ONE

1597 Words
ONE  After Gab’s filing of leave, she finished all of her task before she endorsed her last patient to her co-nurse. She needs space. She needed to give herself a rest. Kailangan niya munang i-refresh ang sarili sa mga nangyari. Dahil kung hindi ay baka makapatay siya nang ’di oras. She can’t stand looking at the two making out in front of her. It’ll kill her.   “’Di ba ’yan ’yung girlfriend ni Doc John?”   “Oo. Kawawa naman. Inahas ng kasama niya . . .”   “Tingnan mo oh, ang haggard niya. Sa kaiiyak siguro.”   “Ngayon lang ba niya nalaman na niloloko siya?”                                                                                                                                                                                                                                           Those were the talks she used to hear whenever she passes by some of her colleagues in other departments. Kumalat na kasi ang balitang nahuli niya ang kababuyan ng dalawa.   Naiinis siya. Why is it a big deal to look aweful? She knew it’s because she’s burnt out all day in the hospital, but she can’t also deny the truth, she’s broken now—parang babasagin na bagay na tinabig at nawasak.   Ang kataksilan na ginawa ng kanyang kasintahan ay matagal na palang alam ng lahat. She was one hundred percent sure that her boyfriend wouldn’t cheat on her. But that was before she saw her friend had done a horrible blow job act to her ex. She was so confident that Doctor John will not cheat while the rest of the hospital staffs knew about it. Napakatanga niya sa part na iyon.    The dumbest part of that was he blamed it all to her.   “Putcha, Gab. Lalaki ako. May pangangailangan din ako. At iyon ang hindi mo maibigay sa akin!”    John’s voice was like a jammed music playing over and over her head after she witnessed it.   ***   “HOY, GABRIELLA!” dinig niyang sigaw nito at pauli-ulit na paglabas-masok sa kanyang kwarto. “Hindi ka pa ba babangon? Tanghali na!”   Naalimpungatan siya nang tumama ang sikat ng araw sa kanyang mukha. Hinawi lang naman ng kanyang magaling na kapatid ang kurtina ng kanyang kuwarto habang walang humpay na nagdadadakdak.   “Ano ba, Kuya?!” anas niya rito.   “’Yan lang ba gagawin mo magdamag? What kind of nurse do you think you are?” He beamed.   She decided to sit on her bedside, hair was all over her face. “Ayoko nga! Matutulog na nga lang ako buong araw.”   “Hoy, Gabriella, hindi porke binigyan kita ng condominium unit e, ibig sabihin hindi ka na kakayod,” he shouted. “O baka naman dahil sa doktor na ’yon?” He’s referring to her ex-boyfriend, John.   “Hindi, ah! Kuya, nag-leave ako, okay?”   Her brother suddenly sat beside her. “Then why you have to file a leave? On the day you two broke up?” He smirked.    “Argh!” She pulled some of her hair in frustration. Okay, fine. She filed a leave because of that incident. She can’t stand seeing him and his blow job actress in the workplace.   Tumawa ito.    “Ayusin mo ang sarili mo saka—” He stood up and found a clothe on the floor and threw it at her. “—maglinis ka naman! Kababaeng tao pero damak.”   “Maka-damak ’to! ’Di naman ako kagaya mo na pinapahid ang kulangot sa pader!” she retorted back.   “Gusto mo idikit ko sa ’yo ’to?” He approached her and acted to touch her arms using the finger he dug out from his nose.    “Ew! Ano ba, Kuya?!”   “Tiningnan lang kita kung buhay ka pa ba o nagpakamatay na nang dahil lang sa lalaking ’yon.” Nag-inat ito ng braso. “May dala akong Krispy Kreme, paborito mo. Nilagay ko sa fridge. Help yourself, okay?” he said and then left.   “Thanks, Kuya!” She stood up as her feet boringly left her unfolded sheets. She hurried downstairs not minding the stuff on the floor. As soon as she reached for the donut, she took a big bite.   Tirik na tirik ang araw subalit para sa kanya ay kasing-itim ng budhi ng babaeng iyon ang kanyang araw. Wala siyang ibang ginawa kundi ang magmukmok sa isang tabi, uminom ng alak buong magdamag, umiyak at magmaktol. Para ba siyang walang kwentang nilalang na basta na lamang itinapon sa isang sulok. She’s messed up.    Halos tatlong taon na sila ni John. Nagkakilala silang dalawa noong nagti-take siya ng board exam at ito naman ay kapapasok lang bilang isang resident doctor. Aminado siyang magkaiba ang estado ng kanilang pamilya, pero nag-work out ang kanilang relasyon hanggang sa nakapasok siya sa hospital na pinagtatrabahuan nito. Mas lalo pang naging masaya ang kanilang relasyon kahit na pareho silang abala sa kani-kanilang trabaho. Palagi naman silang nagkikita dahil pareho silang na-assign sa Pediatric Intensive Care Unit (PICU), isa sa department ng hospital. Kahit papaano rin naman ay nagagawa pa nilang magkaroon ng oras kahit na sandali lang.    Pero isa sa lagi nilang pinag-aawayan ay ang tungkol sa s*x. She’s not ready for that thing.   She wants to enjoy her life first, maliban lang sa s*x. Akala niya ay okay na ang lahat. Akala niya ay naintindihan na siya ni John. Pero hindi. Halos isang taon na pala siya nitong niloloko at ang kaisa-isahan niyang kaibigan sa kanilang department pa ang nakarelasyon nito.   Napahilamos na lang siya ng mukha sa isang sulok ng kanyang silid habang inaalala ang lahat ng kataksilan na ginawa sa kanya. Alam na ng mga tao na nasa paligid nila na karelasyon ng kanyang boyfriend ang kaibigan niya. Habang siya? Parang hangal na humihingi ng oras sa kanyang nobyo. Na dapat ang kakarampot na oras para sa kanya ay nandoroon na sa ahas niyang kaibigan. Her boyfriend and her friend’s betrayal struck her even harder. Para ba siyang inapak-apakan nang harapan.    Abot sa tainga ang kanyang ngiti nang siya’y umalis sa ospital. Para bang kada daan niya ay napag-uusapan siya ng mga kapwa nurse. Siguro ay dahil inggit ang mga ito dahil day-off niya habang sila naman ay toxic sa trabaho. Nag day-off siya para sorpresahin si John. Iyon ang dahilang kung bakit siya masaya. Kaarawan kasi nito ngayon at nasa condo niya ito. Nag-bake na lamang siya ng cake na isosopresa para rito. Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi habang nilalagyan ng disenyo ang mocha cake na paborito ng nobyo. Panigurado ay matutuwa iyon sa kanya.   Nagpasya siyang puntahan ito sa condo nito. Lulutuan niya ito ng mga paborito nitong pagkain.    Nasa pintuan na siya ngayon ng unit nito. Inapuyan niya ang kandila ng cake at huminga muna siya nang malalim bago pinindot ang code para mabuksan ang pinto nito. Pagkatapos ay kinalabit ang door knob. Kitchen agad ang bumungad sa kanya bago ang sofa. Nagpalinga-linga siya. Tahimik at wala ang binata. Bago pa man siya makapunta rito ay tinanong niya na ito kung nasaan ito at ang sabi ay nasa condo at nagpapahinga.    May narinig siyang kaluskos na nanggagaling sa kwarto nito. Nakaawang lang ang pinto at hindi nakasarado. Dahan-dahan niya itong binuksan. Ang masayang ngiti na kanyang ibinalandra ay napawi.    Bigla siyang nanghina sa nakita dahilan para mahulog ang cake na dala-dala niya. Imbes na siya ang mangsosorpresa rito, siya pa tuloy ang nasorpresa. Hindi niya akalain ito. Kumawala ang mga luha sa kanyang mga mata. Para ba siyang sinaksak nang biglaan.   “Look at this girl. Are you high or something?” Kelly teased Gab. She, then, saw Ara violently nudged her.   “Bebe girl, ’wag ka nang umiyak. Come on! He’s not worth it,” she consoled. “Why not mag-hunting ka sa dating app? I have a lot of workmates finding their true love with the help of it,” Ara suggested. Her friend looked a little burnt out because of her office work, but can still smile.   She rolled her eyes.   She, Gabriella Tolentino, to use a cheap dating app to put a stop on her mourn?   NEVER.   “Tingin mo gagawin ko ’yon? Ang cheap lang!” She decided to focus on eating her fries. Wala rin naman siyang mapapala sa mga pinagsasabi ng mga ito. Nag-alok ang kanyang childhood best friends na lumabas para kumain. Kilala pa naman siya ng mga ito at marunong makiramdam. They shouldn’t know about John’s betrayal and she has no plans on telling them. Then, she ended up telling the truth.   “So ano, magpapaka-loser ka na lang d’yan sa gilid? Maygad, Gab. Hindi bagay sa ’yo!” Ara protested.   “Gusto mo bang ipatumba na natin si John saka iyong ahas na Joanne na ’yon?” Kelly suggested.   “Oh my gosh, Kelly! Stop it. Hindi ka nakakatulong. The deal is that we should help Gab a way to forget this whole betrayal thing,” Ara pointed as she threw a piece of the fries at Kelly’s face. “So, Gabriella. Ano na ang plano mo? Are you just letting them think you’re the loser and all?”   She sighed. Ara has a point, kahit hindi siya sang-ayon sa gusto nitong ideya, she thought she can give it a try. Baka makatulong. Because of that, her mind began to give her a brilliant idea and began to grin at her two best friends. Ara and Kelly raised their brows at her as if she’s being possessed.   “Gusto kong patunayan sa kanya na hindi ako talunan. I. WANT. A. REVENGE.”   She’ll never let anyone look down on her after what happened. She will make sure John will regret the day he cheated. Sisiguraduhin niyang magsisisi ito.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD