UNANG YUGTO :: PART 2

1273 Words
"Thank you, Misis Leal." Kinamayan ni Jordan ang Dean ng school na napili niya na papasukan ngayong college na siya. Tapos na ang masinsinan nilang pag-uusap. "You're welcome, Mister Fernandez. I hope you'll be enjoying here in our school," nalulugod naman na tugon naman ng ginang na may mataas na katungkulan sa paaralan. "I'm sure of that, Misis Leal. Thank you again for granting my request." Ngumiti ng matamis ang may edad na ring Dean ng Sanchi College. "Kung 'yon ang tingin mo na makakabuti sa'yo sa pagpasok mo rito ay walang problema iyon, Mr. Fernandez. At proud kami sa'yo ngayon pa lang dahil iba ka. Iba ka sa mga anak ng politiko na nakilala ko." Humble na tumango na lamang si Jordan. Tapos ay nagpasya na nga siyang lisanin ang magarang opisina ng kanyang kausap. ••• Padabog na umupo si Jennie sa kanyang upuan. Pagod siya! Pagod siya sa kanyang trabaho bilang crew sa isang cafe. Ngayon niya napagtanto na mahirap nga pala na mag-working student. Gayunman ay kakayanin niya! #Payting! "You okay?" Kalabit sa kanya ni Rose. Ten minutes pa bago mag-umpisa ang kanilang klase sa isang subject nila. First year na sila sa kolehiyo kaya kailangan nang magsumikap siya dahil konti na lang at makakatapos na siya ng pag-aaral. Isa pa mas madami ngayong gastusin sa pag-aaral niya kaya kailangan niyang kumilos. Bawal na para sa kanya ang tatamad-tamad dahil hindi niya rich kid. Bahagya niyang nilingon ang kanyang kaibigan. "Okay lang---" pero may napansin siyang kakaiba kay Rose kung kaya't pabigla niya ulit nilingon ito sa kanyang likuran. Napakunot-noo siya sa nakitang hitsura ng kaibigan at muntik na siyang mapahalagpak ng tawa. Si Rose kasi ay pulang-pula ang mga labi. Bongeshos ang lipstick! Parang sinuntok ni Pacman! "What's with you?!" she asked, still frowning. Para siyang nakakain ng kalamnsi sa ngiwi ng mukha niya. "Bakit?" Inginuso niya ang malaswang hitsura ng kaibigan. "Nakakain ka ba ng siling labuyo?!" tapos ay tudyo niya rito. She almost barked at laugh. "Grabe ka naman, Sis! Ganito talaga 'pag may inspirasyon. Nagpapaganda," pa-cute na ani Rose. Nag-pout-pout pa para ipakita sa kanya ang ngusi nitong namumula. Nagkibit-balikat na lang siya. Hindi na niya itatanong kung ano at bakit dahil for sure it's all about Jordan Fernandez na naman. Aisst! Pasalamat niya at wala si Joyjoy na isa niya pang friend. Nagka-emergency sa probinsya nila kaya hindi raw makakapasok ng ilang araw ang bruha na iyon. Kung no'ng isang araw ay nalulungkot siya na wala si Joyjoy, ngayon ikinatutuwa niya. At least si Rose lang ngayon ang mukhang timang sa paningin niya. Knowing Joyjoy, mas mahilig iyon sa guwapo kaya kung nagkataong nanditon 'yon ngayon, naku mas magulo na ang buhay niya. She roamed her eyes around the whole classroom. Wala na yata siyang makitang classmate niya na hindi nagpapaganda. Pati mga bakla, nagpa-sexy rin ang mga gaga! Ay sus! Pagkatapos ay napabuga siya ng hangin. She felt dismay kasi an'dami niya palang magiging karibal kung sakali. Ang totoo kasi ay target niya rin ngayon ang binatang mayaman na iyon. Target niya na gawing nobyo para magka-boyfriend siya ng mayaman at 'pag sinuwerte ay maaasawa niya tapos ito mag-aangat ulit ng buhay nila. Yeah! Alam niya na ang sama niya pero uso naman na ngayon ang praktikalan. Saka gagawin lang naman niya ito para sa Mommy at Daddy niya, eh. Desperada na kung desperada! At least, pinangako naman niya sa sarili niya na hindi niya lulukuhin at tuturaan niya ang sarili niya kung sakali na mahalin pa rin si Jordan kung sakali. So hindi lang talaga sa pera ang habol niya. Magiging matino naman siyang girlfrien kung sakali talaga. "Ikaw lang ang losyang," narinig niyang bulong ni Rose sa kanya. Bahagya niya itong nasabunutan na hindi lumilingon. Kasalanan ba niya kung hindi siya nakapag-ready? Badtrip kasi ang amo niya sa cafe, pinag-Over Time siya. Kakasura! "Aray, hah?!" angal ni Rose sa kanya. Alam niya iningusan din siya ng kaibigan at tiningnan ng masama. Napabuntong-hininga na lang siya at humalukipkip. Sinulyapan niya ang wall clock ng kanilang classroom. Three minutes na lang kaya kahit gustuhin niyang magpaganda rin ay wala na rin naman ng oras. Anytime, papasok na ang kanilang prof kasama malamang na si Jordan, ang bago raw nilang classmate. At ang bago sana niyang victim. Kaso parang wala naman yata siyang panama sa mga classmate niyang mga ambisyosa rin. Kaya hayaan na lang niya. Kung magugustuhan kahit losyang siya, eh' di wow. Kung hindi naman, hayaan na lang. Hindi lang naman si Jordan ang anak mayaman dito sa school nila. "Good morning, class!" Pagbati na pumukaw sa kanyang pagmumuni-muni. Ang kanilang prof dumating na at ngiting-ngiti ito. Nag-umpisa nang kiligin ang mga clasmate niya. Hindi na lahat makapag-antay na makita ang anak ng Mayor. At kahit siya man ay atat na rin na makita ang binata. Guwapo nga kaya? Baka naman photogenic lang? Nakita na rin kasi niya si Jordan pero sa mga larawan lang at mga billboards, sa personal hindi pa. Mailap daw kasi ang Jordan Fernandez na iyon. Kaya nga nagtataka rin siya bakit dito ang napili ng binatang iyon na mag-aral? Well, siguro gusto magpasikat. Gusto magpa-humble kasi malapit na naman ang eleksyon at baka kakandidato na naman ang ama nito sa mas mataas na posisyon naman. Sa madaling salita, gimik nila. Pa-humble kuno. Napaayos siya ng upo nang mag-intro na ang kanilang guro. Ito na ipapakilala na sa kanila si Jordan Fernandez! "Class, meet your new classmate, Mr. Paul Sanchez!" Her jaw dropped a bit. Ano raw?! Natigilan din ang mga classmate niya. Iba-iba ang naging ekspresyon ng mga mukha at karamihan ay napakunot-noo. Then sa pinto ng kanilang classroom ay pumasok doon ang isang matangkad na lalaki. "Boooooooooooo!" at agad na pam-bo-booo ng mga studyante rito. Nadismaya ang mga malalandi. Buti nga sa kanila! Napakagat labi siya upang hindi siya matawa. Napangisi lamang din siya at napailing. Naloka rin siya dahil ibang-iba ang hitsura ng bago nilang classmate sa inaasahan nila. Yumuko ang lalaki sa kanila bilang pagbati. But another BOOOOOOO! ang umalingawngaw sa loob ng klase. Kung hindi pa sumigaw ng TAHIMIK ang kanilang guro ay tuloy-tuloy pa rin ang ingay. "Mr. Sanchez, you can sit down now," anang prof nila sa bagong estudyante. "Sir, where's Jordan Fernandez?!" reklamo ng isang kaklase niya. "Oo nga akala ko ba siya po 'yung new classmate namin, Sir?!" segunda ng isa pa. Bulungan na ang lahat. Dismayadong-dismayado sila. Pati na si Rose. Siya naman ay natatawa ulit. At sa katuwaan lang niya ay sinenyasan niya ang binatang hiyang-hiya. "Dito ka sa tabi ko," saka pag-aalok niya rito ng upuan. Naawa rin naman siya sa binata. Mukhang mabait naman, eh. Naramdaman pa niya ang pasimpleng pagsipa sa kanya ni Rose sa paa. Ibig sabihin ayaw ni Rose ang ginagawa niya. Pero no pansin siya sa kaibigan. "I'm Jennie, ang magiging kaibigan mo rito," sa halip ay magiliw niyang pakilala sa binata with matching kindat-kindat. Trip niya itong kaibiganin. Bakit ba?a Napangiti naman ito sa kanya. "Thanks." Hinayaan na niya si Paul. Lihim lang niya itong tinitingnan na ngingiti-ngiti. Guwapo naman sana si Paul kaya lang kasi ang porma nito ay dyahe. Parang galing sa panahon ng Katipunan. Nakasalamin pati ito sa mata at ang bag parang inagaw nito sa isang messenger sa labas. Tapos, tapos ang gara pa ng pagkakatak-in ng uniform! Japorms na japorms! Hahaha! Natutop niya ang bibig bigla. Natawa na pala kasi siya ng totoo na hindi niya namamalayan. Napatingin tuloy sa kanya si Paul. Kagat-kagat niya ang lower lip niya na pasimple siyang pumihit ng pagkakaupo. Tinalikuran niya bahagya si Paul. Nahiya na siya. Para siyang tanga. Tss!.......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD