THEA:TWF8

1095 Words
Vince P.O.V Dinner Date Hinihintay ko si Thea para sa paglabas namin ngayon dito sa parking area, gusto ko siya makausap hindi ko alam kung para san basta ang alam ko gusto ko lang madami akong gusto ipamukha sa kanya. Pero mapagbiro talaga ang tadhana, parang ako pa rin un sinampal ni tadhana, kitang kita ng dalawa kong mata ang dalwang pares na magkayakap,kitang kita nya ang pagmamahal nila sa isat isa. " Takecare honey, you look stunning and so beautiful tonight kaya iupdate mo kami ni baby viena kung nakauwe ka na dito, ok? " Sabi nung lalaki kay Thea at hinalikan pa niya ito sa dalwang pisngi at noo habang nakapikit at mukhang dinadama pa nito ang ginagawa sa kanya. " Of course Timothy, ingatan mo din ang baby naten. Ibalik mo siya saken ng buo. Next day ko na lang kayo puntahan ayusin naten un mga kelangan sa kas..." Huling dinig ko sa sinabi ni Thea sa lalaki niya. Mabilis akong pumasok ng kotse at dun ko na lang siya hinintay. Nakaramdam ako ng sakit. Eto pala ang fiance niya, mas guwapo naman ako sa lalaking un, anu kaya nagustuhan niya. Mabilis ako nag sign ng ilaw sa kanya at binuksan ang bintana ng kotse ko ng nakaalis ang lalaki ni Thea. Kaagad din siya lumapit saken. " Hey! " Pag bati nya saken Tiningnan ko lang siya na may pag tatanong dahil mukhang wala siyang balak na sumama saken. Pinutol ko ang ilang minutong pagtitigan namin. Hindi ako sanay na ganito siya ka seryoso, isang simpleng ngiti ang binibigay niya saken at kitang kita ko ang pagmamahal sa mga mata niya. " About my invitation! Diba sabi ko lalabas tayo ngayon." --- mahinahon ko salita sa kanya. " Ohhh, pasensiya na Vince may importante kasi akong aayusin ngayon, nawala sa isip ko. Im really sorry, pwede bang magkape na lang tayo sa loob ng unit ko. Kung pwede lang naman un, " tanong niya saken at kaagad naman akong tumango sa kanya. At Thea's Unit Pumasok kami sa loob ng unit with the pink theme, babaeng babae ang datingan hanggang sa mug inilapag niya sa mesa. Alam ko dati ayaw niya ng pink pero malaki na talaga un pinag bago niya. Magsasalita na sana ako pero bigla naman may tumawag sa celphone niya at madali niya tong singot at pumasok dun sa kuwarto niya. Iniwan niyang nakaawang ang pinto. Hinayaan ko naman siya at nagpasyang maglibot libot ng tingin sa mga dekorasyon sa unit niya. Nakakuha ng atensyon ko ang larawan nila ng prinsesa ng buhay. Andun un kapatid niya si Yexell at ang lalaki kanina na sumundo sa anak niya. Mukhang napaka saya nila sa larawan. Meron din silang larawan na magkasama si Yex at Kiel habang nasa gitna naman nila si Thea at Yanna. Mukha silang masaya. Nakita ko din ang album na naka patong sa ibabawa ng divider niya. Lahat ng importanteng tao sa buhay niya andun. Kahit ung mga kuha ng magkakaibigan na larawan nung kasal namin. Pati un solo picture niya nung kasal namin. Nakaramdam ako ng lungkot, dahil wala man lang ako sa mga larawan dun. Ibinaba ko na ito at napatingin ako sa orasan may 20 minutos na pala siyang pumasok sa kuwarto. Minabuti kong silipin siya dun. Pero wala siya dun, pumasok ako dun at nakakita ako ng isang room kaya naman binuksan ko un sinilip ko kung andun siya, pero timing naman un pag silip ko na may kausap siya sa computer niya at mukhang sa trabaho ang pinag usapan nila. Kaya naman minabuti kong bumalik na lang sa sala pero napukaw ng isang litrato ang puso ko. Isang larawan ng babae't lalaki na ikinasal at may nakakapit na larawan ng anak niya. Kung pagmamasdan mabuti mukha silang masaya pamilya, lahat nakangiti pero paano nangyare to. Larawan namin ni Thea ang andun at ang anak niya. Nilapitan ko ang larawan at nakita ko larawan namin tong dalwa pero inedit lamang. Napangiti ako pero natigilan ung ngiti na yun ng makarinig ako ng may bumagsak sa bahaging likuran ng kama. Kaagad akong napalingon at nakita ko si Thea na gulat na gulat. " Vince, what are you doing here? Wala kang permission na pumasok sa room ko" pag susungit ni Thea at kinuha kaagad ung hawak ko larawan at binalik sa lalagyan. Kaagad niya akong hinila palabas at nag karoon ng ilangan sa nakita ko. " Vince, pwede bang sa sunod na lang tayo mag usap. Madami pa akong gagawin kaya naman baka mamaya pa ako matapos sa meeting ko from New York" pagtataboy saken ni Thea. Pero ayaw ko palampasin tong araw na ito. Gusto kong maliwanagan tungkol sa kanila ni Yex at dun sa nakita kong larawan. " I can wait naman, dont worry kahit abutin ako ng gabi hihintayin kita, gusto ko sanang mag usap tayo ngayon na about sa marriage naten " may pagka sarkastiko kong sagot sa kanya. . Nakita kong kumunot ang noo at nagsalubong ang kilay niya, marahil ay naguguluhan dahil ang buong akala niya ay annulled na ang kasal namin. " Pardon Mr. Madrigal! "--- Thea " Mag uusap tayo about our marriage Mrs. Madrigal. Kaya naman hihintayin kita hanggang matapos yan meeting mo." Nakita kong gulat na gulat siya pero nagpaalam na din siya maya maya. Ako naman nag feel at home lang at inabot na nga ako ng antok kaya naman hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako sa sofa. ALTHEA P.O.V Sinadya kong tagalan ang pag tambay ko sa maliit na room ko. 2am naisipan ko lumabas ng kuwarto, naalala ko ang pangyayari sa kuwarto ko kanina. Sigurado tatanungin ako ni Vince kung bakit litrato namin ang nakalagay sa desk namin. Isa pa din ipinagtataka ko ay kung bakit nga ba kelangan pa namin pag usapan ang about sa marriage namin. E kung tutuusin naman ay matagal ng tapos ang samen. Akala ko handa na ako harapin siya. Matagal ko inipon ang lakas ng loob ko humarap sa taong minahal ko. Ayaw ko din sana na magkita sila ng anak ko pero wala ako magawa dahil nangyari na. Pinaghandaan ko ang lahat para wala sakit na naramdaman ang anak ko pero alam ko na nasaktan ko pa rin siya. Matapos kong makapag isip lumabas ako sa sala, naabutan ko na natutulog si Vince sa sofa. Gusto ko man siyang maging komportable sa higaan pero hindi pa ako handang kausapin ulit siya. Iniwan ko siya sa sala at hinila na din ako ng antok dahil sa madaling araw na din naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD