Prologue
“Kiara, wait!”
Tawa niya sa pangalan ko. Naririnig ko siya ngunit ayokong lingunin siya. Tumakbo ako palabas. Kay bigat ng puso ko. Naiiyak ako, t*ngina!
“Wag kang umiyak! Mahahalata ka!” Kastigo ko sa sarili.
Napatingala ako sa langit ng isa-siang pumatak sa katawan ko ang ulan. Una’y mahina hanggang sa unti-unting lumakas. Parang nais kong matuwa dahil kung sakaling ‘di ko maawat ang pagpatak ng luha sa mata ko matatago iyon ng ulan.
“Kiara!” Muli ay tawag niya sa ‘kin ngunit muli’y ‘di ko siya nilingon. “K, mababasa ka ng ulan! Hintayin mo ‘ko!” Nagmamadaling tinungo ko ang sasakyan. Unti-unti na ‘kong nababasa sa ulan ngunit wala akong paki.
Nang makalapit napamura ako ng malakas when I realized I don’t have my key.
“F*ck!”
Panay ang hila ko sa lever kahit na alam kong hindi ko iyon mabubuksan.
“K, let's go back inside, magkakasakit ka niyan.” Tuluyan siyang nakalapit sa ‘kin at nang akmang hawakan niya ‘ko hinarap ko siya. Nagulat siya nang tinulak ko siya ng malakas.
“Bitiwan mo ‘ko, Zap! Hayaan mo muna ako. Lumayo ka muna sa ‘kin pwede?” Nahinto siya at napatitig sa ‘kin. Nag-alis ako ng tingin ng titigan niya ‘ko sa mga mata kasabay ng pagpatak ng luha ko. Tumalikod ako, hindi ko na pinunasan pa ang pumatak na luha sa pisngi ko dahil sa ulan.
“Kung may nagawa akong mali, sabihin mo, hihingi ako ng tawad, ‘di ko na uulitin. Ano bang problema, K?” Lumapit siya at muling tinangka niya ‘kong hawakan ngunit muli’y naging mailapa ko. Mabilis kong iniwas ang braso ko.
“Please, layuan mo muna ako.”
“Why?”
“Gusto ko lang muna mapagisa.”
“Why?”
Inis na hinarap ko siya. “Stop it, Z!”
“Not until you tell me what's wrong!”
“Dahil nasasaktan na ‘ko!” Natigil siya ng sumigaw ako. “Hindi ko na kayang magpanggap! Putangina naman kasi! Ako itong nag set ng boundaries, I was the one who drew the line pero putangina ako itong nasasaktan! Sa tuwing hinahawakan mo siya, sa tuwing niyayakap mo siya, sa tuwing hinahalikan mo siya, nasasaktan ako, nadudurog ako. I know! I shouldn’t feel this way because you’re my best friend but d*mn it! I can't help but wish it was me instead.”