TWENTY-TWO

2419 Words

DAHAN-DAHAN itong lumapit sa kanya. Kalmado siya ngunit ang totoo ay nanginginig ang kanyang kalamnam sa kaba. Lalo na't nasa harapan niya ngayon ang kilalang sikat na aktres. Baka kase mamaya, e, pagkalapit nito sa kanya ay agad siya nitong sabunutan o hindi kaya ay pagsalitaan ng kung anu-ano sa harap ng mga reporter. Anong laban niya? Lalo't wala si Ralph para ipagtanggol siya.  Palihim siya nitong tiningnan mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ay agad na hinawakan ang kanyang kamay na ikinabigla niya. Humarap ito't ngumiti sa mga media dahilan para lumapit ang mga ito at itutok sa kanila ang mic, phone at camera. "Miss Christina Lee. Anong ginagawa mo rito," tinututok ng camera man ang camera sa kanyang kamay na mahigpit nitong hinawakan. "... At hawak-hawak mo ang kamay ng kasintahan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD