CHAPTER FORTY-TWO "AYAN NA SILA!" Rinig nilang sambit nang makarating sila ni Ralph sa malaking kitchen. Bumungad sa kanila ang mahabang mesa na naglalaman ng maraming putahe. Katulad nong dati, una niyang punta. Puno rin ang mesa ng iba't-ibang pagkain na hindi familiar sa kanya. Nakaupo sa isang side si Giorge na nakangiti sa kanila habang katabi naman nito si Mich na halos hindi maipinta ang mukha. Sa dulo naman ng mahabang mesa, nakaupo roon si Mrs Molina at isang lalake na nasa mid-forties ang edad tingin niya ay ito ang tatay nila Ralph na isa ring abogado. Ngumiti sila sa mga ito. "Marunong ngang tumingin ang anak ko," sambit ng lalake. "Tama nga ang nasagap kong balita. Maganda nga ang kasintahan ng anak ko." Hindi umimik si Ralph at tipid na ngiti lang ang ginawa nito. H

