Vince
Mula nang iwan ko si Thea sa unit niya, hinayaan ko ang sarili ko malango sa alak. Lahat ng sakit bumabalik ng paulit ulit.
Bakit ang dali lang sa kanya. Ihinagis ko lahat ng bote ng alak na pinadeliver ko kanina. Wala akong pakialam kung madami mang masira o kung masaktan man ako ng pisikal. Nag paka pagod ako pero dahil sa mataas yata talaga ang alcohol tolerance ko, hindi pa rin ako makatulog. Naubos ko na lahat ng gamit hindi pa rin ako napapagod sa salas. Ganun ba kita kamahal Thea? Bakit mo ginagawa sa akin to.
Maya maya lang ay nakarinig ako ng doorbell pero hindi ko ito pinansin, inisip ko na baka mga babaeng magpipilit na naman ng sarili nila sa akin. Matapos ng sunod sunod na pag doorbell tumigil na din ito. Pero makalipas ang isang oras bumalik na naman kaya nag pasya na akong pag buksan ang nag doorbell.
THEA
Matapos kong mag mukmok sa kuwarto nagpasya na akong kausapin si Vince. Dahan dahan kong inilapat ang tenga ko sa pinto ng unit niya at nagulat ako dahil nakakarinig ako ng mga nababasag na bote.
Kaagad ako nag doorbell pero wala nagbukas. Naisip ko baka walang tao at baka sa ibang unit un nadidinig ko. Nagpasya akong bumalik sa unit namin pero bumalik din ako pag katapos ng isang oras.
Alas-7 na ng gabi kaya siguro naman andito na siya. Nag doorbell ulit ako ng sunod sunod. Hanggang sa nag bukas ang pinto. Wala man lang lumabas sa pinto kaya naman kinabahan ako, pinasok ko un ulo ko at nakita ko ang magulong salas no Vince.
Hindi niya ako nililingon. Pero nag salita siya.
" What do you want? Sino nagpadala sayo si Kiel ba si Gab o si Theo? Tulad ng sinabi ko sa kung sino mang babae na nauna na sayo. Hindi mo ako makukuha, maliban na lang kung ikaw ang babaeng minahal ko. Kaya bago pa ako makapanakit better to get out of my place. Leaveee!" Mahinahon pagkakasabi sa akin ni Vince.
Ilang minuto ako tumahimik hanggang sa hindi ko na kayang matiis ang sugat sa kamay niya. Hindi ko alam kung anung nangyari pero nakadama ako ng guilty, pero mabilis din napawi to paano nga naman pala to mangyayari e may pamilya na siya. Kumuha ako ng first aid kit sa comfort room niya at nilinis ko ang mga naging sugat niya.
Nakatulugan niya ang pag tawag sa pangalan ko habang may kasama na bakit pa akobumalik, bakit di ko pa sinulit un pag layo ko. Sobrang sakit pero kinalma ko un sarili ko. Kaagad ko siyang inakay papunta sa kuwarto kahit na sobrang bigat niya, nahirapan ako pero kinaya ko sa pag alalay ko nawalan ako ng balanse ng ihihiga ko na siya sa kama kaya naman nadaganan niya ako.
Napa sigaw ako at nag mulat din siya ng mata. Tiningnan niya ako na parang hindi siya makapaniwala sa nakikita. Hinaplos niya ang mukha ko, at unti unti niya akong hinalikan, aminado ako namiss ko tong pakiramdam nito. Pumatak ang luha ko at nagpadala sa init na nararamdaman ng katawan namin. Mabilis niya akong natanggalan ng kasuotan at pati na rin siya. Sobrang nadadala kami ng bawat lapat ng mga palad sa aming katawan. Ramdam ko ang pananabik niya na akala mo'y matagal na hindi nakatikim ng ginawa namin.
Napasapo ako sa noo ko matapos niyang magsalita muli habang nakatingin sa mukha ko.
" Heto na naman ang masamang panaginip ko, siguradong magigising na naman ako ng may sakit eto (tinuro niya ang tapat ng puso niya) alam mo ba na ayaw niyang mapagod sa pag t***k" pagkasabi niya nun ng may pag ka sarkastikong tawa, pumikit sya at bumigat na ang pag hinga niya kaya naman nag madali akong naligo sa cr niya.
Wala akong makapa pagsisisi after all nag promise ako his my first and last. Sobrang namiss ko talaga siya. Miss na miss na namin siya ng anak namin.
Matapos kong maligo at mag hanap ng damit na pwedeng isuot, nilinis ko ang lahat ng kalat at bumalik sa kuwarto niya hinalikan ko siya sa noo.
"Ganito ka ba ka miserable pag nakikita mo ako? Ganun ba ung galit mo saken para lang gustuhin mo na hindi na ako bumalik pa. Im sorry kung pinili ko nun na lumayo, akala ko dapat un at sa kanya ka magiging masaya. Pero mali yata ako. Dapat ba na naging selfish ako nung time na un para saten ni baby Vienna. Im sorry, kung nasasaktan kita mahal ko, pipilitin ko maayos un hiniling mo saken. Bukas na bukas din aayusin ko un kay Atty. Chavez. Pero bago ang lahat. Thank you for taking me tonight. I miss you so much. Hangad ko na maging masaya ka. See you when I see you" pag paalam ko sa kanya habang hilam ng luha ang aking mata. Hinalikan ko siya sa noo sa pisngi at sa labi sa ilang minuto. At saka tahimik na umalis at bumalik sa unit ko para mag pa hinga na din.