UNANG YUGTO :: PART 9

1277 Words
Pabagsak na inihiga ni Jennie ang katawan sa kanyang kama. Napalingon sa kanya si Rose na abala sa pagkuskos ng eskinol sa mukha. "Where have you been?" and questioned to her. "Diyan lang sa tabi-tabi," she answered unhappy. 'Yong unan na nahawakan niya ang pinagdiskitahan niya. Pinilipit niya iyon at sinuntok-suntok. "Ang yabang mo! Ang yabang-yabang mo!" piping sigaw ng isip niya. Sa imagine niya kasi ay si Jordan 'yong unan. Paano'y inakusahan talaga siya ng mayamang binata na inuuto lang niya si Paul. Na kahit totoo naman, eh, nayabangan kasi siya kaya inis na inis siya. Akala mo kung sinong guwapo! Tse! Imagine pina-cancelled na lang ng Jordan na iyon ang date dahil kung siya lang naman daw ang makaka-date nito ay huwag na lang daw. Hindi raw ito nakikipag-date sa isang tulad niya lang. Kung 'di ba naman nuknukan lang ng yabang. Sayang tuloy ang nagastos niya sa pagpapaganda. Pesteng 'yon! Kung bakit naman kasi sumakit pa ang tiyan ng Paul na iyon! Ka-badtrip din ang lumang tao na 'yon, eh! "Oh, 'wag mong patayin 'yang unan!" awat ni Joyjoy sa kanya mula sa loob ng banyo. "Ano'ng nagyayari r'yan?" baling na tanong nito kay Rose. Kibit-balikat lamang si Rose bilang sagot kay Joy-joy, na takang-taka rin sa kanya. Hindi niya masisisi ang mga kaibigan dahil masaya kasi siyang umalis kanina, tapos umuwi siyang ganito na. "Jennie, masisira 'yang unan mo na!" puna rin ni Rose sa kanya. Patuloy pa rin kasi siya sa pag-murder sa unan. Napabangon siya tapos natitig sa unan. "Unan ba 'to?! Akala ko si Jordan, eh!" at inis niyang sabi sabay tilapon ang unan kay Joyjoy. Awtomatikong namilog ang mga mata ng dalawa sa narinig nilang pangalan na sinambit niya. Tapos ay agad lumapit ang mga ito sa kanya. "Nagkita kayo ni Papa Jordan? Paano kayo nagkita?!" manghang tanong ni Rose. Bahagyang itinulak niya ito sa noo, sobrang lapit ng mukha kasi. Kulang na lang ay magkapalit sila ng face. "Gaga! Hindi, noh!" aniya sabay padyak niyang tayo. "Eh, bakit parang gusto mo siyang patayin kung hindi kayo nagkita?" hindi naniniwalang tanong pa ni Joyjoy sa gitna ng kilig. Umiling siya ng maraming beses saka humalukipkip sa harapan ng dalawa. "Si Paul! Dapat ay ka-date ko siya ngayon pero 'yong mayabang na 'yon ang dumating!" Walang reaksyon sina Rose at Joyjoy. Matamang nakatingin lang ang mga to sa kanya, halatang nag-aantay pa sa ikwekwento niya. "Tapos ayon! Sinabi niya na pinsan daw niya si Paul!" "What?!" duet na nina Rose at Joyjoy na reaksyon. Sila man ay hindi makapaniwala. She heaved a sigh. "Kung gano'n, maimpluwensyang tao rin pala si Paul?" naibulalas ni Joyjoy. Tumango siya ng sunod-sunod. "Hala ka, Sis! Lagot ka kapag nalaman niyang gagamitin mo lang siya para yumaman ka!" panakot naman ni Rose sa kanya. Kumibot-kibot ang mga labi niya. "Kaya nga nakakainis, eh!" "Eh, paano na 'yan?" humalukipkip na tanong ni Joyjoy. "Ano pa e' di give up!" sabi niya na parang naubusan ng lakas. Totoo 'yon, give up na siya. Madami pa naman sigurong mayaman na binata sa mundo na hindi tulad nina Paul at Jordan na nakakabit ang pangalan sa mataas na politiko, na anytime ay puwede siyang ipadampot 'pag siya ay nagkamali. Mayamaya pa'y sinukbit niya ulit ang bag na kanina ay ibinalibag niya. "Oh, saan ka na naman pupunta?" usisa ni Rose sa kanya. "Dadalawin ko na lang si Mommy," tugon niya sabay alis. Habang nasa byahe siya, sakay ng isang provincial bus ay malalim ang tinatakbo ng kanyang isipan. Kung mamalasin ka nga naman ng mga mabibiktimang lalaki kasi. Magkamag-anak pa talaga. Naiinis talaga siya, inis na inis dahil okay na sana sa kanya si Paul pero ngayon ay hindi na okay dahil may mayabang at asungot pala itong kamag-anak. Badtrip! Umaga na nang makarating siya sa kanilang probinsya. Wala siyang pasok sa school at mag-aabsent na lang siya sa work. Na-miss na niya ang kanyang ina kaya dito na lang muna siya buong araw. Ngunit laking pagtataka niya nang mapansin niya ang dalawang mamahaling sasakyan sa harapan ng bahay ng kanyang Lola. Kunot-noo niyang pinagmasdan ang mga 'to. Pero lalo siyang nagtaka nang parang pamilyar sa kanya ang isang sasakyan. "Kotse 'to ni Paul, ah?" aniya sa sarili saka napalingon siya sa bahay nila. Tahimik naman. Pero ano'ng ginagawa ni Paul sa bahay ng kanyang Lola kaya? Nananaginip ba siya? Nagmadali siyang pumasok. Hindi na niya nakita ang isang binatang bumaba mula sa kotseng iyon at agad may tinawagan nang makita siya. Tinawagan ni Wilson ang amo para sabihing dumating na si Jennie at makapaghanda ang binata na nasa loob ng bahay. "Lola?!" Tulak ni Jennie sa pinto pero napaatras siya nang makita ang dalawang body guards ni Jordan na matikas na mga nakatayo sa ibaba ng hagdan ng bahay. Yumuko pa ang mga ito sa kanya. Takang-taka na umakyat siya sa hagdan. Palingon-lingon siya sa dalawang body guards. Bakit nandito sila? Dumagundong ang kanyang t***k ng puso. Hindi pa man siya nakapapasok sa pinto ng kwarto ng kanyang Mommy ay bumukas na ang pinto. Natigagal siya nang makita roon ang gwapong binata, si Jordan! Nilapitan siya ng kanyang Lola. Nagmano siya rito pero ang tingin niya ay sa binata na tipid na nakangiti sa kanya. Nag-antay siya na may lalabas pa roon sa pinto, pero maingat nang isinara ni Jordan ang pinto. "Wait!" Pigil niya kay Jordan. "Why?" "'Di ba kasama mo rin si Paul?" Hindi niya napigilang tanong. Jordan froze. Hindi agad nakasagot ito at parang namutla. "Eh, kasi... 'yong kotse niya nakita ko sa labas," she reasoned out. Napaisip si Jordan. "Ah, no! I just borrowed his car," tapos ay pagsisinungaling nito na irarason. Biglang nalungkot ang mukha niya. "Teka lang bakit ka ba excited na makita 'yong lumang tao na 'yon?!" sita niya sa sarili. "Apo, kilala mo si Sir Jordan?" tanong ng kanyang Lola na pumukaw sa kanyang pagkatuliro. "Ahmm... Opo, Lola," sagot niya. "Teka lang! Oo nga pala! Bakit ka 'andito?!" pagkuwa'y takang tanong niya sa binata. "My Dad instructed me to come here and find out the situation of Rudolfo Dalioan's family," kaswal na sagot ni Jordan. Akala mo'y isang negosyante sa pagkaseryoso. At 'yon ang totoo. Ang 'di nga inasahan ng binata ay Daddy pala ng makulit na Jennie na ito ang kaibigan ng Dad nito. Nalaman lang nito kanina nang makita nito ang mga pictures ni Jennie sa bahay ni Rudolfo Dalioan. "Huh?!" Tipid na reaksyong lumabas lang sa bibig ni Jennie. Daddy niya ang kasi tinutukoy ni Jordan, eh. "In other words pinahanap kayo ni Dad sa akin," Jordan added. "A-at bakit naman?" "Because they are very close friends. Does your father didn't mention it to you?" Umiling siya. Wala talagang nabanggit ang kanyang Daddy. Ni wala siyang ka-ide-ideya na kaibigan pala ng Daddy niya ang Mayor sa Maynila. "Anyway because we know your situation already, expect a help from my Dad. At para sa kaalaman mo malamang ay bukas o sa makalawa ay makakalaya na ang iyong Daddy," seryoso pa rin na wika pa ni Jordan. Nagkatinginan sila ng Lola niya sa sinabing iyon ng binata. At kapwa sila natuwa sa sinabing iyon ng binata. But wait, seryoso ba talaga ito? "T-talaga? Hindi ka nagbibiro?" kaya paniniguro niya. Parang ang hirap pala kasi paniwalaan. Jordan nodded. "I need to go," tapos ay paalam na nito sabay pormal na humakbang pero tumigil ito sa tapat niya saglit. "By the way if you also want me to be your friends, just tell me. Pagtyatyagaan kita," at bulong nito saka tinuloy na ang pag-alis na ngingiti-ngiti. Napasinghap siya sa hangin. Inirapan niya ang paalis na binata! Ang yabang talaga ng peste!...........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD