Chapter 2

1773 Words
Kiara’s POV We were eating our breakfast when my phone beeped. Tinignan ko ang phone kong nakalapag sa mesa sa gilid ko upang silipin kung kanino nanggaling ang text message. Napakunot ang noo ko ng makitang galing ito sa isang unregistered number. Ingat kong binaba ang hawak kong tinidor, inangat ko ang cellphone, I quickly opened the message and read it, especially since it was from an unregistered number. It could be a potential client looking to hire me as their artist. I earned a degree in Fine Arts at naging karera ko na mismo ang tinapos kong kurso. Gusto man ng mga magulang kong kumuha ako ng kursong related sa business upang maging tagapangasiwa sa isa sa mga negosyo nila o kaya’y maging doktor dahil isa sa pagmamay-ari ng pamilya namin ay mga hospital pero dahil dito ako masaya, sa paggawa ng mga obra ay sinuportahan nila ako pareho. Ang sarap lang sa pakiramdam na kumikita ako sa bagay na gustong-gusto kong gawin. I don’t even consider it as a work because I genuinely enjoy creating art for my clients. For me there's nothing more fulfilling than making my own masterpiece, creating art and bringing someone’s imaginations to life. “Hey! I hope this isn't weird, but I just saw your latest drawing on Instabook, and wow... you're insanely talented. I’m a fan now.” Lihim akong natuwa sa mensahe niya. As someone who is appreciated for doing what I love, it feels incredibly wonderful. Hindi rin ako nagtaka kung saan niya nakuha ang number ko, dahil naka post naman sa Instabook account ko itong numero ko. “Hi! Thank you! I really appreciate that.” I was biting my lips, smiling while typing. Kinikilig ako kapag ganito mga nababasa ko. Matapos matipa ang reply ko ay agad kong pinindot ang send button. Muli’y nilapag ko ang phone sa mesa at nangingiting kinuha ko muli ang tinidor at tinuhog ang isang bacon saka ko sinubo. Nahinto ako sa pagnguya nang maramdaman ko ang mariing mga titig sa ‘kin ni Zap. “What?” “Who’s that?” Seryoso ang mukang tanong niya sa ‘kin. “Sino?” Magkasalubong ang mga kilay kong tanong sa kanya. “You’re smiling, a suitor?” saad nito. Saglit na nag-isip ako bago ko nakuha ang ibig niyang sabihin. “Ha? Hindi! Just someone who admires my art I posted on Instabook.” Napatango-tango siya alam niya kasing ito lang ‘yung nagpapakilig sa ‘kin, mga good comments from people who saw my works. “Akala ko manliligaw–” “Babakuran mo na naman.” “That's how it should always be, Boo.” “Paano naman ako makakapag boyfriend kung lagi mo na lang babakuran?” “Then that’s good, para ako na lang.” Saglit na nagkatitigan kaming dalawa bago siya nag-alis ng tingin sabay tusok ng tinidor niya ng longganisa saka sinubo at muling tinignan ako. “Z, we already talked about it, right?” “Hundred times and I still don't understand why you can't like me back?” Heto na naman siya. Ilang beses ko ba dapat i-explain sa kanya? Nag-alis ako ng tingin. Huminto ako sa pagkain at tumayo. Dala ko ang plato ko at tinungo ang sink. Ramdam ko ang pagsunod ng mga mata niya sa ‘kin. Hinugasan ko ang mga ginamit niya sa pagluto na nakatambak sa sink. Hindi ako umimik. Ayokong muling pagtalunan namin ang tungkol dito. Hindi lang naman siya ‘yung nasasaktan, ako rin naman. Hindi man niya alam pero gusto ko rin siya, gustong-gusto ngunit ayokong sumugal at pagsisihan lahat sa huli kagaya ng kapatid kong si Kiro at ang kaibigan naming si Lee. Kiro and Lee were best friends, and like us they were inseparable too since they were kids, ang pinagkaiba lang sumugal sila kami hindi. At mas napatunayan ko lang na tama ang desisyon kog wag sumugal sa nangyari sa kanila because they broke up. Nakita ko kung paano nasaktan ng sobra ang dalawa at ayokong pagdaanan iyon. But we’re still hoping that at the end of the day, magkaayos pa rin ang dalawa at magiging endgame ng isa’t-isa. We’re still rooting for the two of them. Ayokong isugal ang meron kami ni Zap ngayon, oo iba-iba ang kapalaran ng tao but it’s too risky. Mas pipiliin ko pa rin yung bagay kung saan alam kong matatagal at panghabambuhay. Maya-maya’y nahinto ako sa paghuhugas ng maramdaman ko ang pagpulupot ng mga braso niya sa tiyan ko, niyakap niya ‘ko mula sa likuran, agad kong naramdaman ang paglapat ng katawan niya sa likod ko kasunod ang pagkintil ng halik sa batok ko. Napapikit ako at dinama ang ginagawa niya sa katawan ko. He didn't know how much power he had over me, sa tuwing ginagawa niya ‘to sa ‘kin. It all made me lose track of everything, ginugulo niya buong sistema ko. “I’m sorry. Hindi na mauulit.” Mahinang bulong niya sa ‘kin. Malalim akong napabuntong hininga. “It’s fine, Z. I hope dumating ang araw na matatanggap mo at maiintindihan mo ‘yung desisyon ko.” “In time, Boo…In time…” Lulan kami ngayon ng sasakyan niya. Patungo kami sa condo ng kapatid kong si Kiro. Naroon na iba naming barkada. Tinignan ko ang phone. May reply pala ‘yung nagmessage sa ‘kin kanina. ‘Di ko na natingnan matapos kong kumain. “No seriously. Your art has this... I don't know, this unique vibe. It's like you bring people to life on paper.” Muli’y napagngiti ako at nagtipa ng reply. “That's the goal! I love capturing emotions in my sketches.” I typed and clicked the send button. “Well, in that case... would you be open to drawing me? Just name your price.” As I read the message, curiosity filled my mind. Excited ako oo dahil may pagkakaabalahan na naman ako, at ofcourse kikita rin malamang pero nagdadalawang isip ako dahil baka nude painting gusto niya, okay lang naman sa ‘kin kung babae pero pag lalaki ekis agad! “Why do you want a drawing of yourself?” I replied. “Let's say, I just want to see how I'd look through your eyes.” Magkasalubong ang mga kilay kong binasa ang tugon niya. “As an artist, of course.” Pahabol niya pa. “How would you like me to draw you? Will you send me a photo or...?” “Draw me in person.” Hindi naman na bago sa ‘kin ang iguhit ang kliyente ko sa personal pero nagdadalawang isip pa ‘kong tumango lalo’t ‘di ko pa alam kung anong klaseng pag-guhit ang gusto niya. Paano pag nude painting pala gusto niya. “May I ask your gender if you don’t mind?” He sent me a laughing emoji bago siya sumagot. “I’m a gentleman.” “I hope it doesn't become a problem.” Sunod-sunod nyang send ng message. “It’s not! Unless it’s a nude painting.” “Ahm.. topless?” Well, hindi narin bago sa ‘kin gumuhit nang nakahubad ang pang-itaas, wag lang talaga all the way. Hindi agad ako nakapag-reply dahil dumating na kami sa condo ni Kiro. Nawala na rin sa isipan ko nang makasama ko ang buong tropa. Nakaupo ako sa sofa kasama sina Amber at Fifth kasama ang ibang tropa naming lalaki. Si Zap nasa kusina kasama si Uno habang nilalagay sa ref ang ibang pinamiling can beers. Pagbalik niya’y napatingala ako sa kanya nang abutin nito ang kamay ko sabay hila sa ‘kin patayo. Sumunod ako agad. Pumalit siya sa pwesto ko na ‘di binibitawan ang kamay ko. Nang makaupo siya’y hinila niya ‘ko para umupo sa space sa gitna ng mga hita niya saka ko sinandal ang likod ko sa dibdib niya. “Nagkausap na kayo ni Lee?” Rafa asked Kiro. Napatingin kami sa kanya. Hindi ko mapigilang makaramdam ng awa sa kapatid ko ng bakas ang lungkot at pait sa mukha niya nang umiling siya kasunod ang paglagok niya sa hawak niyang beer. “Sinubukan mo bang puntahan? Kausapin?” Napatingin siya sa kawalan tila may naalala. He was mad, agad kong napansin ang paghigpit niya ng hawak sa lata ng beer sa kamay niya. “I'll just accept that it's over. I don't want to force myself on someone who no longer wants me.” Nilapag niya ang can beer na wala ng laman at kumuha ng panibago saka niya tinungga muli. Magsasalita pa sana si Rafa ngunit pinigilan na siya ni Rain. Agad namang nakuha ni Rafa ang ibig sabihin ni Rain at tinungga na lamang ang laman ng hawak nitong beer. Iniba namin ang topic. Kahit papano nagawa naming patawanin si Kiro. Hanggang sa ‘di na namin namalayan ang oras, naparami na rin ang inom naming lahat. Maya-maya’y isa-isa nang nalasing ang tropa. Kung saan-saan na sila pumwesto para matulog. Si Amber at Fifth inuwi na nina Kuya Kian at Uriel. Pumipikit na rin ang mga talukap ko. Umiikot na rin ang paligid ko. “K, you want to go home?” Pukaw sa ‘kin ni Zap. Hindi ko siya masagot dahil sa kalasingan ko. Ni ‘di ko maintindihan ang sinabi niya. Tumango-tango lamang ako. Naramdaman ko na lamang ang pag-angat ko mula sa sofa. Binuhat ako ni Zap. Hindi ko alam kung saan niya ‘ko dadalhin at habang buhat-buhat niya ‘ko ay ‘di ko na namalayang nakatulog na pala ako. Nagising ang diwa nang maramdaman kong may kinakabit sa katawan ko. Nagmulat ako ng mga mata. Umiikot pa rin ang paningin ko. Ang alam ko lulan na ulit kami ng sasakyan niya. Kinakabit nito ang seatbelt sa katawan ko. Lasing ako ngunit amoy na amoy ko ang mabango at mainit niyang hininga na tumatama ngayon sa balat ko. Ewan pero ‘yung bawat buga niya ng hininga tila tinutukso akong halikan siya. “Z…” Hindi ko maaninag ang mukha niya ng maayos. Lumalabo ang paningin ko ngunit alam kong siya itong kasama ko ngayon sa sasakyan. It was his scent, his touch, his breath, kilalang-kilala ko. “Hmmm,” tugon niya sa nangaakit na boses. F8Ck! Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakaramdam ng init ngayon. I felt like I wanted to kiss him. I licked my lower lip. Kay lakas ng sipa ng puso ko, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ng katawan ko. Tila ba nabasa nito ang nasa isipan ko nang bigla na lamang niya akong hinalikan at sa unang pagkakataon, tinugon ko ang mga halik niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD