ALTHEA P.O.V
Sinadya kong tagalan ang pag tambay ko sa maliit na room ko. 2am naisipan ko lumabas ng kuwarto, naalala ko ang pangyayari sa kuwarto ko kanina. Sigurado tatanungin ako ni Vince kung bakit litrato namin ang nakalagay sa desk namin. Isa pa din ipinagtataka ko ay kung bakit nga ba kelangan pa namin pag usapan ang about sa marriage namin. E kung tutuusin naman ay matagal ng tapos ang samen. Akala ko handa na ako harapin siya. Matagal ko inipon ang lakas ng loob ko humarap sa taong minahal ko. Ayaw ko din sana na magkita sila ng anak ko pero wala ako magawa dahil nangyari na. Pinaghandaan ko ang lahat para wala sakit na naramdaman ang anak ko pero alam ko na nasaktan ko pa rin siya.
Matapos kong makapag isip lumabas ako sa sala, naabutan ko na natutulog si Vince sa sofa. Gusto ko man siyang maging komportable sa higaan pero hindi pa ako handang kausapin ulit siya.
Iniwan ko siya sa sala at hinila na din ako ng antok dahil sa madaling araw na din naman.
IN MY ROOM
"I love you Thea, hanggang ngayon ikaw pa rin. Sobrang galit ako dapat sayo e ang daya daya mo hindi mo man lang tinapos un 6 months naten. Ang dami kong gusto itanong sayo pero mukhang hindi ko pa masabi sayo. Hindi mo pa masasagot, BABY sobrang miss kita years past hindi mo man lang ako binalikan at kinompronta. It mean ba na hindi mo talaga ako minahal, kahit kaunti, kahit kapiraso baby, kahit isang araw, kahit isang oras kahit isang minuto wala ka bang naramdaman para saken. Dahil ako sa bawat segundo na gusto kong ipikit un mata ko, ikaw pa rin nakikita ko na makakasama ko sa future ko, Ganun ka kaimportante saken" ---- VINCE HABANG UMIIYAK
" Alam mo ba baby binalikan kita nun sa condo para lang saluhin un baby, oo nagalit ako pero ayun na e, andun na baka sakali din na maayos naten un relasyon naten kahit na wala naman talaga dahil pinakasalan mo lang ako para sundin ang huling hiling ng magulang mo" ---- pagpapatuloy ni Vince pero nanatili ako sa pagpapanggap kong tulog.
" Ganun na ako kadesperado para sayo, hindi ko alam kung anung rason mo para hindi ako magustuhan, samantalang pinabayaan ka lang din naman ng tarantadonh pinili mo. Sinadya kong pagudin ang katawan at isip ko sa trabaho, para makalimutan kita pero hindi andito ka pa rin, hindi ko magawang ipasa ang inwan mong annulment at mas pinili sunugin to. Gusto ko na mahirapan ka pero mukhang hindi ko kayang gawin. Dahil sa lintik na pagmamahal ko sayo" --- may pagak na tawa niya ang sinabi niyang un saken kaya naman naidiin ko ang pagpikit sa aking mga mata.
Hindi ko rin napigilan ang pag patak ng luha ko. Marahil napansin niya yun. Tumahimik sya saglit at pinahid ang kumawala kong luha sa aking mata.
" Alam ko naman na iniiwasan mo pa rin ako hanggang ngayon, hindi ako alam ang rason pero naisip ko din ginagawa mo to dahil maayos ka na talaga sa bago mong minamahal. Tatanggapin ko un baby handa na ako palayain ka, punta ka na lang kay Atty. Chavez para sa mga dapat ayusin. Mukhang hindi mo din ako haharapin kaya aalis na ako. Salamat sa pag dating sa buhay ko. Mahal ko, Mahal kita" pagpapaalam ni Vince saken habang nakapikit pa rin ako.
Gusto ko siyang pigilan pero hindi pwede may sarili na siyang pamilya. Magiging masaya din siya.
At kaagad akong bumangon sa aking higaan dahil sa paninikip ng dibdib ko. Sobrang sakit. Kaagad akong kumuha ng gamot ko sa divider sa naging sakit ko matapos akong manganak kay baby Vienna.
6years past ng nag ka heart failure ako. Kinelangan ako mag bedrest for 8months until na manganak ako. Tiniis ko para kay Vienna, lalo na at sinusuportahan naman ako ng kapatid ko ni Yexel ni Yanna at ng pinsan namin na si Lucas Madrigal Valliente. Madalas din na si Lucas ang kumukumbinsi saken para ipaalam kay Vince ang sitwasyon. Malapit sya samen dahil nag iisa lang siya at kaming tatlo lang ang mag pipinsan sa side ni Daddy at ng Mommy niya. Mommy nya din na si Tita Chloe ang nag aasikaso samen ni kuya mula ng nawala si Mom and Dad. Hindi sila tumigil sa pag kumbinsi pero matigas ako.
Pinakita kong kaya ko kaya naman tumigil na din sila. Mahal na mahal nila ang baby ko at pinalaki nilang spoiled madalang na din ako atakin ng heart failure dahil sa ginawa treatment saken pero lagi pa rin ako nagpapa check up maintenance at may gamot na din saken binigay bago ako umuwe ng Pinas.
Kaya heto narinig ko si Vince at parang bumabalik un pinagdaanan kong sakit. Dapat ba akong mang hinayang dahil pinakawalan ko siya pero may bumubulong din sa isip ko na dapat lang un dahil mukhang okay na sila ngaun ni Sheena.
Nagpasya nauna ako mag pahinga muli para baka sakaling pag gising ko okay na ulit ang lahat. Andun na ulit un tapang ko na harapin to. Tatapusin ko at susundin ko ang sinabi niya. Un ang nasa isip ko hanggang sa makatulog na lang ulit ako.