Chapter 3

1601 Words
Kiara’s POV His breath was warm—too warm. O baka ako lang 'to, init na init dahil sa alak sa katawan ko. He pressed his lips against mine, firm yet teasing, then I felt him suck on my lower lip. I wasn't sure If I was kissing him back properly or just letting him do whatever he wanted. Everything felt hazy—ang mga haplos niya, ang amoy niya, pati na ang paraan ng paggalaw ng labi niya sa mga labi ko, tila sinusulit bawat sandaling magkalapat ang mga labi naming dalawa. It was my first time at kahit hirap akong sabayan siya, I still tried to cope up with his moves. Ginagaya ko lang ang bawat hagod ng labi niya sa labi ko ngunit tila naging hudyat ang pagsabay ko sa halik niya upang mas maging marubdob at mas maging maalab ang paghalik niya sa ‘kin. Mas nakababaliw. More of something I wasn't sure I should be feeling. May bumubulong sa tenga kong tumigil ngunit ayaw ng katawan ko, ng isipan ko at nang puso ko. I wanted more… more from him. His fingers trailed my neck at mas diniin pa niya ang labi sa labi ko. I let out a soft moan against his lips. Hinihingal laban sa mga labi niya. My hands fumbled as I clung to his shirt. “Mmm... you taste good,” wala sa sariling saad ko sa pagitan ng halikan naming dalawa. Lasing ang boses ko. Kusang lumabas ang mga salita sa bibig ko bago ko pa sila napiligan. Naramdaman ko ang pagngisi niya sa mga labi ko, and I swore the surroundings tilted. Or maybe I did. Either way, I was falling— into him, into this kiss, into whatever the hell this was. Nang marinig niya ang sinabi ko domuble ang alab at intensidad ng halikan naming dalawa. Tila mas uminit ‘yung paligid, yung init na nararamdaman ng katawan ko at mas lalo lamang akong nalasing. Gumalaw ang mga kamay ko. Napakapit ako sa batok niya at mas diniin ang labi ko sa mga labi niya. Gustong-gusto ko ang gawi ng paghalik niya sa ‘kin, ni ayaw ‘kong tumigil, wala akong balak tumigil. Paggising ko, umaga na at nakahiga sa ibabaw ng kama ko sa kwarto. Sapo ang ulo ng bumangon ako mula sa pagakakahiga. Nakapikit kong isa-isang binaba ang mga paa sa sahig. Medyo naparami nga yata ang inom ko kagabi. Binasa ko ang labi, ewan pero pakiramdam ko namamaga ito. Ano bang ginawa ko kagabi. Wala akong maalala pagkatapos ng inuman namin sa condo ni Kiro. Muli’y nagmulat ako ng mga mata. Tumayo at tinungo ang banyo. Huminto ako sa may sink, sa harapan ng bathroom mirror ko. Nag-unat ako ng katawan. Napapikit ako habang napahikab. Nahinto ako ng mapansin ang sticky note na nakadikit sa salamin. “I have an urgent meeting to attend so I left early. Nagluto ako ng sinigang, initin mo na lang kapag malamig na. Also don’t forget to drink paracetamol for your hangover. PS. Message me if you wake up. Take care. –Boo.” Napanguso ako at agad na binuksan ang medicine kit ko sa loob ng banyo. Sinunod ko ang sinabi niya. Uminom ako ng pain reliever bago pa man ako nag lagay ng morning skin care ko sa mukha at nag-toothbrush. Lumabas ako ng banyo. Kinuha ko ang phone sa mesa sa gilid ng kama ko bago lumabas at tinung ang kusina. Ininit ko ang niluto niya at maya-maya nga’y nagsimula na ‘kong kumain. While eating I checked my phone. Isa-isa kong binasa ang mga notif at messages ko. Napapangiti ako ng may mga nagpa-pa-line up na mga client. Nakuha ang atensyon ko ng may mag-pop up na text message. “Hi! I just want to know if you're still interested.” Hindi ko siya matandaan kaya binasa ko muli ang text conversation naming dalawa. “Just name your price. I’m willing to pay even how much it costs.” Agad akong nagtipa ng reply ng mapagtantong hindi nga pala ako nakapagreply sa huling mensahe niya. “Hi! Sorry if I wasn’t able to reply yesterday.” I clicked the send button after typing my response. “Yes, I'm okay with it. I've previously drawn topless figures before.” Dag-dag ko pa. Pero siya ang unang kliyente kong lalaki na iguguhit kong walang pang-itaas. “Good! Hope you can fit me into your schedule this week.” “Of course, I’m free on friday.” “See you in my place?” Natigil ako sa pagtipa. Woah! Ewan pero hindi ako agad kumportable sa sinabi niya kahit sabihing wala naman siyang masamang intensyon. Hindi ko siya kilala at hirap magtiwala, nowadays. “Sorry, but I only work on projects like this in my studio.” “Oh! It’s fine. See you then.” “Can I get your email address so I can send the form for the details I'll need from you?” “Of course! chasewilliamrazon@gml.com.” Agad naman niyang binigay ang e-mail address niya. “Thank you.” FRIDAY. Nasa studio na ‘ko abala sa paghahanda sa mga kagamitan ko para sa gagawing project habang hinihintay ang client. My studio is of moderate size. It has a reception area, my office, a showroom for my works, and a room where I draw for my clients. I have two employees, one is my receptionist and my secretary while the other one is my all around assistant. It also has a lobby where some of my drawings which are for sale are displayed. The studio was a graduation gift from my parents. Narinig kong ang pagkatok ng kung sino sa pinto. “Yes?” “Ms. Kiara, dumating na po si Sir Chase,” saad ni Emma, assistant ko. “Okay, papasukin mo,” tugon ko. Tumayo ako mula sa pagkakaupo upang salubungin ang kliyente ko. Siya itong kliyente kong nais magpadrawing ng nakatopless. Bumukas ang pinto at niluwa ‘nun si Emma kasunod ang isang matanggad na lalaki. He wore a black long-sleeve polo shirt with the sleeves rolled up to his elbows, paired with white fitted slacks and leather shoes. Aaminin ko, may itsura siya, may porma ‘yug katawan halatang alaga sa work out, may pagkamoreno, lalaking-lalaki ‘yung datingan, may konting balbas at maliit na tattoo sa braso niya. Agad na nagtama ang mga mata naming dalawa. Kay riin niya kung tumitig, ‘di ko kayang titigan siya ng matagal sa mata. HIndi sa naiilang ako, nakapapaso kasi ‘yung mga titig niya, para bang binabasa nito buong pagkatao ko. Una akong nag-alis ng tingin, ngumiti at nilapitan siya. “Hi! I’m Kiara,” I offered him my hand. Agad niya iyong tinanggap. I didn’t feel any sparks pero ramdam ko ang sinadyang pagpisil niya sa kamay ko. “Chase,” tugon niya. “At last, I got to meet you in person. You're even more stunning up close.” Muli’y nakaramdam ako ng pagka-ilang ng wala siyang balak na bitawan ang kamay ko kaya ako na ang nagkusang bawiin ito. “Are you ready?” “Anytime you want.” “Okay. Emma!” Tawag ko sa assitant ko. “Can you please assist Sir Razon—” “You can call me Chase.” “Sir Chase.” Agad namang tumalima si Emma at ina-assist si Sir Chase. Naupo akong muli habang hinihintay silang matapos. Maya-maya nga’y naramdaman ko ang pagpwesto ni Sir Chase sa harapan ko. Nag-angat ako ng tingin. Wala na siyang suot na pangitaas, nagpalit siya ng maong faded pants. I admit, he was hot. Sa init niya pati paligid uminit na rin. Humiga siya sa kama, tinukod niya ang dalawang braso sa ibabaw nito at bahagyang nakabangon ang kalahating parte ng katawan niya, naka-taas ang isang tuhod. Astig. Habang pinagmamasdan ko siya tila sanay na sanay siya sa pag-po-pose, halatang praktisado na. He was so confident. Ilang saglit lang nag-umpisa na akong iguhit siya. Inumpisahan ko sa mga mata niya. Katulad ng mga titig niya sa ‘kin kanina, ganun kariin ang mga titig rin niya sa ‘kin ngayon. Ramdam kong kay raming nais sabihin ng mga mata niya and I saw admiration on those eyes. “Can I talk while—” “Of course you can but not too much,” sagot ko. “Do you always look at your subjects like this?” I blinked, surprised by his question. “What do you mean?” Tanong ko habang patuloy na ginuguhit siya. “Like you're... really seeing them. It's like you're looking right through me.” Hindi ko alam kung anong isasagot. Nasanay akong tahimik na gumuguhit na para bang yung mundo sa paligid ko naglalaho. Ngunit may kakaiba sa mga tanong niya na siyang nagpatigil sa 'kin saglit at napaisip. “Ganun naman dapat ‘di ba?” kapagkuwa’y tugon ko. “Kapag ginuguhit ko kasi ang isang tao, I try to capture more than just their appearance. 'Yung parang... gusto ko silang maunawaan, ‘yung maramdaman ng sino mang makakita sa mga ginuguhit ko ‘yung emosyon, basta!” May nais pa sana siyang sabihin ngunit pinatigil ko na siya. “Sorry, hindi kasi ako makakapagconcentrate, later usap tayo.” “How about dinner?” Ang smooth, hayup! “Hindi. Sa ‘kin siya.” Sabay na napalingon kami kay Zap na kakapasok pa lang ng pinto. He’s mad. Titig pa lang niya alam ko agad na wala na siya sa kanyang mood. “Sa iyo ako?” I asked. “Sa Dinner.” Mabilis nitong sagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD