UNANG YUGTO :: PART 10

1302 Words
"Dalioan, may bisita ka!" Narinig ni Mang Rodulfo na tawag sa pangalan nito ng pulis na nagbabantay sa kanila sa kulungan. Excited itong tumayo mula sa kinahihigaan na lumang kama. Alam na nito agad na si Jennie ang bisita nito kaya naman agad sumunod ito sa warden. Agad yumakap si Jennie sa ama nang makita niya. Umupo silang magkatapat. "Dad, totoo ba na kaibigan mo si Mayor Fernandez ng Maynila?" at hindi na nagpaligoy-ligoy na tanong niya. Nagulat man sa tanong ng anak ay tumango si Mang Rudolfo. "Matalik ko siyang kaibigan noon, mula pagkabata pero nawalan lang kami ng komunikasyon ng nagpasya siyang pasukin ang politika." "Pero bakit hindi mo man lang siya nabanggit sa amin? Sa akin?" "Dahil ayokong magkaroon pa ako o tayo ng koneksyon sa kanya, Anak. Magulo at delikado ang mundo niya, kaya mula noon ay kinalimutan ko na siya bilang kaibigan," paliwanag ni Mang Rodulfo. Napangiti siya. "Naiintindihan kita, Dad, pero alam mo ba na tutulongan ka niya para makalabas dito?" Sunod-sunod na tango ang ginawa ng ama, pero mababakas sa mukha nito ang pagkadisgusto. "May pumunta rito na tauhan niya." "Dad, pagkakataon mo na 'to. You know how much I need you, Dad. Lalo na sina Mommy at Lola, kailangan nila kayo," maluha-luhang wika niya. "Pero Jennie, Anak, natatakot ako." "Bakit naman, Dad?" "Ang mga politiko na tulad ni Fernandez ay siguradong may kapalit bawat pagtulong na gagawin niya sa isang tao.' "Bakit hindi niyo na lang po isipin na ginagawa lang niya ito dahil kaibigan niya kayo?" Matagal na nagkatitigan silang mag-ama, pagkuway tumango rin sa huli si Mang Rodulfo bilang pagpayag sa gusto ng dati nitong kaibigan. ••• Fifteen minutes ng late si Jennie. Sinipat ulit ni Jordan na nag-aanyong Paul ang relo niyang pambisig. Bakit wala pa si Jennie? Hindi ba siya papasok? Anong nangyari sa babaeng 'yon? He was quite worried about her already. Gustong-gusto na nga niyang tanungin sina Joyjoy at Rose na mga kaibigan ng dalaga ngunit nag-aalangan siya. Hindi nga ba't suplado ang Paul na pagkatao niya? Kaya hindi pwedeng magtanong siya. At saka baka iba pa ang isipin ng dalawa. He sighed heavily. May kung anong pag-aalala na siyang nararamdaman para sa dalaga. Or baka naman nasa bahay pa ito ng Lola nito? Tsk. Sayang naman 'yong plinano niya para sa araw na 'to. "Sis, nag-text na si Jennie. Talagang a-absent na lang daw siya sa subject na 'to. Puntahan na lang daw natin siya sa pinagtratrabahuan niyang restaurant after class," bulong ni Joyjoy kay Rose na nadinig niya. Kahit paano ay nakahinga siya ng maluwag. At least nalaman niyang okay lang naman ang dalaga. Nakita niyang agad lumabas ng klase ang dalawang dalaga nang matapos na ang kanilang subject na iyon. Nag-antay muna siya ng ilang sandali bago tumayo at sundan ang mga ito. Ewan pero gusto niyang makita si Jennie. At aaminin niyang nagka-intiresado na siya sa dalaga simula malaman niyang anak ito ng kaibigan ng Dad niya. Idagdag pa ang pangungulit nito sa kanya bilang si Paul. Tinawagan niya si Wilson at may inutos siya rito habang naglalakad siya papuntang canteen. Aaminin na niya, may gusto na siya kay Jennie. Liligawan niya ang dalaga pero bilang totoong siya---bilang si Jordan at hindi si Paul na gawa-gawa lang niyang pagkatao niya. ••• Sa restaurant, nakita agad ni Jennie sina Rose at Joyjoy. Um-order sila ng makakain. "Hindi ka ba o-order?" tanong ni Joyjoy sa kanya nang makita nitong inilingan niya ang waiter. "Hihingi na lang ako ng tubig mamaya," sabi niya. "Tipid?" tanong ni Rose. "'Wag niyo nalang akong pansinin." "Ah, bahala ka!" ani Rose. "I-libre na lang kita," prisenta naman ni Joyjoy. "'Wag na, Sis. Kumain na kami ni Daddy kanina," pigil niya sa kaibigan. "Ow, galing ka pala ro'n?" tanong ni Rose. Tumango siya. Masaya niyang ipinaalam sa dalawang kaibigan ang good news. Pero 'yong tungkol sa binatang Jordan ay nilaktawan niya. Hindi na kailangan pa na malaman pa ng dalawa ang pagkikita nila ni Jordan kahapon, na may ugnayan pala sila ng binata dahil sa mga ama nila. "Ang suwerte niyo kung gano'n!" tuwang sambit ni Joyjoy. "Ano'ng name ng Mayor na kaibigan ng Daddy mo?" usisa ni Rose na tuwang-tuwa rin. "Hindi ko alam, eh. Hindi nagpakilala," pagsisinungaling niya. Nang may matanawan siya sa sulok ng restaurant. Ngayon lang niya napansin ang lalaking nakaupo roon. Si lumang tao este si Paul! Dumagundong ang kanyang puso. Ngayon niya napatunayan na hindi lang pera ang habol niya kay Paul kaya siya todo effort sa pagpapansin dito. Kasi ngayon pwede namang deadmahin na lang niya ang binata dahil hindi na niya kailangang magpakayaman pa. Hindi na kasi niya itutuloy ang plano. Lalabas na sa kulungan ang kanyang Daddy. Sigurado siyang maibabalik ulit ng kanyang ama ang kanilang masaganang buhay. Ngunit heto siya at hindi mapakali. Gustong-gusto niya pa ring lapitan si Paul. Hindi nga kaya crush nga talaga niya si Paul? Napangiwi siya. Bakit siya pa? Bakit si Paul? Ano ba ang nakita niya kay Paul? Hindi naman ang tipo ni Paul ang gusto niya, eh? Is she crazy now? Nawala siya sa pag-iisip nang inilapag ng waiter ang mga in-order na pagkain nina Joyjoy at Rose. Napatingin siya sa mga pagkain. Mayamaya ay unti-unting pilyang napa-smile siya. Hindi pa man natitikman nina Joyjoy at Rose ang mga pagkain ay inagaw na niya ang mga iyon. "Teka! Saan mo dadalhin ang pagkain namin?!" takang pigil ni Joyjoy sa kanya. "Order na lang kayo ulit! Akin na lang 'to! Rich naman kayo, eh!" tatawa-tawang aniya sabay talikod sa mga kaibigan niya. Kapag ang puso tumibok, wala ka nang pakialam sa kaibigan! Tapos ay ngiting-ngiti siya na lumapit sa kinauupuang lamesa ni Paul. Inilapag niya roon ang mga dala-dalang mga pagkain nina Joyjoy at Rose at walang pasabi na umupo sa tapat ng binatang pinipilit niyang dedmahin pero heto pa rin siya at nagpapapansin. Kung kabaliwan ang tawag dito, pwes madami namang baliw na katulad niya rito sa mundo. So, no worries! Mabilis na sulyap lang ang ginawa ni Paul sa kanya pero nakita niya iyon kaya ngumiti siya rito. Kilig pa rin siya. "Gutom na gutom ako!" Agaw pansin niya sa binatang nuknukan ng suplado. At ano bang aasahan niya, hindi man lang nag-angat ito ng ulo o tingnan siya ulit. As usual concentrate na naman si lumang tao sa pagkain. "Ano 'yang pagkain mo?" papansin pa rin niya. Matalim ang tingin ni Paul nang nag-angat ng ulo. "Can you just eat?" suplado nito at pinagpatuloy ulit ang pagkain. Ang hindi alam ni Jennie ay pumapalakpak ang kalooban nito bilang si Jordan. Inis na nilamon na nga lang ni Jennie ang spaghetti ni Rose. Naubos niya iyon sa isang iglap. Wala siyang naging pakialam kahit tinitingnan siya ng dalawang kaibigan ng masama at takang-taka. "Matakaw ka pala?" mayamaya ay wika ni Paul. Natigilan siya sa pagnguya. Napatingin siya sa nagsalita dahil ang hindi niya inasahan pa ay kumuha si Paul ng tisue. Natigagal siya. OMG! Pupunasan ni Paul ang bibig niya na may sauce ng spaghetti! How sweet! "Punasan mo 'yang bibig mo! Para kang bata kung kumain!" kaso ay ani Paul na inaabot lang ang tisue sa kanya. Napangiwi siya. Akala pa naman niya! Akala talaga niya na pupunasan siya ni Paul ang bibig niya! Moment na sana, eh, mahirap bang punasan ang kanyang bibig?! Hmmp! Padaskol niyang inabot ang tisue ay masama ang loob na pinunasan nga niya ang bibig habang masama rin ang tingin sa binata. Kung hindi lang niya ito gusto, nakuuuuuu!! "Ma'am, excuse me po. Pinamimigay po ni Sir Jordan?" Nang biglang boses ng lalaki mula sa kanyang likuran. Nagulantang siya nang makilala niya ang lalaking nalingunan. 'Yung isa sa mga bodyguard kasi ni Jordan ito. At may dala itong kumpol ng bulaklak na para raw sa kanya. Eh?! Anong drama 'to?!...........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD