FIVE
Pagkarating nila ay sumalubong ang malaking bahay ni Ralph. May dalawang gate ang bahay at fountain sa harap. May tatlo pang mamahaling sasakyan ang nakahilera sa garahe nito at isang motor na kadalasan ay sa television niya lang nakikita. Mas lalo siyang humanga nang makapasok sila sa bahay ng binata. Halatang lalaki ang nagmamay-ari dahil sa black nitong mga furniture at disenyo. White cream naman ang dingding. Simple siyang tingnan pero halatang mamahalin ang mga istruktura na ginamit.
“Are you just going to stand there?” he asked after they entered the dining room. Sumunod siya rito at natagpuan itong naglalagay ng tubig sa baso at ibinalik ang pitsel sa ref nitong two-door. Ibang klase talaga ang yaman ng lalaking ito. Iyong mga nakikita niya lang na mamahaling kagamitan sa palabas sa television ay nandirito na sa bahay nito. Inabot sa kanya ng binata ang baso na naglalaman ng malamig na tubig. Agad niya naman itong kinuha at ininom dahil nanuyo rin talaga ang kanyang lalamunan sa nakita. Nakatingin lang ito sa kanya hanggang sa maubos niya ang tubig. Kinuha ulit nito ang kanyang baso at agad na nagtungo sa lababo.
Napataas siya ng kilay nang hugasan nito ang baso na kanilang ginamit. Aba’t talaga namang malinis din ang taong ito. Ni wala siyang nakitang maid.
Nag-iwas siya ng tingin nang matapos ito sa paghuhugas.
“Come. I’ll show you the guest room. I know you’re already tired,” he said while drying his wet hands using a towel.
Umakyat sila sa hagdan at maraming pinto ang nandoroon. Sa dulong pinto ay pumasok ang binata. Sumunod naman siya rito. Bumungad ang malaki at malambot na higaan.
“Dito?” hindi makapaniwalang tanong niya.
Tumango ito. “Why? May problema ba?”
“Masyado kasing malaki ang higaan,” turo niya sa higaan. “Kahit sa single bed kasya na ako.”
She saw his irritating grin. “Wala akong single bed dito.” Tumalikod na ito. “Magpahinga ka na. If you need anything, don’t hesitate to knock on my office, d’yan lang sa first floor,” sambit nito bago tuluyang isara ang pinto. Wala itong karea-reaksyon. Para din nitong nakalimutan kung bakit siya nasa buhay nito. Ni hindi pa siya nito nagagalaw o ’di kaya ay nahahalikan—sa labi.
Humiga siya sa malambot na higaan. Napadaing pa siya sa sobrang ginhawa na nadama. Hindi niya akalaing makahihiga siya sa ganitong higaan. Ilang minuto siyang natulala sa acrylic modern led ceiling light. Masyado kasi itong maganda at bihira lang niyang makita.
“Hindi kaya bading si Attorney Molina?” tanong niya sa hangin.
“Seriously, Gab?” sagot niya sa sarili. Napabuga na lamang siya ng hangin at ipinikit ang mata nang magsimula na itong mamugto.
***
Pagkamulat ng kanyang mga mata ay si Ralph agad ang kanyang nabungaran na nakaupo sa couch.
“You’re awake.” That was a statement.
Napapikit-pikit pa siya bago tumango rito. “Ano’ng oras na?”
“4:30 PM.”
Napahilamos siya ng sariling mukha sa pagkabigla. “Napasarap yata ang tulog ko.”
“Halata naman.” He suddenly stood up and looked at his wrist watch and poke again. “Naghanda ako ng makakain natin sa kitchen, sumunod ka na lang,” he said coldly, then left.
Naiwan siyang tulala. Aba’t ano ba ang problema ng lalaking iyon? Kung hindi manggugulat, magsusungit naman.
Naghilamos muna siya at nagmumog bago lumabas. Akala pa nga niya ay walang restroom sa kwartong iyon dahil ang wall at pinto ay magkakapareho ng disenyo. Pagkapasok naman niya sa restroom, nakita niyang kasinlaki iyon ng kwarto niya roon sa condominium. Walang patawad ang bahay na iyon. Kahit na hindi sabihin, para bang minamaliit siya nito.
Pagkababa niya ay agad naman siyang tumungo sa kitchen tulad ng sabi nito. Nakalapag na ang mga pagkain sa mesa. May fish fillet at noodles na Mexican style, may mga sliced fruit na rin at may strawberry shake pa. Wala ang binata kaya napagmasdan niya pa nang maigi ang laman ng table. Dalawa lang naman silang kakain pero parang isang dosena ang kakain.
“Sit. May tawag lang akong sinagot,” he invited her.
“Tayo lang dalawa ang kakain?” tanong niya rito nang makapwesto na siya.
Ralph looked around before placing his sight to her. “It’s just the two of us here. Are you expecting someone to join us?”
“Kasi naman . . . Napakarami naman kasi ng pagkain,” nag-aalangan niyang sabi rito kasabay ng pagkamot sa kanyang ulo.
Sa pagkakataong iyon ay nasilayan niya ang ngiti nito. Kailangang paghirapan muna bago siya nito ngitian.
“It’s just us. You’re a nurse and I guessed you’ll be health conservative when it comes to food, so I prepared meat, fish, and fruits.”
Napatango-tango siya rito. “Sabagay . . .” aniya. “Kaso kasi kabaliktaran ako ng iniisip mo,” natatawa niyang sambit dito. Hindi siya katulad ng iba na maingat sa katawan at conservative sa health. Kahit ano ay kinakain niya. Tulad ng meat, chips, soft drinks at ang walang-kamatayang de-lata na kanyang hinahanda dahil sa pagiging busy sa work at pagod na rin magluto. Minsan lang siyang maggulay at magprutas.
Nagsimula na silang kumain. Nakita niya itong paulit-ulit na tinitingnan ang kanyang plato. Sinisiguro niya ring lahat ng hinanda nito ay natikman niya na. Para hindi masayang.
“By the way . . .” May kinuha itong isang maliit na envelope at inilapag nito iyon sa table sa kanyang harapan. “Isasama kita sa party ng kapatid ko. Sana makapag-leave ka sa gabing iyan.”
Kinuha niya ang invitation at tiningnan. Nagulantang siya nang mabasa kung anong klase ng party ang kanilang dadaluhan. “Pero Attorney, wala akong bongga na mga gown. Saka hindi naman ako nagpupunta sa mga ganitong event.”
“Don’t worry about the gown. I’ll take care of it myself. Just make sure you’ll file a leave on that day,” sabi nito na pinunasan muna ang gilid ng labi gamit ang serviette bago tumayo.
Bago pa man ito makalayo ay nagsalita siya. “Are you a gay?”
Napahinto ito at napatingin sa kanyang gawi. Nanatili siyang nakatingin sa harap kung saan siya nakaupo.
Para bang nagsisi siya nang itanong niya iyon. Para bang gusto niyang magtago na lamang sa ilalim ng lupa dahil sa kahihiyan. Narinig niya ang padyak ng binata na papalapit sa kanya. Marahan siyang napapikit.
“Ano ba itong pinasok ko?” tanong niya sa kanyang isip. Masyado siyang nagpadalos-dalos at hindi man lang inisip ang kahihinatnan ng kanyang mga galaw at bukambibig.
“Pardon?” He stares intensely at her.
She tried her best not to look at him. Iiwas siya hanggang sa makakaya.
“Ahm . . . wala! Joke lang . . .” nauutal niyang sagot dito. Pero hindi pa rin natinag ang binata. Nanatili pa rin itong nakatitig sa kanya habang iniikutan siya nito. Natigil ito sa kanyang likuran.
Nanuyo ang kanyang lalamunan nang maramdaman niya ang paghaplos nito sa kanyang magkabilaang braso. Hindi basta isang haplos iyon. Dahil sa bawat daan ng kamay nito sa kanyang balat ay para nitong kinikiliti ang kanyang kaibuturan. “Gabriella. Next time, when you turn the page on, don’t ever close the entire book. And to answer your question earlier . . . I’m not gay,” he said intesely. “Hindi ka na ba makapaghintay?”
Nag-iwas siya ng tingin. “Hindi, ah!” sambit niya rito na saka niya pa lang napagtantong ‘denial queen’ ang kanyang pagkakasabi.
Nakita niya sa kanyang peripheral sight ang pagngisi ng binata sa kanya.
“If that’s what you think, then let it be. I’m not gonna waste my time proving my answer to you.” Napalunok siya nang bulungan siya nito. “But if you are desperate for some proof, I’m more than willing to show it to you.”
Halos hindi na siya makahinga dahil sa kabang nadarama. Hindi niya alam kung bakit ba ito nagagalit sa kanya. Pero kung siya man ang tatanungin, malamang sa malamang ay nakakagalaiti talaga ang kanyang tanong. Ramdam niya ang init ng hininga ng binata sa kanyang tainga.
Nakahinga lang siya nang maluwag nang maramdaman niya ang pag-alis ng kamay nito sa kanyang magkabilaang braso at tuluyan nang lumisan sa silid. Napalunok muli siya ng sariling laway. Halos nakailang anas siya sa kanyang sarili. Nangako siya sa sarili na mag-iingat na sa kanyang mga galaw at sa mga lumalabas sa kanyang bibig.
***
She found herself in her sofa. Hindi niya mailarawan kung ano ang ginagawa niya. Nakatulala? Nakatingin sa kawalan? Nagmumuni?
Gosh, this is so ridiculous! Mabuti na lamang ay may urgent meeting si Ralph kaya’t ipinahatid na lamang siya nito sa driver. Kung hindi pa nagkaroon ng ganoon ay baka namatay na siya sa kahihiyan.
Hanggang ngayon ay napapaanas pa rin siya sa kanyang sarili. Nilaro-laro niya ang coke-in-can sa kamay. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa kanyang kokote para tanungin ang bagay na iyon. Nanayo ang kanyang balahibo nang maalala ang paghaplos ng binata sa kanyang braso kanina. Halos pagpawisan siya sa sobrang sarap ng kamay nitong malaki.
Agad niyang inabot ang kanyang phone na nakalapag sa side table. In-open niya ang Google at inilagay sa search bar ang buong pangalan ni Attorney Ralph. Maraming lumabas, isa na iyong mga rare case na napagtagumpayan nito, mga donation nito sa simbahan at mga nasalanta ng bagyo. Marami ring nali-link dito na artista, ’yong iba ay mga director o hindi kaya ay mga sikat na politician. Sa pangalawa ng pinakataas na kanyang na-search ay may latest na na-link sa binata. Ito ay si Christina Lee, isang star ng sikat na estasyon. Mainit ang pangalan nito sa lahat dahil sa angking galing nito sa pag-arte.
Aminado siyang maganda ang babae, may hubog ang katawan, mestiza at may lahing dayuhan. Galing din ito sa mayamang pamilya. Kumpara sa kanya na matatawag lang na tao at babae. Simpleng tao na nagtatrabaho bilang nurse: gigising para pumasok sa trabaho at uuwi para magpahinga.
Kung gayong may ganitong babae naman palang nakapalibot sa Attorney Ralph na iyon, bakit siya pa ang pinili nito? Bakit sa dinami-raming babaeng lumalandi rito ay mas pinili pa nitong maghanap sa dating site? It’s getting into her nerves. Hindi niya na maintindihan ang tungkol kay Attorney Ralph. Kahit anong pagdudugtong niya ng mga tali ay nagugulo lang lalo.