CHAPTER FORTY-EIGHT MABUTI naman at huminto ito. Pummunta ito sa kanyang gawi at hinawakan nito ng mahigpit ang kanyang braso. Kinalakad siya nito papunta sa kotse nito. "Ano ba, Ralph? Nasasaktan ako," reklamo niya. Hindi siya nito pinakinggan. Binuksan nito ang pinto ng sasakyan at pinapasok siya. Nang siya ay nakapasok na at naisara na nito ang pinto ay umikot ito papunta sa driving seat saka pumasok. Nandidilim pa rin ang mukha nito. Pinaandar nito ang sasakyan saka humarurot nang mabilis. "Saan tayo pupunta?" Tanong niya rito nang mapansing nag-iba ang kanilang ruta. Halos mapakapit siya sa sarili niyang inuupuan dahil sa sobrang bilis ng takbo ng kanilang sasakyan. Matagal siyang naghintay na sumagot ito. Subalit ni pagbukas nito ng labi ay hindi nito nagawa. Nakatutok lang

