Chapter 4

1875 Words
Kiara’s POV “Ohhkay,” saad ko na lamang. Tuloy-tuloy lamang ang paghakbang niya hanggang sa tuluyang makalapit siya sa ‘kin. Nakatitig lamang ako sa kanya kahit ng halikan niya ‘ko sa noo. He usually kissed me on my forehead pero iba ‘yung gawi ng paghalik niya sa ‘kin nggayon lalo’t natagalan ng ilang segundo ang paglapat ng labi niya sa noo ko. Sinundan ko pa rin siya ng tingin ng bahagyang nilayo niya ang mukha. Tinitigan ko siya, halatang wala sa mood. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang matalim niyang titig ng tapunan niya ng tingin si Chase. “Matagal pa ba ‘yan–” “Z.” I warned him. Okay, I get it, nagseselos lang naman siya kay Chase. Paano ko nalaman? Malamang best friend ko siya, kilalang kilala ko ‘yung body language niya. He cleared his throat, napalunok, kinakalma ang sarili, napasunod ang mata ko sa paggalaw ng adams apple niya. Ewan but I always find it sexy. “Matagal pa ‘to. Baka may pupuntahan ka pa, you can get back to me about dinner later—” “I’m not going anywhere,” nahinto ako. Mukha ngang wala siyang plano iwan ako mag-isa kasama si Chase. Mga titig pa lang niya halatang wala ng tiwala sa kliyente ko. “Ahm, matulog ka na muna sa room, gisingin na lang kita pag-tapos na–” “I’ll wait. Here.” Pinal nitong saad. Muli’y nahinto ako. Ilang segundo ko siyang tinitigan bago ako sumuko. Hindi na ako nakipagtalo pa. Kapag kasi ganito na ang tono ng boses niya asahang ‘di na magbabago desisiyon niya. He crossed his arms in front of his chest. Nanatili ang matalim niyang mga titig kay Chase. “Z…” Kinuha ko muli ang atensyon niya. Ginalaw lamang nito ang mga mata upan ilipat ang tingin sa ‘kin. “Please don't look at him like that—Kliyente ko 'yan,” bulong ko sa kanya. “What’s wrong with—” “Please, Z?” Pakiusap ko. Mahina itong napabuga ng hangin bilang pagsuko. “Fine.” “Behave.” I gave him a warning look. “I am, boo.” “Good.” Humarap ako pabalik sa drawing board ko. Napatingin ako kay Chase. Nakatitig lamang siya sa ‘ming dalawa. “Sorry.” Hingi ko ng pasensya. He gave me an amusing smile. “It’s fine.” Tugon. “Let’s proceed,” saad ko. Magpapatuloy na sana ako ng muli siyang magsalita. “Does he really have to be here?” Nahinto ako muli. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. “Do you have a problem–” Kay bilis kong napalingon kay Z at hinawakan ang kamay nito upang pigilan siya. “Z!” Saway ko sa kanya. Bahagyang kasing tumaas ang kanyang boses. “Sorry, Ms. Arevalo. I just feel a bit uneasy when someone else is watching.” Hawak-hawak ko ang kamay ni Z nang tingnan ko si Chase. Hindi agad ako tumugon. Bahagya lamang akong ngumiti. “If you don’t want someone else to watch you, you’re free to go—” “Z, ano ba!” Napatayo na ‘ko. Nagsisimula ng mainis. Nilingon ko saglit si Sir Chase. Nahihiya ko siyang tinignan. “Sorry, Sir, just one moment,” saad ko sabay hila kay Zap palabas ng studio. Sinarado ko ang pinto at dinala si Zap sa opisina ko. Inis ko siyang hinarap matapos kong isarado ang pinto. “Seriously, Z?” “What? What did I do–” “What did I do–mukha mo!” Bara ko sa pamamaangmaangan niya. “Ang OA kasi niya, t*ngina–” “Bibig mo!” Sita ko sa kanya. “I bet he didn't come here for your work—he came for you!” “Z–” “Totoo naman! Nadatnan ko nga, he was asking you for dinner.” “Wala namang masama ‘dun—” “Ah, so if I hadn't shown up, you would've said yes?” “Of course not! I just met that guy today. I mean wala namang masama kung aalukin niya ko ng dinner, nasa sa ‘kin pa rin kung sasama ako o hindi.” Nahinto siya. Saglit na walang nagsalita sa ‘ming dalawa. “Can you just stay here while waiting for me to finish?” “Wala akong tiwala sa kumag na ‘yon!” Inis nitong saad. “Z, kliyente ko ‘yon. Nasa studio ko siya, siguro naman hindi ‘yon gagawa ng masama. At kung hindi ka pa rin mapakali, your free to watch us through the CCTV footage.” “Pauwiin mo na lang kaya siya and I’ll triple his payment—” “Alam mong ‘di ko pwede gawin ‘yan ikasisira ‘yan ng pangalan ko.Please, Boo para matapos ako ng maaga at makapagdinner tayo ng maaga.” Hindi siya umimik at nakatitig lang sa ‘kin. Nag-iisip ng isasagot. I could see defeat in his eyes, and it made me smile. “Fine, but I'll be watching you both.” “Ikaw bahala.” Tugon ko. “If he makes just one single wrong move. I won't hesitate to break his face.” “Then, do it. Pero mukhang hindi ‘yon kaya kalma ka lang, okay? Dito ka lang, balik na ‘ko.” Lalabas na sana ako ng tawagin niya ‘ko. “Boo.” “Hmmm?” “Ako na lang kasi.” Natigil akong muli. Sumeryoso ito bigla. Napatitig ako sa mga mata niya. He still hasn't given up hope. “Tayo na lang kasi.” D*mn! Why am I hurting? Why am I feeling guilty? “We already talked about this, didn't we? Let’s talk later. I’ll go back now.” Pagkasabi’y bumalik na ‘ko sa loob ng studio. Pagkapasok ko’y nakatayo na si Chase sa gilid ng kama. Napatingin siya sa ‘kin. Ngumiti siya ng ngitian ko siya. “Ituloy na natin.” Saad ko. Tumango siya at agad na pumwesto sa ibabaw ng kama at ginawa ang posisyon niya kanina. Muli’y nagpatuloy ako sa pagguhit sa kanya. Saglit kong isinantabi ang huling pag-uusap namin ni Zap at binigay ang buong atensyon sa ginagawa ko. Ganito ako kapag gumagawa ng obra ko. Binibigay ko lahat ng atensyon at kakayahan ko. Gusto ko kasing hindi lang yung kliyente ko ang masa-satisfied sa gawa ko, ako mismo. “A boyfriend?” Biglang tanong ni Chase. Agad kong nakuha ang tanong niya. Kung boyfriend ko ba si Zap. “Nope.” Mabilis kong sagot. Hindi ako nag-angat ng tingin sa kanya. “So, a husband.” “Obviously.” Mariin akong napapikit ng ang sumagot ay si Zap gamit ang CCTV camera. Hindi ko na lamang tinuwid. Bahala na si Chase kung maniniwala siya o hindi. Hindi nagtagal natapos ko rin siyang iguhit. “We’re done.” Anunsyo ko. “Finally!” Saad nito sabay bagsak ng katawan sa kama. “Do you want to see?” I asked. “Of course!” Kinuha ko ang drawing pad at lumapit sa kama. Bumangon siya mula sa pagkakahiga niya sa kama at tumayo. Lumapit siya sa ‘kin at tiningnan ang sarili niya mula sa guhit ko. “Wow,” tila pabulong niyang saad na para bang kusang lumabas ‘yung salitang iyon sa bibig niya. Mahina man ang pagkakasabi niya ngunit mas naramdaman ko ‘yung genuinity niy sa pag-appreciate sa gawa ko. “Is it fine?” “No…” Hindi ko alam kung anong maramdaman. Tila nang-hina ako na para bang nawalan ng gana bigla. “Gusto mo, ulitin ko na lang—” “Oh God, sorry. You got it wrong. I mean It's more than just fine— it's perfect. You have a gifted hand, Ms. Areva–” “Kiara. Just call me, Kiara. And thank you for appreciating my work.” “Can I have it now?” “You can only get it after two days because I still need to have it framed. You can either pick it up or have it delivered—your choice.” “Ikaw ba magdeliver?” Nilingon ko siya. Saka ko lang narealize ang lapit-lapit na namin sa isa’t-isa. Napatitig siya sa ‘kin. Ngumiti ako. “Hindi, eh.” Sagot ko. “Then I’ll just pick it up so I’ll get a chance to see you again—” “Boo, let’s go?” Sabay na nag-angat kami ng tingin sa pagbukas ng pinto at iniluwa bigla si Zap. We ended up eating ramen in my condo. Magkaharap kaming dalawa sa table ko. “Lasing na lasing ka sa kahapon.” Pagkwekwento niya habang ang tingin ay nasa bowl niya. “Kaya nga. Wala nga akong natandaan kagabi.” Nag-angat siya ng tingin sa ‘kin. Napatitig ako sa mga mata niya. May kakaiba kasi sa gawi ng pagtitig niya sa ‘kin. “You kissed me.” Diretsong saad niya. “I kissed you?” Magkasalubong ang mga kilay kong inulit ang sinabi niya. “Oo, ayaw mo nga ‘kong pakawalan kahit tinutulak na kita.” “Excuse me!” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. I was expecting him to laugh pero nanatiling seryoso ang mukha niya. “Oo, sinamantala mo ‘yung pagkakataon na lasing ako.” “Hala ang kapal! Ako talaga ‘yung nanghalik?” “Oo,” tumango siya nanatiling seryoso ang kanyang mukha. “Alam mo, maniniwala pa ‘kong naghalikan tayong dalawa pero ang ako ang nauna–no way!” “Ah okay,” napatango-tango siya, pinagmamasdan ko lang talaga siya. “So, nakaplano na talaga ‘yung pananamantala mo–” “Ew!” Bulalas ko. “Okay.” “Bakit ka ganyan, Z! Gumagawa ka ng istorya!” “I’m not inventing a story.” “Hindi ako naniniwala!” “Naalala mo ba pinagsasabi mo?” “Hindi, malamang, lasing nga ‘di ba?” “You said that I taste good.” Agad uminit ang magkabilang pisngi ko parang ‘di ko kayang marinig pinagsasabi nito. Kakahiya! “Tapos hinalikan mo ‘ko ulit. Namaga nga labi ko paggising ko dahil ayaw mo ‘kong tigilan—” “Shut up, Zaphiel!” Bahagya itong umilag ng akmang hampasin ko. “Ilang beses ka na naman nalasing pero natutulog ka lang. Grabe for more than two decades being together, ngayon ko lang nalaman, ang aggressive mo pala, boo pag na lasing—” “Shut up!” Nagsimula na siyang matawa. “Ikaw ang balasubas mo sa ‘kin pero pag nandyan ang barkada tango at iling ka lang.” Oo, napakatahimik na tao nitong si Zaphiel. Kung ano kabalasubas si Uriel siyang kabaliktaran naman niya pero katulad ng Ninong Nathan, daddy niya, once they talk mapapahinto sino mang kausap para makinig dahil siguradong may laman. “Pero ‘di nga, Z? Totoo ba talaga?” “Hindi ba namaga labi mo?” Napaisip rin ako. “Hala kaya pala ganun,” anas ko. “Namaga?” Tanong niya. “Medyo.” “Kakapapak mo ‘yun sa ‘kin.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD