VINCENT P.O.V
Ang sakit ng nang gagaling na kirot sa dibdib ko, iniisip ko kung paano nangyare, pero hindi naman ako tanga para hindi din makita, lagi sila magkasama nakikita ko kung paano siya ituring ni Yex, siya pa talaga. Akala ko nung una nag seselos lang ako dahil praning lang ako pero dapat pala talaga kinompronta ko na siya.
Gusto ko man siyang saktan hindi ko magawa kaya mas minabuti ko na lang na umalis ng gabing un sa condo ko, hindi ko alam kung kaya ko ba siyang tanggapin at sabihing wala akong pakialam pero andun yung sumasampal saken ang katotohanang ayaw niya talaga akong makasama dahil nag handa na siya ng annulment paper na may pirma nya.
Masyado na akong lango sa alak dahil ikatlong araw ko na to sa bar na pag mamay ari na ni Kiel.
Kahapon lang nag pang buno kami ni Yexell ng traydor kong kaibigan pero ang galing niyang mag sinungaling.
Kitang kita ko na wala siyang ideya sa ikinakagalit ko at itinuturo nya pa saken na dapat daw akong umayos para sa mag ina ko. How could him para ipasa saken ang responsibilidad niya. Im willing naman pero ung asawa ko ang umayaw mismo saken.
Kaya naman halos mabasag ko ang mukha nya para lang makabawi sa pang gag*go niya saken.
@ condo unit
Nagising ako na masakit ang ulo ko, andito na ako sa bahay namin, nakapalit na din ako ng damit samantalang nasa bar pa ako kagabi.
*Flashback
"Thea I love you, sabihin mo lang saken na mahal mo ako tatanggapin ko yan, baka naman pwede mo ako pag bigyan" pag susumamo ko sa harap ni Theo kapatid ni Thea na minamahal ko.
Sinundan nya ako dito sa bar dahil sa pangungulit ko sa kanya para makausap ang kapatid niya.
" Bro, come on. Get up! Hindi na naten mapipilit kung ayaw niya." Natatandaan kong sabi ni Theo.
" VINCENT, kinausap niya ako na kung maari wag kong sabihin sayo kung nasaan siya, susundin ko yun pero dahil kapatid ko siya pero bro kapatid na ang turing ko sayo ayaw kong makita kang ganyan ka kaya, sige sasamahan kita bukas. Ayusin mo lang yan sarili mo, sasamahan kita para mag kausap kayo" pag alo niya saken dahil masyado na akong madaming nasirang gamit.
Naramdaman ko na lang nag dilim ang paningin ko at wala na akong matandaan matapos nila akong painumin ng tubig.
*END OF FLASHBACK*
Mabilis ko inaayos ang sarili ko, dahil baka dumating si Theo. Ilang araw ko nilunod ang sarili ko sa alak, dahil sa Sobrang gulo ng isip ko. Gusto kong magalit kay Thea pero di ko siya kayang mawala. Napag desisyonan kong akuin ang bata, dahil sa itinatanggi to ni Yex samen nung unang araw na kinausap ko siya.
Handa akong akuin ang lahat, ganun ko siya kamahal. Nagmadali ako mag bukas pinto ng marinig ko may nag doorbell. Mabilis din naman nahawi ang aking ngiti dahil nakita kong si Thea at Yex ito.
Nag tagis ang aking mga bagang dahil sa nakita kong hawak kamay nila sa harapan ko.
Inakala kong maayos ko ang lahat pero mukhang wala.
Pinapsok ko ang dalawang nag traydor saken.
"Anung kelangan nyo?" Mapanuya kong tanong sa dalwa.
"Kuya told me na gusto mo daw ako makausap kaya naman pinuntahan na kita, ayaw ko naman ikaw pa ang pumunta sa place namin ni Yex." Sagot saken ni Thea.
" Thea wake me up, I am dreaming right, please!!" May diin kong pakiusap sa kanya at umaasang nanaginip lang ako at mariin kong pinikit ang mga mata ko.
" No Vince, this is for real. Im Sorry kung humantong pa tayo sa ganito. Im sorry kung nayapakan ko ang pag kalalaki mo, pero sapat naman na siguro na nakasal tayo diba. Yun lang naman ang habol ng mga magulang naten. Kaya wag na tayong mag panggap, alam naman naten ayaw ko sayo at ayaw mo din saken wag ka mag alala hindi to makakarating sa parents mo, or kung makarating man, ako naman un nangaliwa!" Mapaklang sagot niya saken.
" Pag sisihan mo to Thea. Both of you will betray for this! Get out of my place! Mas makakbuti din na wag na kayong mag papakita saken. " Pagpapalayas ko sa kanila na halos magiba ang pinto sa pagkakasara ko nun.
Dinaan ko ang sakit sa mga nakita kong bagay, suntok, sipa at pag untog ng ulo sa mga salamin, hanggang sa mag blanko na lang ulit ako.
@ HOSPITAL
Nagising na lang ako na nasa isang kuwarto na purong puti ang makikita. Nakita ko dun si Mom and Dad.
Naki simpatya sila saken nung nakita nila akong gising na. Walang salitang lumabas sa bibig nila, pero nung niyakap ako ni Mom dun napuno ang kuwarto ng iyak, iyak mula saken na puno ng sakit at iyak mula sa aking ina na puno ng awa.
A MONTH LATER.....
Maayos ko na ulit napapatakbo ang kumpanya ni Dad. Wala na akong balita kay Thea at hindi ko na din nagawang makibalita pa sa kanya. Ang alam ko lang ay gusto kong ipakita sa kanya ang maayos kong buhay.
Samantala nalaman ko din na gumawa din si Sheena ng ikakasira saken ng tiwala ni Thea kaya inisip ko maaring kaya din niya nagawa ang lahat. Hindi ko pa siya kayang patawarin pero alam ko sa sarili ko na darating din ang araw makikita ko din na napatawad ko na sila ni Yexell.
Madalas akong umaatend ng party ng barkada pero hindi ko nakikita umatend si Thea at Yana habang si Yexell ay nakakatagpo ko kasama naman si Dey at ang isang baby na siguro ay mag iisng taon na din.
Isang palaisipan pero hindi na ako nagtanong pa. Problema na nila un at wala din akong pakialam na DAPAT!
Umaatend ako sa party ng barkada na may kasamang ibat ibang babae. Para ihanda ang sarili kung sakali man na mag krus ang landas namin ni Thea pero hindi nangyare un kahit alin pa sa mga gathering na naganap ng barkada.
A Year Past....
Nag madali ako na pumili ng laruan para sa aking inaanak. Nagkaayos na si Yana at Kiel at sinisigurado kong andun din si Thea,
Alam kong andito siya sa Pinas narinig ko sa usapan nila kaya naman pinaghandaan ko tong mabuti.
Sinigurado kong makakarating din si Sheena. New look si Sheena tulad ng bago nitong kinababaliwan. May anak na din ito pero tumutupad sya sa naging pangako niya saken dati. Naging mag kaibigan kami at matapos niyang humingi ng tawad ay nangako siyang kahit anung irequest ko ay gagawin niya.
Kaya naman dun na lamang kami nag tagpo ni Sheena sa venue. Nag diretso naman ako sa party ng aming inaanak. Sobrang kaba ang nararamdman ko. Lakas ng t***k ng puso na halos gustong tumalon ng makita ko sa gate ang babaeng kay tagal kong pinaghandaan, karga nito ang isang batang babae.
"READY?" tanong saken ni Sheena.
Bumaba ako ng sasakyan at pinagbuksan eto ng pinto. Kaagad naman ikinawit ni Sheena ang kamay niya sa braso ko. We both wear the sweetest smile we ever haved.
Lumapit ako sa inaanak ko at kinarga to. Panandalian na nalapitan ko din ang anak ni Thea, nagulat ako ng tinwag niya akong Daddy.
Nakita ko na nag ningning ang mata nito ng nakita ako at para bang may kung anu sa puso ko na gusto ko makuha at mahawakan ang bata pero mas pinili kong hindi at wag siyang pansinin. May kirot sa dibdib ko kaya naman napilitan na din akong ngitian eto at kargahin to
" Hey my Sweet Kelly, happy birthday princess, hows your day?" Tanong ko sa aking inaanak.
" Im so very happy Daddy Ninong, much happy cause my sweet tweeny sister is here with my Mommy Ninang, ow Daddy this is my Sweet tweeny Princess Alie Vienna, tweeny meet Daddy Vince" pagpakilala naman ni Kelly
" Hi Daddy, can hug you, too." Inosenteng tanong ng anak ni Thea.
I dont know why, pero iba ang yakap ng batang ito. May taglay na init. Nagtaka ako kung bakit ung kaninang tawa niya ay may hikbi na para bang gustong umiyak.
Kaya naman binaba ko si Kelly at iniupo ko eto sa aking hita.
" Why baby, something achy?" Pag alala kong tanong. Nakita ko naman na nakatingin saken si Thea na walang emosyon. Hinaplos din naman ni Sheena ang bata kaya mas nakita kong nainis si Thea.
" Nothing, I just missed my Daddy, Im so happy na nakita ko po kayo, Mommy told that you're a great man. I remember my Dad when I see you po" sabi ng bata na ipinagtaka ko din.
Andito si Yex pero na kay Dey ang atensyon nya. Anung meron, bakit parang ang labo ng nangyare. Natigilan ako ng narinig kong tinawag ni Thea si Vienna.
"Baby come here, Mommy need to go home na, mag paalam ka na kayna papa lo at mamila mo." Pag tawag ni Thea.
Mabilis naman na bumaba ang bata sa kanya. Nakita ko ang pag ngiti ni Thea at ang pakikipag biruan nya sa mga nasa paligid niya hanggang sa mag paalam na eto ng diretso.
Isa isa nilang bineso ang mga bisitang natitira na lamang, bukod kay Sheena. Nabigla ako ng sabay akong hinalikan ng mag ina sa pisngi. May binulong siya saken.
" You look good Vince, glad to see you again my ex husby. "
Matapos nun ay umalis na din sila nakita ko na lamang na nagkakagulo na sila dahil sa nawalan ng malay si Yana.
Kinelangan na din umuwe ni Sheena dahil sa fiancee at anak niya.
Habang ako ay nakasama naman ni Thea papuntang hospital. Naiwan kz siya ng barkada dahil sa pag asikaso s mga bata. Narinig kong ibinilin niya ang anak niya sa isa sa mga yaya nila.
Habang papunta ng hospital ay tahimik lang kami sa loob ng sasakyan. Nakita ko na lang na bumaba si Yex sa sasakyan niya kasama so Dey. Tiningnan ko si Thea pero mukhang normal lang ang lahat sa kanila na parang walang nangyaring sakitan. Kaya minabuti ko na kausapin si Yexell.
Wala ako nakuhang sagot. Nag init lang ang ulo ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Parang bumabalik ang lahat.
Nakita ko si Thea na may ngiti sa labi niya habang kausap niya si Dey. Walang selos o inis o galit na may nangyayari na third party. Hanggang sa nakita ko na nag uusap na si Yex at Thea ng seryosong usapan.
Maayos naman ang lagay ni Yana kaya minabuti na namin umuwe. Hinintay ko kung kanino sasakay si Thea pero hindi siya sumabay sa mga barkada niya.
May tinatawagan siya kaya naman nilapit ko na ang kotse ko sa pwesto niya.
" Get in." Nakita ko na nag dadalwang isip siya, ung ngiti niya kanina ay bigla nabura at may pag alala ako nakita sa mata niya.
"Get in or else bubuhatin kita papasok ng kotse ko!" May diin na utos ko sa kanya.
" Still a jerk" bulong niya na nadinig ko naman.
Sinabi niya ang unit na tinitigilan niya at nakakpag taka na pareho pa kami ng nilipatan at magka dais ng room pero hindi kami ngkikita.
" Dito na lang ako" sabi niya na. Pag kababa niya ng kotse ay bumaba na din ako at ni lock un kotse.
" Where are you going. Hindi mo na ako kelangan ihatid sa unit okay na ako dito." Sabi niya na napaka inosente.
" PARDON!"
PARehas kami nakatingin lang sa isat isa. Nag matured na siya hindi na siya si Thea na makulit, andun un tumatawa siya sa harap ng mga tao pero andun un lungkot sa mata niya pag kaharap ako
" Ouwh, I thought ihahatid mo pa ako sa unit namin. Magagalit ang fiancé ko pag nagkataon nakita niya tayo." Pagdadahilan nito
" Ahh yeah. Dito din kz ako umuuwe. Actually magkatabi lang tayo ng room. Your on a room 65 samantalang ako ay room 64."
Sabi ko sa kanya at tinalikuran na siya pero may naalala ako sabihin sa kanya.
" And Thea Can we talk? dinner mag kita na lang tayo dito. Bonding sa aking hatred enemy 7 oclock mamaya ." Sabi ko sabay talikod. Nakita kong natulala siya sa akin.