Chapter 1

1737 Words
Kiara’s POV Kay himbing ng tulog ko nang maramdaman ko ang pagpulupot ng malaking braso sa ‘king baywang, sa liit ng katawan ko at sa laki niya ay kay dali niya kong nahila. Isang iglap lang kay bilis niya ‘kong naikulong sa gitna ng dibdib at mga braso niya. Hindi ko napigilan ang pag-alpas ng mahinang daing sa mga labi ko nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa gitna ng leeg at balikat ko. Hindi ko na kailangan magmulat ng mga mata upang tingnan siya o kaya’y lingunin siya para mapagsino dahil hawak pa lang niya at mainit na buga ng kanyang hininga kilalang-kilala na siya ng puso ko, as if he had been carved into my very soul. Every inch of me recognizes him completely, even when my eyes closed. His warmth, his scent, at kahit ang bawat pintig ng kanyang puso— I could recognize him in an instant, even in the darkest of nights. Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa ‘kin tila ‘di nakuntento sa lapit namin sa isa’t-isa. Hinila niya pa ako hanggang sa lalong lumapat ang likod ko sa katawan niya, hanggang sa naramdaman namin pareho ang init ng isa’t-isa. Hindi siya nag-iwan ng kahit na konting space sa pagitan naming dalawa. Ganito siya lagi sa tuwing niyayakap niya ‘ko, mahigpit, damang-dama namin pareho at aminin ko man o sa hindi, gustong-gusto ito ng katawan at puso ko Yung gawi kasi ng pagkakayakap niya, I always felt that unspoken promise— one that whispered love, safety and forever. I always felt it whenever he held me this tightly “I missed you, Boo…” He whispered. I always love to hear the endearments we call each other, the ones reserved just for us when we're alone. Sa tuwing naririnig ko ito mula sa kanya tila may malamig na bagay na humahaplos sa puso ko. I missed him too… I miss him so much–tatlong araw kasi siyang nawala from a business trip. Ngunit mas pinili kong wag umimik, wag tumugon, and pretended I didn’t hear him. Mas gusto kong isipin niyang tulog ako at hindi siya narinig upang hindi ako ma-obligang tumugon sa sinabi niya. Natatakot akong tumugon dahil natatakot akong ipagkanulo ng sarili. Sapat na sa ‘kin na malamang katulad ko’y na-miss niya rin ako. Sapat na sa ‘king, yakap niya ‘ko at nandito siya sa tabi ko ngayon. Namayani ang katahimikan sa aming dalawa, tanging ang tunog lang mula sa aircon ang siyang naririnig ko– mali, dahil rinig na rinig ko nga pala ang t***k ng puso niya. Ilang minuto ang lumipas ay muling nagsalita sa Zap. “I love you…” Tila ayokong huminga dahil tiyak mararamdaman niyang gising ako. Oh God… lihim na sambit ng utak ko habang pigil na pigil ko ang malalim na paghinga. Sobrang nahihirapan ang puso ko… Rumiin ang pagpikit ng mga mata ko kasunod ang pagkagat ko sa ibabang labi ko dahil baka ‘di ko mapigilan ang sariling tumugon. Muli’y nanatili akong tahimik, muli’y nagpanggap akong tulog at hindi siya naririnig ngunit sa bawat pintig ng puso ko, sa bawat segundo ng pananahimik ko, ay kapalit nun ay tila isang libong karayom na tumutusok ngayon sa puso ko. Sobrang nasasaktan ako hindi lang para sa kanya kundi lalo para sa sarili ko dahil ipinagkait ko sa sarili ‘yung isang bagay na alam kong sobrang ikakasaya ng puso ko pero pilit kong nilalabanan dahil natatakot akong mawala ‘yung isang bagay na siyang nagdugtong sa ‘ming dalawa simula noong una… Natatakot akong matulad kami nina Lee at Kiro na sinugal ‘yung pagkakaibigan para sa pagiibigan–those two were once a best friends, inseparable but has now turned into a total strangers. “Yeah… Sleeptight, Boo. Goodnight.” Kasunod ay ang pagdiin ng labi niya sa buhok ko… Kinabukasan nagising ako sa boses niya. Hindi naman malakas pero nagising pa rin ako. Nagmulat ako ng mga mata at napatingin sa gawi kung saan nanggagaling ang boses niya para lamang matulala. Sino bang hindi matutulala kung ang bungad sa ‘kin ay ang hubad at pawisan niyang katawan habang nagwo-work out, he was doing an abdominal curl ups on my floor. Hingal na hingal habang nakikipag-usap sa kung sino mula sa suot niyang ear pods. Sunod-sunod ang paglunok ko ng laway kahit na tuyong-tuyo ang lalamunan ko dahil kagigising ko pa lang habang tila nag-i-slow motion ang gawi ng paghagod ko sa buong katawan niya. Kahit nga pagsasalita niya nag-slow mo rin. Ewan, ilang beses ko na naman siyang nakikitang halos hubo’t -hubad na but d*mn! I would never get used to it. Kasi naman tila nag-i-improve ang built at laki ng katawan niya sa tuwing nakikita ko siyang nakahubad. Patagal ng patagal, pa hot ng pa hot! Really, Kiara? Drooling over a man you'd never even consider as your boyfriend? “Stop it!” Saway ko sa sarili dapat sa isipan lang sana pero naisatinig ko pa. Natigil siya bigla at napalingon sa gawi ko. “Oh, sorry! Did I wake you up, Boo?” Bakas ang guilt at pag-aalala sa kanyang mukha. “No, it’s fine.” Muli’y muntikan na naman akong nawala sa sarili ng tumayos siya habang tumatagaktak ang pawis niya pababa sa katawan niya. Muli’y napalunok ako ng punasan nito ang katawan tila ba pakiramdam ko may kasamang pang-aakit ang gawi ng pagpunas niya o sadyang malandi lang talaga ‘yung utak ko. “Tumayo ka na dyan at maligo so we can have breakfast. Nagluto ako.” Kay bilis kong nag-alis ng tingin sa kanya sabay baling ng tingin sa ibang direksyon. “Okay.” “Sige na, tayo na, so I can have my morning hug,” saad nitong may kasamang lambing. “Fine.” Kunwari napipilitan lang ako. I was only wearing a loose white T-shirt and panties under, I’m comfortable wearing it even when Zap is around, nasanay na rin siya sa suot ko. Hindi naman ‘to tinitigasan sa ‘kin dahil kung tinitigasan ‘to tiyak akong noon pa lang nabiyak na ‘ko sa ilang beses na naming sabay matulog sa iisang kama. Pero ang totoo talaga, kay laki ng respeto ng taong ‘to sa ‘kin. He never let me feel uncomfortable. Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko sa kama. Binaba ko ang mga paa ko. Lumapit si Zap upang iayos ang tsinelas. Sinuot ko ang mga ito at tumayo saka niyakap siya sa kanyang baywang. Ang tanggad naman kasi niya habang ako sakto lang. “Good morning, Boo!” Bati ko sa kanya. “Good morning. My Boo!” Niyakap niya ‘ko pabalik. Sobrang higpit ‘yung may kasamang gigil. Kaso kahit na nagpunas siya ng katawan basang-basa naman ang boxe shorts nito. “Ew, gross, Boo! Ang lagkit mo!” Bahagya kong nilayo ang ibabang bahagi ng katawan ko sa kanya dahil basang-basa ito ngunit ang loko ayaw akong bitawan at my humigpit pa nga ang yakap nito sa ‘kin. “Z!” Naniinis kong sita sa kanya habang kumakawala mula sa yakap niya. “Let go, Z! Basang-basa ka! Ano ba yan!” Patuloy na pagpupumiglas ko. Ayaw niya talaga akong bitawan kaso alam ko kahinaan niya. Pinindot ko ang tagiliran nito kung saan malakas ang kiliti niya. Nang mabitawan niya ‘koy kay bilis kong tumakbo patungo sa banyo. “Hoy, Boo, ako muna maligo.” “Bala ka d’yan!” Hindi ko siya pinakinggan tuloy-tuloy lamang ang pagpasok ko sa banyo. Pagharap ko at makitang hinahabol niya ‘ko, dali-daling sinara ko ang pinto, napatili pa ‘ko nang muntikan na niyang maabutan ako. Tawang-tawa ako habang panay ang katok niya. “K, mauna ako! Basang-basa na ‘ko!” “No!” “C’mon, K!” Saad niya sabay sunod-sunod na katok. “Tumigil ka, maliligo na ‘ko!” “Wag mo ‘kong pinagloloko, K. Hindi ka naliligo.” “Gago!” “Buksan mo ‘to! Mauna ako!” “Bahala ka d’yan, nakahubad na ‘ko!” Tumahimik ba naman bigla. Napakunot ang noo ko. Lumapit ako sa may pintuan at nilapat ang tenga ko. Ayos ah, parang magic lang. Napailing na lamang ako muli saka tinungo ang shower at nagsimulang maligo. Nakatapis ng towel ang hubad kong katawan at isang towel na nakaikot sa buhok ko nang lumabas ako ng banyo. Wala na si Zap sa loob ng kwarto. Binuksan ko ang pinto palabas, nasa gawang lamang ako ng pinto at tinawag siya. I heard him from the kitchen. “Boo!” Tawag ko sa kanya. “Yes!” Agad naman nitong tugon. “I’m done, your turn!” Saad ko. “Com— Okay!” Saad nito. Ilang saglit nga’y lumitaw na siya nang palapit siya’y tumalikod ako at humakbang patungo sa walk-in closet ko. “Bango. Amoy libag.” Bahagya pa ‘kong nagulat ng maramdaman ko siya malapit sa leeg ko. Inis na nilingon ko siya. Umilag siya ng akmang aabutin ko ang buhok niya kaso biglang natanggal sa pag-ipit ko ang dulo ng towel, naramdaman ko ang pagluwag ngunit ‘di ko nahabol ang paglaglag nito mula sa ‘kin. Nanlaki ang mga mata kong napatingin kay Zap. Si Zap naman natigil. Hindi ko alam kung nakita niya ang hubo’t hubad kong katawan dahil kay bilis niyang nag-iwas ng tingin sa ‘kin habang ako’y hindi makagalaw. Siya pa nga ang nagpulot ng towel ko saka. Nakapikit ang mga mata niyang tinakpan ang kahubdan ko. Saka lamang ako natauhan. Dali-dali ko itong kinuha sa kamay niya at inikot muli sa katawan ko. Kay bilis kong tumalikod at muling tinungo ang walk-in closet. “Boo, I promise, I didn’t see anything.” Natigil ako sa paghakbang. I know he was worried. He was also scared na baka magiging awkward ako sa kanya. Pero bakit nga ba magiging awkward ang pakikitungo ko sa kanya when he always see me almost naked tapos tabi pa kami matulog, wala namang malisya sa kanya. “It’s fine, Boo. Why worry?” “I mean wala talaga. Nakatalikod ka ba kanina?” Nilakihan ko siya ng mga mata ng mapagtanto ang ibig niyang sabihin. Napatakbo siya ng mahagip ng kamay ko ang hair brush sa ibabaw ng vanity mirror ko at binato sa ‘kin. “Hoy meron namang laman, ‘to!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD