Kiara’s POV
I felt that little flutter in my belly after hearing that we kissed. I'd probably be even more thrilled if I could actually remember how I kissed him... and how he kissed me.
“Ang kapal! Ang kapal talaga!” Anas ko habang siya tawang-tawa lang. “Bawiin mo ‘yung sinabi mo! Hindi ako ang nauna! Alam ko sa sarili ko, hindi ako!”
“Okay.” Saad niya at nagpigil ng tawa ‘yung tipong sumangayon na lang para tumahimik ako pero bakas sa mukha ‘yung panunukso niya sa ‘kin.
“Z!”
Napabunghalit ito ng tawa.
“I hate you! Bawiin mo na kasi!”
Nahinto siya sa pagtawa at tinignan ako ng seryoso.
“There’s one way to prove it,” saad niya sabay ang pilyong ngiti. Duda talaga ako pero sumagot pa rin ako.
“How?”
“Inom tayo—”
Nanlaki ang mata ko. Sabay akmang ibabato sa kanya cellphone ko. Naiharang nito ang kamay sa ere at lalong napabunghalit ng tawa. Alam ko namang nagbibiro lang siya para mas lalong tuksuhin at bwesitin ako.
Napatitig ako sa kanya, napaka misteryoso at napakatahimk niyang tao kahit nandyan ang barkada pero sa ‘kin ibang-iba na Zap ang nakakasama ko kapag kami lang dalawa and there's just something comforting about being the one who gets to see this side of him.
Kinabukasan ay sinundo niya muli ako sa studio upang sabay kaming umuwing dalawa at kumain ng dinner.
“Hi, K.”
Nahinto ako saglit sa pagguhit upang lingunin siya. Muli’y hinalikan niya ang noo ko, mabilis lang.
“Konti na lang ‘to, matatapos na ‘ko,” saad ko sa kanya at muling binalik ang atensyon sa kliyente kong debutante ngunit natigil ako ng makitang titig na titig ‘yung kliyente ko kay Zap, nakatulala at bakas na bakas ang paghanga sa mga mata nito.
“Okay, I'll wait in your office,” saad ni Zap saka umalis. Nakita ko kung paano sundan ng tingin ng kliyente ko si Zap hanggang sa makalabas ito.
“Ma’am Maricar?” Kuha ko sa atensyon niya. Saka lamang siya natauhan.
“Sorry, ang gwapo ng boyfriend niyo po,” saad nito. Typical na teenager na nagka-crush sa kaklase ‘yung reaksyon niya.
“No, he’s my best friend?”
“What?” Yung reaksyon niya talagang hindi makapaniwala. “But he’s so sweet. Akala ko nga husband niyo po. Bakit?” Natawa ako sa reaksyon niya.
“Anong bakit?”
“Bakit ‘di kayo magjowa? Super bagay niyo po! Sayang naman!”
“Please, convince her. I’m begging you!” Napatingin sa itaas si Maricar hinahanap kung saan nanggaling ‘yung nagsasalita.
“Ikaw si Kuya handsome?”
“Thank you.” Sagot naman ni Zap.
Napahawak ako sa dibdib ko. Gulat na gulat nang biglang tumili si Maricar.
“Gusto ka niya, Ms. Kiara!” Kilig na kilig ‘yung bata, nangingisay na nga. Ewan ko kung anong i-rereak. Oo na aminin ko pati ako kinilig rin pero pinigilan ko sarili ko dahil nga ‘di ba mahirap sumugal! Kasalanan talaga ‘to ni Kiro at Lee. Na-convince na ‘ko ni Uriel at Fifth kaso ‘di pa sila kasal kaya ‘di pa rin sigurado kung sila talaga sa huli.
“Nagbibiro lang ‘yan.” Saad ko at nagpatuloy sa pagguhit. Patapos na naman kaya okay na na gumalaw siya.
“You know I've always been serious about what I feel for you.”
Napatakip ako sa aking tenga nang muling napatili si Maricar. Natatawa na. Loko talaga ‘tong kumag na ‘to.
“Z. Shut up. Aatakihin na ‘yung bata.” Saad ko.
“Please, kayo na lang, utang na loob!” Lokong bata rin ito.
“Tayo na lang kasi–”
Wala na si Maricar nakalimutang nakadress napahiga na sa sahig, kilig na kilig parang batang inagawan ng candy.
“Z, stop it! ‘Di ako matatapos nito,” saad kong tawang-tawa.
Finishing touch na lang sana, natagalan pa ‘ko matapos dahil kay Maricar. Aliw na aliw ako sa bata, sobra.
“I’m rooting for both of you, talaga, Ate K at Kuya Z!” Ayaw pa rin nito paawat kahit pauwi na siya. Kanina pa dumating ang sundo niya pero heto panay ang pakiusap niya a magka-kami na lang.
“I’m also rooting for us,” sagot naman ni Z. Kaya si Maricar tiling-tili na naman. At aakmang hinihimatay. Aliw na aliw talaga ako sa bata. Napapiling na lamang ako habang si Z panay ang pisil sa tagiliran ko, tuwang-tuwa rin ang mokong.
Tawang-tawa pa rin ako habang lulan ng sasayan niya.
“May isang fan na tayo.”
“Loko! Nahihimatay na ‘yung bata, sinasakyan mo pa.”
“You know I'm not just messing around—those feelings are real.” Bigla na naman siyang sumeryoso. Heto na naman tayo.
“Z… We're both happy with how things are... right?”
Hindi na siya nagsalita pa.
Maya-maya ay pumarada na ang sasakyan niya sa bakanting parking space ng restuarant kung saan nais naming mag-dinner dalawa.
Hawak-hawak niya kamay ko habang papasok sa loob ng restuarant. Agad na giniya kami ng isang staff patungo sa bakanteng table na pandalawahan.
Nauna akong umorder ng pagkain. Nang sumunod siya’y pinakinggan ko ang mga inorder niya.
“Z, may peanut ‘yan, bawat sayo ‘yan.” Sita ko sa kanya ng marinig ko ang inorder niya. May Anaphylaxis si Z, noong huling nagka allergy siya sa peanut muntik na siyang ma-ICU buti na lang at naagapan agad ng mga doctor.
“Okay.” Saad niya at umorder na lamang ng iba. Usually ako ang umu-order ng pagkain naming dalawa to make sure of his safety but lately naawa na ‘ko dahil hindi siya makapili talaga ng gusto niya kaya hinahayaan ko na siya pero I still make sure to pay attention to the food he ordered para mabantayan ko.
“Dala-dala mo naman palagi gamot mo ‘di ba?”
“Yeah.”
“Well, you don’t need to worry if I’m with you naman dahil may baon rin ako lagi ng gamot mo. Mahirap na. Ikamamatay ko pa naman pag-nawala ka.
“Kaya mahal kita.”
I rolled my eyes.
“Ewan ko sayo.”
Maya-maya’y naramdaman kong nakatitig siya pa rin siya sa ‘kin ngunit tahimik.
“What were you thinking?”
“Wala. I was just thinking... how lucky I am to have you. And how hard it is not to fall for someone who knows you better than anyone else's.”