Kiara’s POV Nakita ko ang pagsulyap ni Chase sa kamay ni Zap sa baywang ko. Nilagok nito lamang ng hawak niyang wine glass. Napansin ko ang bahagyang pag-angat ng isang gilid ng labi niya habang inuubos ang wine. Nang matapos ay sinalubong niya ang mariing mga titig ni Zap. “Chill, I meant in her work, pare” pagtutuwid ni Chase. “Don’t call me pare, I don’t even know you–” “Z!” Napansin ko ang pagbigat ng hangin sa paligid ng dalawa kaya pumagitna na ‘ko. Binalingan ko si Chase. Nakita ko ang pagdilim ng kanyang mukha. “It was great seeing you again, Sir Chase. We'll leave you for now. We’ll continue checking out the other artworks.” Pagsabi’y giniya ko na si Zap palayo ni Sir Chase. Lumayo ako sa kanya. Tumahimik ako. Naiinis ako sa ginawa niya. “Are you mad?” Untag niya sa ‘k

