CHAPTER FORTY-FOUR Sa titig pa lang ng binata sa kanya. Pakiramdam niya ay matutunaw siya sa kanyang kinatatayuan. Inangat nito ang dalawa nitong kamay. Tila ba’y iniimbitahan siya nitong kumulong sa bisig nito. Ngumiti siya rito saka naglakad patungo rito. Wala na siyang pakiramdam sa mga taong nakatingin sa kanilang dalawa. Basta ang alam niya lang ngayon ay nandyan si Ralph. Sinalubong siya nito ng isang pinaka mahigpit na yakap. Pakiramdam niya ay ligtas na siya sa bisig ng binata. Pakiramdam niya ay kinuha nito ang pagod na meron sa kanyang katawan dahilan para maging komportable siya rito. Habang patagal nang patagal mas lalong lumalakas ang t***k ng kanyang puso. She really love this guy. Indeed. “Miss me?” tanong nito sa kanya. Habang nanatili pa rin silang magkayakap. “Uh-u

