiretso na papunta sa dapat kong gawin.
"Anong oras ulit ito idedeliver?" I asked.
"Mga five pm po, Miss." He said with shyness.
"Okay," huminga muna ako ng malalim bago inumpisahan ang pagdidisenyo sa cake na ginagawa ko.
Nawili ako sa pagdi-disenyo ng cake na idi-deliver sa bahay ng kagawad na 'yon. Hindi ko na namalayan ang oras at alas kuwatro na pala ng hapon. Sakto sa pagkakatapos ko ng paggawa sa cake. Inilagay ko' yon sa kahon at nilagyan ng pangalan at resibo sa takip ng box. Pagkatapos ay inutusan ko na ang isa sa mga delivery boy na dalhin na iyon sa bahay ni kagawad.
"Balik kayo agad dito after delivering, may delivery pa sa kabilang bayan. That will be…" I trailed off and scanned the log book I'm holding, "that will be at 6:30pm in the evening. Malapit lang naman ang kay kagawad, right?" Tumango ang isa sa kanila.
"Dadaan nalang po kami sa shortcut para mas mabilis, Miss." Tumango ako at ngumiti ng babagya.
"Salamat," nang makapasok na sila sa L300 ay pumasok na ako sa loob ng coffee shop.
Wala na doon si Zaimon kaya gumaan na ang pakiramdam ko sa buong café. Pakiramdam ko kasi, habang nandito siya ay binabantayan niya ang kilos ko, gaya dati. At 'yon ang pinakaayaw ko sa kaniya dahil hindi ako mapakali. Hindi ako kumportable sa titig niyang parang hinububaran na ako.
Everytime he stares at me, I feel like vomiting. I'm too conscious to bare his stares. And he's too oblivious to notice my uncomfortable state when he's staring at me. Noon pa man ay nakahiligan na niyang titigan ako. I know staring is rude but it seems a mannerism to him. Nakasanayan na niya kaya hindi na niya maalis sa sarili.
Nang mag-alas sais na ng gabi ay ibinilin ko na sa manager ang gagawin. We're closing at 10 in the evening and opening at 8 in the morning. Dati ay eight to eight ang café ko, pero naisip ko ring gawing hanggang alas diez ng gabi dahil marami pa ring bumibili at dumadaan sa coffee shop ko.
The advantage of being located near the highways.
Marami ring dumadaang mga truck driver na gustong mainitan ang mga tiyan kaya ginawa ko na ring alas diez. Minsan ay inaabot pa kami ng alas onse o alas dose dahil minsan ay napakaraming tao.
Hindi na ako nagtagal doon at umuwi na ako sa bahay. Pagod akong bumuntong hininga habang tumitingin sa mansyon na walang ilaw.
Ako lang mag-isa, ako lang. Pero sanay na ako. Sa ilang taon kong mag-isa ako, hindi na ako gaanong nalulungkot. Pero may parte sa akin na nalulungkot pa rin ng sobra, lalo na kapag nakikita ko ang mga larawan nina mommy at daddy na nakangiti. Mas nalulungkot ako. At kapag naman nakakausap ko si ate, nalulungkot ako.
Saka ko lang naaalalang… mag-isa nga pala ako.
Bumuntong hininga ako at pumasok na sa loob ng bahay. Kinuha ko ang cellphone at binuksan ang falshlight para makita ang paligid. Hinanap ko ang switch para mabuksan ang ng ilaw sa buong mansyon.
Mansyon.
Pero ako lang mag-isang nakatira.
Kaya mas lalo akong nagkaroon ng lakas ng loob na ibenta ang mansyong ito at maghanap nalang ng bahay na maliit na puwede kong tirhan. Ako lang naman mag-isa kaya wala na akong problema.
Nang mabuksan ko na ang lahat ng ilaw sa tanggapan ay dumiretso na ako sa hagdan paakyat sa kuwarto ko.
Kahit na wala na akong house helpers dito ay kumukuha pa rin ako minsan ng maglilinis dahil hindi ko nahaharap dahil marami rin akong inaasikaso sa araw araw. Dalawang beses sa isang buwan akong magpa ayos ng hardin. Lingo lingo kong pinapalinis ang swimming pool. Lingo lingo akong nagpapalinis ng buong mansyon. Gano'n lang ang ginagawa ko sa nagdaang dalawang taon ko dito.
Pagod akong pumasok sa kuwarto at binuksan ang ilaw sa loob. Napangiti ako ng mapait habang pinagmamasdan ang malungkot kong kuwarto. My sister and I used to play her, instead in the playroom. We used to have some fun here or in her room. But now… I'm all alone.
I sighed and walk towards my walk in closet. I take my clothes off and walk towards the bathroom with just a towel encircling around my body. I soaked myself in the warm water of the bath tub while closing my eyes and relaxing my body.
Habang nakapikit ay nakita ko na naman ang mukha ni Zaimon sa isipan ko. Tang'na. Bakit ba hindi siya mawala wala sa isip ko? He's invading my mind for years that I'm away from him, and now that he's here, he's invading and occupying my mind again.
Why did they came back here in San Jose, by the way?
Bakit niya naman tatanggapin ang destino sa trabaho niya na magpapabalik sa kaniya sa lugar na puno ng mapapait na alaala? Is he doing this on purpose? To get even on me? To get his revenge because of what my family did to him and to his family?
I'm regretting it all. But it seems like he's not going to accept my apology anytime soon. Gusto ko lang maman na maging maayos na kaming dalawa. 'Yung wala nang hinanakit sa pagitan namin at maging kaswal nalang kaming dalawa sa isa't isa.
I hope someday… he will forgive me. He will forgive my parents. Kapag nangyari 'yon… pangako, hindi na ako manggugulo sa kaniya. Kahit na mahal na mahal ko siya. Hindi ko na siya guguluhin para sa ikasasaya niya.
That's how I will show my love for him. In letting him go and be happy in his own life.
After bathing, I went out and put on my nighty and went to my bed to sleep.
But still… anxiety always keep me awake. Kaya naman wala na akong nagawa kung hindi magmuni muni nalang hanggang sa makatulog ako.
Kinabukasan ay binisita ko ang flower shop ko. Nagbabalak akong ibenta ang plantasyon namin ng bulaklak para na rin makatulong at makabawas sa babayarang utang nina mommy.
I know it will also freak my sister out. But how could I pay those debts if I will rely on those mansions? The two mansions were already sold. And I paid the other debts mommy has. At kung mababayaran na ni Zaimon ang isa pang mansyon, makakabayad na ulit ako. May matitira pa sa mga pinagkakautangan nina mommy. I already decided, if I can't lose the mansion that has left, then I will sell the plantation. And I will go to Manila to live there and find a better job. Chef it is or whatsoever. I will stand on my own.
Pero… paano ang flower shop ko?
Damn it! I'm really torn between selling it and not. Ugh! This life really sucks. Mom? Why did you left so many debts in me? Is this a punishment for being so reckless and spoiled before?
"Ate, I don't know if… I should sell the plantation too–"
"What the f-ck, Danella?! Are you freaking out of your mind?! Nung una 'yung mansiyon kung saan tayo talagang nakatira, tapos ngayon ang plantation naman? I am freaking willing to help you, Dane. Why would you want to handle this problem alone? I'm your sister. I'm your family. Why would you want to be alone if I am here, willing to help you without anything in return." She said frustratedly.
I sighed heavily and look at the field in front of me, "I know I should count on you, Ate. Pero… alam kong ito na lang ang tanging kabayaran ko sa mga nagawa ko noon. Kung kailangan kong magsakripisyo ulit… magsasakripisyo ako. Kung kailangan kong mahirapan, maghihirap ako. Kasi, ate, alam kong pagkatapos nitong lahat… alam kong magiging maayos na ako. Alam kong magiging masaya na ako. Kahit ako lang mag-isa. Magiging maayos ako. I need to face my problem alone in order to make me more mature enough in the future. I should not be reckless anymore this time." Rinig ko ang malalalim na hininga ni Ate sa kabilang linya habang nagsasalita ako.
"I should be there. I want to be there with you. You had enough pain for the past years, Dane. I want to hug you right now to make you okay. To console you." She said frustratedly while breathing heavily.
"I'm fine here, ate. You shouldn't be worried. I will be fine." I smiled even though she don't see me.
"Fine. Call me if something bad happen. If you want to talk to someone. I'm one call away, Dane. Don't hesitate." She said seriously.
"I know, ate. Sige na. You should sleep. It's midnight there, right? You should better catch a sleep now. Baka pa magising ang mga pamangkin ko sa kakasalita mo." Natatawang sambit ko.
"No, I'm at the balcony. They're in the other room." Yumuko ako at napangiti.
She seems so happy with her married life now. She's already happy with her own family. She's brave enough to go through pain years ago because of that arrange marriage she had with kuya Felix. And I am already at ease knowing that she's fine with him. Ang gagawin ko na lang ay ang hindi sila istorbohin sa kung anong problemang kinakaharap ko. Dapat ay labas na sila sa kung anong problemang meron ako.
"Sa coffee shop ako ngayon, magiging ayos lang naman kayo dito, 'di ba?" Nakangiting tanong ko sa mga empleyado.
I informed them about selling the plantation and this shop. They seem so unhappy with my decision.
"Miss, h'wag mo nalang pong ibenta itong shop. Promise, magtatrabaho kami ng higit pa sa tama. Kailangan namin ng trabaho. Maayos kasi ang pamamahala mo dito at maganda ang pasahod, never nadelay. Kaya po hindi kami makapaniwala sa gusto mong mangyari." My flower shop's manager said with her beguiling eyes.
I sighed heavily, "I am just thinking about selling this out. Hindi pa naman pinal ang desisyon ko kaya puwede pang magbago. Don't worry, I will inform you if I will really sell this one." I smiled at them, apologetically.
I shouldn't tell them right away. Masyado silang nalulungkot.
"Smile." I cheer them up. "Baka walang bumili, sige kayo, baka totohanin ko–" hindi ko pa natatapos ay isa isa na silang nagsibalikan sa mga ginagawa nila.
Napailing nalang ako at pinagmasdan silang nag-aayos ng kung ano ano. Nakangiti kahit alam kong nalulungkot. Napawi ang ngiti ko sa naisip. They will lost their job if I will sell this. No. That's not happening. kung ipagbibili ko ang planta at ang flower shop, sisiguraduhin kong hindi sila mawawalan ng trabaho. Pipili ako ng mapagkakatiwalaan at mabuting tao para bumili nito kung sakali.
"Aalis na 'ko. Have a nice day ahead!" Paalam ko sa kanila at lumabad na ng shop.
Mabilis akong sumakay ng kotse ko at nag-drive na papunta sa coffee shop. I have this strange feeling while driving. I don't know what it is but I feel like I'm nervous for something. I feel like I'm going to meet and face some crucial thing.
Ipinagsawalang bahala ko nalang 'yon at nagpatuloy nalang sa pagda drive papunta sa coffee shop ko. Nang makarating doon at makapagpark ay bumuntong hininga ako bago lumabas ng kotse. Kumunot ang noo ko nang may isang pamilyar na likod akong nakita sa di kalayuan, nakatayo habang hawak ang cellphone at may tinitingnan doon.
I smiled when I noticed him. Dali dali akong pumunta sa gawi niya. Kaya siguro ako kinakabahan o nakaramdam ng gano'n dahil makikita ko siya dito! Gosh!
"Theo!" I called him out loud making him shock and almost annoyed. But when he sees me, he beamed at me and walk toward me to hug me tightly.
"Dane! Damn, I miss you!" He hugged me even tighter that almost choked me.
Natawa ako sabay hampas sa likod niya, "mamamatay ako sa ginagawa mo, Theodore!" He disliked being called by his real name. Ang bantot kasi!
He released from the hug and glared at me.
"You cunning woman. How dare you call me that?!" He pointed at me with his accusing look.
I arched a brow, "bakit? Masama? Ang gara ng pangalan mo, pang lolo." Tumawa ako ng malakas nang mapangiwi siya sa tinuran ko.
Inis na inis siya habang masama ang tingin sa akin. Ako naman ay tawa ng tawa dahil sa inis niyang hitsura. Bata palang kami ayaw na niyang matawag sa totoo niyang pangalan. He preferred being called by his nickname or his first name, which is Wayne. Wayne Theodore Magno is a well known playboy and a campus crush on our batch way back. His my bestfriend since we were grade school. I have never been into him even when he's so handsome.
He used to like me before but I just see him and love him a friend – as a brother since I didn't have a brother. He's always there with me when I need him. I just have him and Vea since then. We're buddies for so long. But we were part ways when I went abroad and leave them because of what happened.
He's nice even though he's a notorious playboy. But I just can't fall for him. Kung sana siya nalang ang nagustuhan ko, hindi sana nangyari ang nangyari sa nakaraan. Kung sana siya nalang ang minahal ko, hindi sana ako masasaktan. Pero… hindi nga ba? Once a playboy always a playboy, ika nga. That's why I can't be so sure if he will stick with me for a lifetime. Hindi ako makakasiguradong kung naging kami noon, hindi na kami maghihiwalay hanggang ngayon. At kung nangyari 'yon, it will tainted our friendship. It'll ruin our relationship as best friend.
That's why I'm still thankful that it did not happen. Because I still have him. I still have a person who will surely want to spend time to listen to my problems.
"I just have a week vacation here, Dane. Hindi ako magtatagal ng dalawang linggo dahil alam mo na, ang dami kong ginagawa sa negosyo namin. Saka may business meeting ako abroad next week kaya susulitin ko ang isang linggong bakasyon kasama ka. Sayang wala si Vea, mag-a outing sana tayo." Nailing ako sa sinabi niya.
"Bakit sa Maynila niyo naisipang magnegosyo? Puwede naman dito sa San Jose. O kaya sa karatig bayan. Hinddi naman nalalayo ang kita, 'di ba?" Tumawa siya sa sinabi ko at ginulo ang buhok ko na para akong batang may nasabing mali sa murang edad.
"The profit that we'll gain in Manila base, is higher than you're expecting. Mas maraming nagne negosyo sa Maynila, at mas maraming handang makisosyo sa 'yo sa Maynila. Kaya doon mas pinili ni Papa na magtayo ng negosyo, dahil kung dito, sa probinsya, hindi kami kikita ng isang milyon sa kalahati o isang taon. Kaya mas gusto ko na rin doon." He shrugged after explaining.
"Sa bagay, I just hope that you and Vea will be here because I feel lonely here without you two." I pouted.
"You see, mas maraming engineers, architects, models, and such ang nasa Manila para magtrabaho. Dahil malaki ang kinikita doon. At mas maraming oportunidad. So don't be upset if we chose to be there. Okay? Kung gusto mo, doon ka nalang rin magtayo ng negosyo mo. Surely, doble ang kita mo dahil mas maraming tao doon." He said suggestively.
"Hmm… pag-iisipan ko. Nagbabalak rin kasi akong… mag Maynila kapag nakabayad na ako ng mga utang nina Mommy at Daddy. Tapos maghahanap ako ng matutuluyan pansamantala habang naghahanap ng trabaho." I smiled at him.
He look at me with admiration in his eyes. "Well that's good for your independence. I can help you have a house to stay to while looking for your own house or condo."
Nag-usap pa kami doon ng medyo matagal hanggang sa nagpasya nalang kaming pumasok sa loob at doon magpatuloy sa pag-uusap.
Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko si Zaimon hindi kalayuan sa kung nasaan kami. He's looking at me sharply then slip his gaze to the man I am with then back to me. He then, continue sipping on his coffee and look at the pancake in his plate. Napabuntong hininga ako at nag-iwas ng tingin.
Why is he here again?
"What's wrong?" Theo held my elbow for support even I don't need to. Just to be a gentleman, though.
I shook my head, "wala. Tara na. Pili ka na ng uupuan, pupunta lang ako sa counter at may sasabihin lang ako doon." Tumango siya at naglakad na papunta sa mga table.
Luckily he pick the one near Zaimon's table. Damn it! Bakit doon pa siya umupo?! Can't he see Zaimon?! s**t!
I almost hyperventilate while thinking that we will sit near Zaimon. Ugh! I shouldn't be affected. He should, too. We need to be casual. Like nothing happened between us before.
Pumunta ako sa counter ay may ibinigay na listahan.
"That's the list of the orders later. I already told the kitchen about it earlier. Ide-deliver nalang siguro kung tapos na gawin." I said firmly.
"Noted, Miss. Dadalhin ko lang po sa kitchen." Anang isang cashier. Bumaling ako sa isa at sinabing oorder ako.
"Pakihatid nalang doon," tinuro ko kung nasaan si Theo. "Tnank you."
"Sige po, Miss. Just wait for a while." She said politely.
Naglakad na ako papunta sa gawi ni Theo at umupo na sa kaharap niyang upuan kahit na nanlalamig ang sistema ko. I still manage to be fine and smiled at him.
I feel like someone is staring at me. More like glaring at me. Hindi ko na kailangan lumingon dahil sa pakidamdam ko palang ay alam ko na kung sino 'yon. Why is he glaring at me, by the way? Is he mad? Why would he be mad?
"You look anxious," napatingin ako kay Theo nang sabihin niya 'yon.
"Huh?" He chuckled sexily and get a tissue paper to wipe the sweat in my forehead.
Napakurap kurap ako. Lalo na nang bigla niyang inusog ang upuan niya palapit sa akin. I unconsciously look around and met Zaimon's blazing gaze directed at me. Damn it.
"What are you doing?" I whispered.
"Akala mo hindi ko alam ang dahilan kung bakit para kang kiti kiti na hindi mapakali?" He chuckled again and put his arm at my chair's backrest and leaned in. "I know your ex is here. I saw him while I'm waiting for you outside. Damn, Dane. He's glaring at me like a mad man. Surely, kung wala ka dito at walang ibang tao, baka napatay na 'ko niyang sa bugbog." Tumawa siya sa sinabi. Pero 'yung tawa niya, hindi tawang tuwang tuwa, kung hindi pang nanglalandi.
Tingin ko ay inaasar niya si Zaimon gamit ang mapanglandi niyang tawa na ginagamit niya sa mga babae niya! Ugh! I hate him now!
"What the f-ck are you saying, Theo?"
I shouldn't be affected. Hindi naman magiging apektado si Zaimon sa nakikita niya ngayon. Base sa ugali niya noong nakaraan, alam kong nakamove on na siya noon pa. Alam kong wala na siyang pakialam sa akin. Kaya ano itong sinasabi ni Theo? Pinapaasa niya ba ako na apektado pa rin si Zaimon? Na naaapektuhan pa rin siya sa akin? I shouldn't hope.
"Wala lang. Gusto ko lang naman subukan kung gagana ba 'tong ginagawa ko." He smirked at me playfully and winked at me.
"Damn you. Tigilan mo 'ko." Inis ko siyang tinulak. Natatawa niyang ibinalik sa dati ang puwesto ng kaniyang upuan.
"Why? I'm just helping, you know." He shrugged.
Dumating na ang order namin kaya naman hindi ko na siya nasagot sa sinabi niya pero masama ang tingin ko sa kaniya habang naglalapag ng order namin ang waitress. Nang makaalis 'yon ay binato ko si Theo ng tissue na ikinatawa lang niya.
"What's wrong with you?" Tumatawang tanong niya.
"You're not helping at all that's why stop giving him this kind of idea." Umirap ako sa kaniya na ikinailing niya.
"Someone's giving me a death glare," he whispered but still continued eating his order.
Umiling nalang ako dahil wala naman akong pakialam. Wala dapat akong pakialam. Kailangan wala akong pakialam dahil baka sa bandang huli… ako lang ang aasa at masasaktan. Ayoko na.
I am not the Danella they knew eight years ago. I am not the spoiled brat they knew eight years ago. I already changed myself.
The Dane they knew before was nowhere to be found now. Hiindi na ako ang spoiled brat na kilala nila noon. Nagbago na 'ko. Nabago na 'ko ng nakaraan. Nabago na 'ko ng nangyari sa amin noon. Kaya ayoko nang bumalik sa nakaraan. Sa nakaraang gustong gusto ko nang kalimutan. Sa nakaraang humihingi pa rin ako ng kapatawaran. I hope someday, those people I hurt before will forgive me.
I hope… he will forgive me for my recklessness.
"You're spacing out," napabalik ako sa reyalidad nang magsalita si Theo sa tapat ko.
Umirap ako sa kaniya, "I'm just thinking for something." Kumunot ang noo niya.
"Hmm? About what, then?" He asked while sipping on his coffee.
"That maybe… I can be a professional… chef? 'Di ba nga, nagbabalak ako na pumuntang Manila at maghanap ng trabaho. I am a culinary graduate, I should apply for a chef or something related to kitchen." Saad ko habang kumakain.
"Uh. Yes. You should. Like… dishwasher?" He smirked devilishly at me.
"Gago ka talaga, Theo. Kailan ka kaya titino?" Iritado kong sambit at uminom ng juice.
"Just kidding. Maraming luxury hotel na naghahanap ng chef, but… I think they were looking for professional." Nag-aalangang sambit niya.
"E 'di sa karinderya nalang ako magtatrabaho." Umirap ako.
"Much better." Sang-ayon niya.
Napalatak ako sa sinabi niya at gustong gusto na siyang ingudngod sa lamesa. Napakatino talaga nito kausap jusmiyo!
Biglang tumunog ang cellphone niya, hudyat na may tumatawag kaya naman kinuha niya 'yon at sinagot.
"Krista," his expression changed when he answered the call.
Something is… wrong I think.
Napahilot siya sa sentido niya, "tang'na. Akala ko tapos na ako sa mga spoiled brat, bakit dumagdag ka pa?" Halos marinig ko na sinasabi ng kausap niya sa kabilang linya dahil sa pagtaas ng boses nito.
I stifle a smile while looking away. But when I look away, I met his dark and cold gaze that almost make me shiver.
"Oo na. Pupunta na ako diyan. Tang'na naman, Krista. Hindi mo 'ko alalay. Nasa bakasyon kaya ako." Napatingin muli ako kay Theo dahil sa sinabi niya. "Oo na nga." Aniya at pinatay ang tawag.
Tiningnan niya ako ng malungkot. Pero ngumiti lang ako sa kaniya.
"It's fine. You can go ahead if it's an emergency. I should go back to work, too." I smiled at him.
"Okay. See you tomorrow, then. Punta ulit ako dito." Sambit niya at umalis na ng coffee shop. Napabuntong hininga ako at tatayo na sana nang biglang may umupo sa katapat kong upuan, kung saan nakaupo kanina si Theo.
Why is he in front of me?
"Dating with your friend, I see." He said bitterly.