Kiara’s POV “Sandali lang,” bumitaw ako sa hawak niya at umatras. Nilayo ko ang sarili sa kanya. Sinubukan niyang lumapit ngunit hinarang ko isang kamay upang pigilan siya. “No, stay there, Zap. Saglit lang, okay?” huminto siya at napatitig na lamang sa ‘kin. “Allow me to process everything first.” Pumagitna ang katahimikan sa ‘ming dalawa. Nahinto ako at napatitig sa kawalan. Hindi ko alam kung anong sasabihin. Hindi ko inasahan ang pagpunta niya rito at mga sinasabi niya sa ‘kin ngayon. Nag-angat ako ng tingin at napatitig sa kanya. His eyes were hopeful. Kay raming tumatakbo sa isip ko. Kay rami kong gustong sabihin ngunit tila may pumipigil sa ‘kin. “Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong sasabihin—” “You don’t need to say a thing, K. Last night, I realized, ako ‘yung problema s

