Marahas na hinatak ni Jennie ang isang upuan at pabagsak na umupo. Padabog din niyang inilapag ang bag niya sa taas ng lamesa. At hinalukipkipan si Paul, ang antigong tao!
Napaangat ulo naman si Paul na kumakain at takang sinulyapan siya nito.
"Are you deaf?!" mataray na tanong na niya. Pero imbes na sumagot ay pinagpatuloy pa rin ni Paul ang pagkain. Aba!
Nasa canteen sila ng school. Katatapos lang ng kanilang klase. At break time na.
She gasped. "Hitsura nito!" ta's usal niya na mas nainis. "Feeling!" usal pa niya. Paano ay denedman lang siya nito kanina. Ang sabi niya ay sabay silang kakain sa canteen. Pero nang matapos ang last subject nila ay bigla ba naman umalis na walang pasintabi. Tapos pati ngayon dinedma rin siya. Wow, hah!
Sa inis ay marahas na inagaw niya ang salamin sa mata ng binata. Wala lang siyang magawa.
Gulat na gulat naman si Paul. Binawi nito agad ang eyeglass nito.
"What's your problem?" malumanay na tanong Paul pero halatang may inis. Inaayos nito ang salamin sa mata. Then tumingin-tingin sa paligid na animo'y may kinatatakutan.
"'Di ba sabi ko ako ang magiging kaibigan mo rito! Why you didn't wait me?!" Pagpapatuloy niya sa pagtataray kuno. Uma-acting lang siya para hindi dyahe ang paglapit niya sa binata.
"So?!" ngunit sabi lang ni Paul.Aba'y may atitude nga!
"Empaktong, 'to!" inis niya na usa sa isipan. Kung hindi lang siya nakapagtimpi ay piniktusan na niya ito. "Kaibigan mo ako kaya dapat nagyayaya ka rin 'pag kakain ka! Tinawag kita kanina! Hindi mo ba ako narinig, hah?!" ang lumabas naman sa bibig niya na nasabi. At sa totoo lang ito ang hidden agenda niya, ang utakan si Paul para naman kahit sa miryenda ay makatipid siya sa pera. Uutuin niya ito.
Tumigil sa pagkain ng pansit ang binata tapos umayos ito ng pagkakaupo nang tingnan siya.
"'Di ba gano'n ang magkaibigan?!" Tinaasan niya ng isang kilay ang binata.
"Wala ka bang pangmiryenda?" pero parang nanliliit naman na tanong nito sa kanya, crossing his arms over his chest.
Naramdaman niya ang pamumula ng mga pisngi niya. Nakaramdam kasi siya ng pagkapahiya pero hindi siya papaapekto. Ano ngayon kung natumbok agad ni Paul ang ibig niyang mangyari? Na papalibre sana siya rito? Na uutuin niya sana ito? Na kunwari ay makipagclos-close-san siya rito para mautakan?
Nga lang mali yata ang kanyang pagkakilala rito. Hindi yata madaling utuin ito. Sa hitsura nitong mukhang lumang tao ay hindi rin yata ito basta-basta. Nagkamali yata siya. Shame!
Feeling niya ay namula ang kanyang mga pisngi nang makita niyang nakatingin na sa kanila ang ibang estudyante. s**t! Nakakahiya!
"Sorry pero wala ka sa budget ko," sabi pa ni Paul sa kanya na walang kagatul-gatol. Hinarap ulit nito ang kinakain. Talagang pinapahiya siya.
"Ang kapal mo naman! Marami akong pera, noh!" angil niya sabay padaskol na tayo. Hindi siya puwedeng mapahiya! Bwisit!
Malalaki ang hakbang ang ginawa niya kaya naman agad siyang nakalapit sa counter. Inis niya munang sinulyapan ang binatang walang pakialam yata sa mundo. Grr! Bakit ba ganito na apektado siya sa lumang tao na 'to?! Kainis!
Sa inis lahat nang makita niyang masarap na pagkain ay wala sa sariling na-order niya. Ipapakita niya sa Paul na ito na may pera siya!
Subalit anong ngiwi niya nang sabihin ng cashier ng canteen ang babayaran niya. Aissst! Imbes na makalibre, ay napagastos pa siya lalo. Nalintikan na!
Masama ang loob niya na binayaran iyon. Wala na! Wala na ang pang one week niya pa sanang budget! Kainis kasi na Paul! Hindi mautakan ang animal!
Pagkatapos ay halos hindi niya madala lahat ng pagkain na na-order niya. Napapa-'oy' siya na binabalanse ang trey na kinalalagyan ng mga pagkain. Isa-isa niya iyong inilapag. Sinadya niyang sa malapit sa kinakain ng binata pa niya inilapag ang iba. May pansit, may spaghetti, may burger, may pizza at fresh lumpia.
Napatingin naman sa kanya si Paul na medyo may gulat.
Taas ang isang kilay niyang hinarap ito. Tapos ay kinuha niya ang burger at malaki ang kagat na ginawa niya roon habang nakatingin pa rin sa binata, nang-iinggit siya.
"Ano?! Pahiya ka, noh?! Sabi ko naman sa'yo may pangmiryenda ako, eh!" piping sabi niya sa loob-loob niya. Gusto niyang pumalakpak. Wagi! Pero gusto niya ring maiyak dahil ubos na ang alawans niya! Asar!
Iiling-iling na nag-iwas ng tingin sa kanya si Paul. Pahiya nga yata ang loko! Buti naman!
"Kain ka! Madami 'yan! Ganyan ako kasi magmiryenda parang wala ng bukas!" at pagyayayabang pa niya. Tataas-taas ang kanyang mga kilay.
Yown! Hindi nakaimik ang binata. Tahimik na tinuloy na nito ang pagkain.
Gustong-gusto naman niyang magtatawa. Nagdidiwang ang kanyang damdamin dahil napahiya rin niya si lalaking antik na 'to.
Saglit pa'y naalarma siya nang nakita niyang nagliligpit ng gamit na nito ang binata. Aalis na.
"Where you going?!" naalarmang tanong niya.
"Uuwi! Sasama ka?!" sarkastikong sagot nito.
Again, namula ang mga pisngi niya. Nakangiwi siyang umiling. Wala na siyang nagawa kundi panoorin na lang ito sa pag-alis. Ayos din talaga ang baduy na ito, noh?! Suplado! Tss!
"Guwapo ka?! Guwapo ka?!" inis na inis niyang habol na pasarkastikong sigaw. Kumulo na talaga ang dugo niya. At wala siyang pake kung pinagtinginan ulit siya ng mga kapwa nila estudyante. Basta badtrip siya! Badtrip na badtrip! Grrrr!
Paglabas ni Paul ay siya namang pagpasok ni Rose.
"Sis, gutom ka?" Tinuro nito ang madaming pagkain sa harapan niya. "Kaya pala iniwan mo na lang ako."
Napahalukipkip siya na napasandal ng upo. Hindi na niya malasahan ang nginunguyang burger. Anyare ba? Bakit natiklob yata siya sa lalaking antik na 'yon? Aisst!
Umupo si Rose sa okupadong upuan kanina ng binata.
"An'dami naman nito? Kaya mong ubusin lahat 'to? Akala ko ba GG ka?" sunod-sunod na tanong ni Rose habang inuupakan na ang spaghetti.
Tinaasan niya ito ng isang kilay. "Ano'ng GG?"
"Gipit na gipit!"
Napabuga siya ng hangin. Oo, GG na GG siya! Pero minalas pa! Sarap bugbugin ng taong antik na 'yon!
Sabagay kasalanan din niya. Bakit ba kasi in-underestimate niya ang Paul na iyon?! Siya tuloy ang nagiging kawawa ngayon.
Naglupasay na siya sa upuan at napangalumbaba.
"Oh, bakit?"
"Wala! Sige na kainin mo na lang lahat 'yan kung gusto mo," naghihina na lang niyang sabi sa kaibigan.......