SIMULA

1199 Words
"Ate, nakahanap na ako ng buyer sa mansyon natin sa kabilang bayan." Bungad ko nang tumawag si Ate sa akin. She sighed when she heard my greetings. "Naihanda mo na ba ang mga deed of sale at titulo ng mga mansyong ibebenta natin?" Nag-aalala niyang tanong. "Yes, ate. Saka… itong mansyon… isasama ko na rin." Bumuntong hininga ako at napamasahe sa sentido habang tinitingnan ang laptop ko, kung saan naroon nakasaad ang mga babayaran namin. "What?!" Ate exclaimed when she realized what I'm up to. "Ate, kung hindi ko ito isasama sa ibebenta, kukulangin ang pambayad natin sa utang. Sobrang laki pa ng babayaran natin, ate." Saad ko at napakagat labi. Hindi sana mangyayari 'to kung hindi nalulong sa pagsusugal si Mommy simula nang mamatay si Daddy. At kapag natatalo siya ay nangungutang. Pati pambili niya ng mga gamit niyang mamahalin ay kinukuha niya sa mga kita ng planta o kaya ng sakahan namin. Hindi ko alam na aabot sa ganito kalaki ang utang niya kung hindi lang rin siya nag-invest ng napakalaking pera sa isang kumpanyang hindi totoo. Nandamay pa siya ng iba kaya ayon at nagagalit at gusto na siyang ipakulong. Pero bago pa man makapagsampa ng kaso ang mga taong naloko at nautangan ni mommy ay nagpakamatay na siya sa sobrang depression. Halos hindi ko lubos maisip na kaya niyang kitilin ang sariling buhay, makatakas lang sa problema at kahihiyang natatamasa. Siguro, kung ako rin ang nasa kalagayan niya… gano'n na rin ang gagawin ko. Pero hindi pa naman katapusan ng mundo. May pag-asa pa naman. May maibebenta pa ako na maaring makatulong sa pagbabayad ko ng mga napagkautangan ni mommy. "Sinasabi ko na sa 'yo, Dane. Hayaan mong magbigay kami ng kuya Felix mo ng kahit kaunting halaga para makatulong." Ate said miserably in the other line. "Ate, I can handle this. May negosyo naman ako dito. May pamilya ka na, labas ka na sa problemang ito. Let me handle this." I said, assuring her. "No. I'm still the eldest. Kaya may karapatan pa rin akong mangialam diyan sa problemang 'yan, Danella." Tila ay nauubusan na siya ng pasensya habang nakikinig sa mga sinasabi ko. "Pero, ate—" "Magbibigay ako ng gusto kong halaga, Dane. Wala ka nang ibang gagawin kung 'di ang idagdag 'yon sa pambayad sa utang na 'yan. Understand?" Napalunok ako ng marahas sa sinabi ni Ate. I sighed, defeated. "Fine. Send it to my bank account." Saad ko at huminga ng malalim. Tinapos niya rin ang tawag at sinabing aasikasuhin ang pagta-transfer ng pera sa account ko. Bumalik ako sa pagtatrabaho at inalala ang mangyayari bukas. Bukas ko makakausap ang bibili ng mansyong nasa kabilang bayan. My lawyer said that the buyer is a bachelor. And I'm confused why he wants to buy the mansion if he's alone. I think for his family or for future. Pero kahit ano pa man ang dahilan o rason ay wala na ako doon. Ang mahalaga ang maibenta ko ang mansyon at makapagbayad. Halos kulang kulang dalawampung milyon ang kailangan kong bayaran sa utang ni mommy sa mga kasamahan niyang na-scam sa kumpanyang pinag investan niya. At halos sampung milyon naman sa mga pinagkakautangan niya sa casino. Mababaliw na ako kakaisip! Damn these debts! Kaya naman kinabukasan ay nagpasa akong maagang pumasok sa coffee shop ko at tumulong doon. "Ma'am, kami na po diyan." Saad ng cashier dahil tumutulong ako sa counter. I smiled, "no. It's fine. Wala pa naman akong gagawin." Saad ko at ibinigay ang order ng bumili. "Thank you, come again!" Sambit ko habang nakangiti. Pumasok ako sa opisina ko dito sa coffee shop at doon muna nagpalipas. Nag-aasikaso ng mga orders. Nang mag-alas dose ay lumabas ako ng opisina. "Ma'am, 'di ka pa nagla-lunch." Ani Isabel na may pag-aalala sa mukha. "Ayos lang, sa pupuntahan ko na ako kakain." Nakangiting saad ko at nagpaalam nang aalis. Pumunta ako sa kabilang bayan para doon puntahan ang bibili ng mansyon namin. Nang dumating ako doon ay may Ranger na nakaparada doon. May lalaking matipuno ang pangangatawan ang nakahilig sa nguso ng Ranger. He's smoking hot even just wearing a black tshirt and dark blue jeans and crossing his arms in his chest. Tumikhim ako dahilan ng pagbaling ng lalaki sa akin. Nahigit ko ang hininga ko nang magtama ang paningin naming dalawa. No… Way. His black piercing eyes is no difference like before. His dark and menacing feature makes me tremble. Damn it. "Z-Zaimon…" I whispered his name gently. But his eyes and face remains cold. "I am the buyer of this mansion," he said coldly. Napakagat labi ako at tumingin sa mansyon. Siya ang buyer? Sa kaniya ang Ranger na ito? Gaano na siya ka-sucessful? I don't know everything about him at all. "B-buyer?" Nagtaas siya ng kilay sa sinabi ko. "Yes. Why? Is there a problem about it?" Napalunok ako ng mariin at tuminging muli sa kaniya. "Wala." "Okay. Then, I will send to you the payment after the transaction. I will not pay until the title is in my hands." Umigting ang panga ko sa sinabi niya. "Bakit? Nagdududa ka na hindi ko ibibigay sa 'yo ang titulo?" Tanong ko sa naiinsultong boses. Nagtaas siya ng kilay at ngumisi, "naniniguro lang ako." Damn that smirk of his! "Don't worry, Zaimon, hindi naman ako scammer at ibibigay ko sa 'yo ang titulo sa lalong madaling panahon." Saad ko sa matigas na boses. Nagkibit balikat siya sa sinabi ko. Nainis ako sa inaasal niya. Hindi na ata siya ang lalaking minahal ko. Hindi na ata siya ang lalaking nagturo sa akin sa lahat ng bagay. Ang lalaking… una kong binigyan ng pagkatao ko. "You're so full of yourself now, huh?" I said in a gritted teeth. "I'm not the man you knew before," he said in his usual menaced voice. Hindi ko inasahan ang sinabi niya. Hindi ko inasahan na magiging ganito siya. Alam kong marami akong nagawang mali sa nagdaang taon, at isa na doon ang hindi ko siya naipagtanggol sa mga magulang ko. Pero hindi ko rin inasahan na magiging ganito ang epekto sa kaniya. Hindi na nga siya ang lalaking kilala ko noon. "Alam ko." I said in a hard tone. I should not show weaknesses here. In front of him. "Ibang iba ka na nga ngayon." Hirap kong sambit. His hard gaze stayed still, "I'm not as submissive as your man before, Ms. Danella Kim Balaba. Hindi mo ako mapapasunod agad. At hindi mo na ako tauhan ngayon kaya wala ka nang magagawa kung hindi kita sundin." Napayuko ako at naramdaman ang pangingilid ng luha ko. Napatango ako ng bahagya. I heave a sigh, "alam ko. Alam kong… hindi na ikaw ang lalaking nakilala ko noon. Alam kong… hindi na ikaw ang lalaking una kong minahal. Nag-iba ka na." I scoffed. "Nawala na ang lalaking mahal ko sa katauhan mo." Ngumiti ako ng mapait habang nangingilid ang mga matang nakatingin sa kaniya. "Tss." He hissed. "Ibibigay ko rin sa 'yo ang titulo at deed of sale kapag na-proseso na. Same time." Sambit ko bago siya tinalikuran at bumalik sa kotse ko. Pagkapasok ko sa loob ng kotse ay doon na bumuhos ang pinipigilan kong luha kanina pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD