FOUR

907 Words
FOUR  Nairita siya sa pagtili ng babaeng ito. Parang may pituhan ang lalamunan. Si Cherry ay isa sa naging kaibigan niya rito sa ospital. Hindi naging madali ang unang pagpasok niya rito. Buti na lang ay tinulungan siya nito hanggang sa makapag-adjust siya. Hindi naging hadlang ang kanilang estado ng trabaho sa kanilang pagkakaibigan. Kahit na doktor ito at siya naman ay nurse ay pantay pa rin ang pag-asta nito sa kanya.    “Bakit ako hinahanap?” wala sa sarili niyang tanong habang nanatiling nakapikit ang kanyang mata.    “Sinusundo ka raw,” sambit nito sabay tapik sa kanya. Napamulat siya bigla sa sinabi nito.    Napakunot-noo siya. Sino naman ang susundo sa kanya? Kahit sino pang iniisip niyang kakilala ay wala siyang maisip na gagawa no’n.    “Sino?” Tumingin siya rito.   Cherry rolled her eyes. Mannerism na yata ng babaeng ’to ang magpaikot ng mata.   “Hindi ko nga alam kung ano ang ginagawa ng sikat na Attorney Molina rito sa ospital para sunduin ka.”    Malakas ang pagkakasabi nito—dahilan para makuha nito ang atensyon ng iba pang kasamahang nurse.    She heard them gossiping again.    She widened her eyes in disbelief. She abruptly picked up her things and got out of the locker room. She passed by Joanne who was at the door again. Her ex friend’s brows creased, probably because of what Cherry has said earlier.    She was almost out of breath. She immediatley halted her running as she identified Attorney Molina’s body built standing in front of the Nursing Station. She approached him, panting.    “What’s taking you so long?” he asked, expressionless.    She tried so hard to catch her breath before answering back.    “Anong ginagawa mo rito?”    “Sinusundo ka. Ano pa ba?” He smirked.    “Hindi mo dapat ginagawa ’to.” She hissed.    He approached her and held her waist. Halos nagising ang kanyang katawang-lupa sa ginawa ng binata. Mas lalo siyang kinilabutan nang maramdaman niya ang mainit na hininga nito sa kanyang tainga.    “Why not?”    Para ba siyang nakiliti sa ginawa nito. Pero kailangan niyang magpanggap na wala lang iyon dahil nakatingin sa kanila ang mga naka-assign sa Nursing Station pati na rin ang ibang napaparaan.   “May plano ako, Ralph. Huwag mo akong pangunahan. Hindi ’to ang tamang oras,” nanggigigil niyang sambit dito.    “Shhh. Act like a girlfriend, Miss Tolentino.”    Mas lalong bumilis ang t***k ng kanyang puso. Hindi niya inaasahan ang ganitong senaryo.    Ralph combed her hair and hung it on her ear. The next scene was unbelievable as he kissed her forehead, then clutched her bag to carry.    She looked to where Ralph is looking and there she saw the furious face of John looking at them at the corner.    Gosh!   “Baby, let’s go? Magpapahinga ka pa,” malambing na sabi ni Ralph sa kanya.    Napalunok na lamang siya at nagsunud-sunuran na lamang dito. Lahat ng mga taong kanilang nadaraanan ay napapatingin na lamang sa kanilang dalawa lalo na’t naka-akbay pa ang binata sa kanya.    Nang makarating sa parking lot ay bumungad naman sa kanila ang Lamborghini. Napamangha siya sa itim nitong kulay. At kung hindi siya nagkakamali, isa itong Lamborghini Urus na bagong labas lang kamakailan.    Binuksan nito ang front seat para siya ay makapasok. Nang makapasok na siya ay umikot ito para makasakay sa driver’s seat.    Agad nitong pinaandar ang makina. Napamangha siya sa disenyo ng sasakyang ito. Ngayon lang siya nakapasok sa mamahaling kotse.    “See? He is mad.”    “Hindi nakakatuwa,” baling niya rito.   Pasimple itong ngumisi. “What’s the matter? Hindi ba ’yon naman ang gusto mo?”    “Hindi sa maling lugar. Hindi sa maling oras, Attorney. Nakikita mo? Pagod na pagod ako. Wala akong tulog. Wala ako sa mood para makipaglaro ngayon!” iritado niyang sambit dito.    Hindi ito kumibo at nakadiretso lang ang tingin sa kalsada. Saka niya pa lang napagtanto kung paano ba nito nalaman na si John ang kanyang ex. Ni hindi pa naman sila nag-uusap tungkol sa plano at kung sino.   Mariin siyang pumikit at huminga nang malalim. “Paano mo nga pala nalaman na si John ’yong pupuntiryahin mo?” pagsira niya sa katahimikan.    “Background check,” matipid nitong sagot.    “Oo nga pala, mahilig ka nga palang manghalungkat,” mahina niyang sabi rito. Pero hindi na ito sumagot pa.    Napansin niya ang pag-iba ng direksyon ng kanilang biyahe.    “Saan tayo pupunta?”    “Sa bahay ko.”    “Ha?!” Nagulat siya sa sinagot nito sa kanya. Hindi kaya gagawin na nito ang kung ano talaga ang kanilang usapan? Napakabilis naman.    “Stop overreacting.” He smirked.    “You said you need sleep, that you’re tired. My house is around here, so I suggest you’ll go and take a rest there for now. Don’t worry, I’m not going to do what’s playing on your mind right now.”    Napalunok siya sa sinabi nito. Hindi niya akalaing ito pa talaga ang magsasabi niyon sa kanya. Pilyo itong ngumiti na agad din namang sumeryoso. Agad naman siyang nag-iwas ng tingin. Kung nakamamatay lang ang hiya ay baka kanina pa siya sumakabilang-buhay.     -   What is G18?  Cannula size 18G.   What is Cannula? (Picture below)  Intravenous (IV) cannulation is a technique in which a cannula is placed inside a vein to provide venous access. Venous access allows sampling of blood, as well as administration of fluids, medications, parenteral nutrition, chemotherapy, and blood products. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD