Zap’s POV “Let’s go home,” muli ‘kong inabot ang kamay niya, nasaktan ako ng iiwas niya ang kamay niya. Bakas sa mga mata niyang wala siyang balak na umuwi kasama ako. Mariin ko siyang tinitigan. Nagbabakasaling makuha ko siya sa tingin ngunit hindi, nagmatigas pa rin siya. Napatiim bagang ako. I scoffed. Napamura ako sa isipan. I think I've humbled myself enough—kasi nga t*angina mahal ko siya! Siguro oras na para piliin ko ‘yung sarili ko naman. Masyado na niya akong nasaktan. HIndi ko na mabilang kung pang-ilang pagtanggi na niya ito sa ‘kin. Akala ba ‘niya hindi ako nasasaktan sa bawat pag-re-rejaect niya sa ‘kin? Kung alam lang niya kung gaano kasakit iyon sa ‘kin. Muli’y mariin ko siyang tinitigan. Nanatiling matigas siya. “Fine!” Pagkasabi’y tumalikod ako. Sa galit ko in

