FORTY-THREE (43)

1007 Words

CHAPTER FORTY-THREE ISANG BUWAN na ang nakalipas mula siya nang i-welcome siya sa pamilya ng Molina. She's happy now. Iyong tipong ang gaan-gaan ng kanyang pakiramdam. Wala na siyang kailangang itago pa sa lahat. Dahil totoo na talaga ito. Totoong magkarelasyon na sila ni Ralph. Nasanay na rin siyang minsang may nagpapa-picture sa kanya. Ang pinagkaiba lang ngayon ay lagi na siyang conscious sa kanyang mukha at panunuot. Kahit na ang daming gawain sa hospital. Kailangang maayos at hindi siya mukhang binugbog ng isang dosenang ka-tao. Si Mrs at Mr Molina bumalik sa New Jersey para sumakay ng cruise. Gusto nilang magtravel ngayon. Si Mich naman ay umuwi sa States dahil tapos na ang sembreak nila roon. Si Ralph naman ay naging abala sa trabaho. Malaking kliyente kase ang hawak niya ngayon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD