TWO

1970 Words
TWO  Parang sardinas kung magsiksikan sa couch ang dalawang kaibigan ni Gab kasama siya. They’re all busy creating Gab’s account for the dating site they’ve suggested.    Buong araw nakatambay ang dalawa sa kanyang unit. Good thing she already picked out her brother’s advice, nag-general cleaning lang naman siya—nagpapaka-busy—inabala ang sarili kaysa sa magmaktol sa isang tabi. Para bang ginawang hideout ang kanyang tirahan. Sa totoo lang ay naiirita siya sa dalawang ito, pero ano pa ba ang kanyang magagawa? They’re just helping her to get by and tilt her attention to other things.    She’s somehow thankful for them as her best friends. Dahil kung wala, baka hanggang ngayon ay naglulumpasay pa rin siya sa kaiiyak.   “Ano ba naman ’yan, Kelly? Masyado namang pormal ’yang nilagay mong description!” Ara protested while looking at Kelly.   “Ano bang gusto mong ilagay ko? Loves hakdog? Submissive?” Kelly sarcastically asked. Ara pulled her hair. Natawa na lang siya sa dalawa. Para ba itong mga bata. Si Ara lang talaga ang nakagagawa niyon kay Kelly. Paano ba naman, mahilig itong mambara ng kausap.   “Gaga, hindi—” Umayos ito ng upo. “What I mean is, ’yong nakaka-attract sa mga kalalakihan. Iyong tipong picture pa lang . . .” Pumalakpak ito nang isang beses. “Pak! Naglalaway na ang boys with matching standing ovation ng ano.”   She rolled her eyes.   “Ang bastos talaga ng babaeng ’to!” sabi niya sa kanyang isip nang marinig ang ‘standing ovation.’    “Hindi ko gusto ’yang iniisip mo.”    Inagaw niya ang kanyang phone na hawak-hawak ni Kelly. She looked at the form they’ve entered into her profile. She scrolled across her photo gallery in hopes that she can have a use of some of her decent photos. Halos lahat ng nandoroon ay litrato nila ni John. She sighed at the sight of those happy moments. Some of the pictures are x-ray results of her patients, ang iba naman ay litrato ng kanyang mga ka-colleague.   Napahinto siya sa kaka-scroll nang mahagip niya ang kanyang isang litrato kung saan ay nakaupo siya sa isang long chair. That was the time she waited for her milk tea she ordered.   She clicked on the photo and motioned the phone at her two friends. “That’s it.”   Napakunot ng noo si Ara habang si Kelly naman ay hindi napigilan ang tawa.   “Seriously, Gab? ’Yan talaga?” hindi makapaniwalang tanong ni Ara habang hawak-hawak ang chips na nilatag niya lang kanina sa small table.   “Oo. May problema ba?”   “My goodness, Gab. Walang ka-thril-thrill ’yang posing! Dapat iyong kita ang cleavage, iyong kita ang long legs mo. Para naman dagsaan ang boys na magcha-chat sa ’yo,” ani Kelly.   Napakunot ng noo si Ara habang si Kelly naman ay hindi na napigilan ang tawa.   “Hindi ko kailangan magpakita ng gano’n sa site na iyan. Kung sino lang ang may gusto, let it be,” angal niya sa dalawa.   Litrato na lang ang kulang para mabuo na ang kanyang profile info. Buo na ang kanyang desisyon sa nasabing litrato.    Gusto mang umangal ng dalawa ay nai-plaster niya na ang mga bibig nito. Several minutes passed and there are notifications flooding her account. Madami na siyang natatanggap na heart, like, super like, saka message. Some are offering s*x. Some are just finding someone to talk to.    Kelly instructed her how to respond from those notifications. She tried it and encountered men asking for nudes, one-night stands or hangouts. Kung ganoon daw ay pindutin lang daw niya ang ‘unmatch’ kung hindi na kaaya-aya ang nais.   Evening came but still she haven’t found that guy she’ll find entertaining. Kung kaya’t natagpuan niya na lang ang kanyang sarili na kumukuha ng can beer sa kanyang refrigerator. She threw her body back on the sofa. She’s drank. Sumilip siyang muli sa kanyang phone. She thought her best friends were right. Kailangan ng mahabang pasensya sa dating app na ito. At mukhang hindi sila magkakasundo. She pulled her curtain aside and saw the beautiful sight of the buildings and the beaming little lights across EDSA road from her glass wall.    Habang abala siyang tingnan ang magandang tanawin ay may nag-pop up na message sa kanyang phone. Napalingon siya rito at agad na kinuha iyon.    Mayroong nag-‘super like’ sa kanya. She checked on the profile of the mysterious guy.    His username is RPM0123. Just like her call name, 143. A code thingy. Her brows creased as she saw his all black profile picture. Nothing to identify of his face. She remembered Kelly’s advice, na ’wag makipag-usap kapag ganitong profile. But to her surprise, she couldn’t help but to be curious and replied to his message without having second thoughts. Napakunot na lamang siya nang makita ang black nitong picture. Wala itong mukha. Nakita niyang na-seen nito ang kanyang reply at saka ay agad din namang sumagot. Napatutok siya rito at patuloy na nakipag-chat.    RPM123: Sup    143 (Her): Yo?    RPM123: I really find you interesting. Minsan lang makahanap ng katulad mo rito.    143 (Her): Cool! I’m weird, aren’t I? Lol    RPM123: I mean, almost of the girls here in this dating site used pictures that are seductive enough but your picture is different.    143 (Her): How about you, Mr. RPM123? Curious ako sa black picture mo.    RPM123: Are you afraid because of my picture? No, don’t. I have my reasons for that.    143 (Her): So, ano ang reason mo?    RPM123: A privacy.   Natawa na lamang siya sa naging sagot nito. Privacy? Para saan naman?    143 (Her): Are you a celebrity? Lol    RPM123: It seems so.    Bigla na lamang siyang nahiwagaan dahil sa naging sagot nito. Sabagay ay may punto nga ito. Para sa privacy. Baka naman ay sikat ito kaya’t nakatago. Pero paano naman mapapadpad ang isang sikat na tao sa ganitong app?    Nabulabog siya sa kanyang pag-iisip nang muli na namang tumunog ang kanyang cellphone.    RPM123: I guess, you won’t be here if you don’t need anything. Right?    “He’s really straight to the point, huh?” sambit niya sa hangin. Hindi man lang ito nakikipag-flirt tulad ng mga na-encounter niya sa app na ito. At mukhang seryoso rin ito. She continued to type her reply. She doesn’t want to waste time and he might be turned off for not replying too fast, to be unmatched. Sayang ang pagkakataon na makasalubong ng ganito.    143 (Her): Uhm, yes, of course.    RMP123: Then, spill it out.    143 (Her): I need someone to pretend to be my boyfriend    RMP1123: Oh.   Hinintay niya pa itong mag-message ngunit hindi na nito dinugtungan ang palitan nila ng mensahe. Hanggang sa nagising na lamang siya sa couch ay wala pa rin siyang natanggap galing dito.   Aasa pa ba siyang mayroong tatanggap sa kanyang kailangan? Kung ang nais ng mga lalaki na nasa app na ’yon ay ang ‘s*x’ lang.    ***   She made herself busy. Nag-grocery siya at nagpakasasa sa pagja-jogging sa park. Saka pa lang siya umuuwi kung kailan ramdam niya na ang pagod. Gumawa siya ng bagong everyday routine, ang abalahin ang sarili sa ibang bagay na mapapakinabangan niya. Nagpaplano na rin siyang lumipat ng ibang hospital para hindi na siya mai-stress sa trabaho niya. Tatanggapin na lang ni Gab na isa siyang talunan.   “Salamat po, manong!” sabi niya sa taxi driver nang alalayan siya sa kanyang dalang paper bag na naglalaman ng kanyang mga pinamili sa grocery store.    Nang makapasok ay binati siya ng receptionist. Ginantihan niya na lamang ito ng ngiti. Nakapasok siya sa elevator at siyam-siyam pa bago niya napindot ang 15th floor. Buti na lamang ay siya lang mag-isa roon.    Ibinaba niya muna sandali ang kanyang pinamili para buksan ang pinto ng kanyang condo.   She huried to the kitchen and put her groceries on the counter. Puro preservative foods lang naman ang parati niyang binibili. Hindi kasi siya marunong magluto. Pati sunny-side up egg ay ’di rin niya ma-perfect, iyong iba pa kaya? She very well knew she’s a bad cook. Marriage period would be a big question to her. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kanya kapag siya ay nag-asawa na.   She started putting water on her kettle for her oatmeal. She needs to loose weight. ’Yong dating skinny niyang katawan ay nagiging peppa pig na. Kailangan niyang maging maganda para kahit man lang doon ay hindi siya masabihang iniyakan ang lalaking iyon.    Habang abala siyang ubusin ang oatmeal na nakalagay sa maliit na bowl ay may nag-pop up na notification sa kanyang phone. Inabot niya ito na nakalapag sa isang corner ng dining table kung saan siya kumakain. Tiningnan niya ito at sumalubong ang message na galing sa isang dating app.   RPM123: It’s totally clear for me that both of us has our own purpose that’s why we are here. How about we help each other getting what we need?   Nagulantang na lamang siya sa kanyang nabasa. Napaayos siya ng upo. May kung anong ngiti ang sumibol sa kanyang labi dahil sa nabasa. Pero agad din namang nawala iyon nang maalala ang paalala nila Kelly na ’wag magtiwala sa walang mukhang ipinapakita at hindi verified.   143(Her): Kailangan mo munang patunayan na hindi ka masamang tao. Bakit ’di mo ipakita ang mukha mo?   RPM123: I have my reasons for that. Let’s meet. Let’s have a dinner together. Sa maraming tao para hindi mawala ang duda mo sa ’kin.   143 (Her): Ano ba ang kailangan mo?   RPM123: Sasabihin ko kapag nagkita na tayo. Don’t worry. Magpapa-schedule ako sa dinner natin.   Hindi niya alam pero bigla na lamang siyang kinabahan. Ang buong akala niya ay hindi na ito magpaparamdam dahil sa nalaman nitong sadya niya sa dating app. Para bang iyong planong ginawa niya ngayon ay tila magbabago dahil dito. But we don’t know what will happen. Pero kung sakali mang hindi matuloy ay tatanggapin na niya lamang ang lahat.   Hiningi nito ang kanyang contact number at agad niya rin naman iyong ibinigay kahit na natatakot siya sa kung anong pwedeng mangyari sa kanyang pinaggagagawa. Aasa na lamang siya sa Maykapal na sana ay hindi siya maka-encounter ng masasamang tao.    Binagsak niya ang sarili sa kanyang malambot na higaan. Nakatitig siya sa kawalan. It was exactly three days that she kept on waiting for RMP123’s texts. She worries that he might never leave her a message up until her leave will last.   Napalingon siya sa kanyang phone na nakapatong sa kanyang side table. May tumatawag. Walang gana niyang inabot iyon. Isang hindi rehistradong numero ang tumatawag sa kanya. Matagal bago niya ito sinagot. Hindi muna siya nagsalita at pinapakiramdaman ang nasa kabilang linya.    “Hi! I’m looking for Miss Gabriella Tolentino,” anang isang babae sa kabilang linya.   “Speaking . . .” she answered.   “I’m the secretary of Mister RPM123. Nagpa-schedule po siya ng dinner for you tomorrow, 7PM at Blackbird Restaurant.”   Napakunot ang kanyang noo. “Secretary? Joke ba ’to?” tanong niya sa kanyang isip. At kung totoo man ang pabulang ito, aba’y baka nga artista ang lalaking nagtatago sa itim na picture na iyon!   “I have a question. Sino si RMP123?” she asked back.   Tumahimik sandali ang kanyang kausap. Pero agad din naman itong sumagot.   “I’m so sorry, Miss Tolentino. Mahigpit na ipinagbibilin sa akin na hindi magbibigay ng kahit anong impormasyon.”   She sighed.    Ang buong akala niya ay makakakuha na siya ng impormasyon dito. Pero nagkakamali pala siya.   “Anyway, Miss Tolentino. Free po ba kayo tomorrow para sa dinner n’yo po?”   But anyhow, makikita niya naman na ito sa personal. At ito mismo ang sasagot sa kanyang mga tanong. Kailangan niya lang ng lakas ng loob at panalangin mula sa taas na sana ay hindi siya mapahamak sa pakulong ito.   “Yes, free ako tomorrow.”     
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD